Chapter 3. New Staff
Nagising ako kinaumagahan na masakit ang ulo dahil sa kulang ang tulog ko.
Matapos kong gawin ang ritwal ko tuwing umaga bumaba na ako sa shop namin.
7am na. At kakaopen lang ng shop.
"Good morning everyone" Medjo matamlay kong bati sakanila ng madatnan ko si Papa at Uncle George na may kanya-kanya ng ginagawa.
"Oh,? Goodmorning too Anak. Okay ka lang? Matamlay ka yata ngayon. May sakit ka ba.?" Lumapit si Papa saakin at hinawakan ang Noo ko.
"Okay lang ako Pa. Medjo masakit lang ulo ko kasi hindi ako nakatulog ng maayos kagabi." Sabi ko sabay hawak sa braso ni Papa para hindi na sya mag'alala.
"Pamangkin, mag'breakfast ka na muna. Para makainom ka ng gamot para dyan sa sakit ng ulo mo." Lumabas si Uncle George mula sa Baking area namin na may dalang tray ng Almusal. Sinalubong ko agad sya para kunin ang dalang tray nya.
"Uncle, nag'abala ka pa. Marunong naman akong kumuha ng Almusal ko eh." Sabi ko kay Uncle George. Inilapag ko ang tray sa counter table.
"Anu ka ba pamangkin okay lang yan." Ti'napik nya ako sa balikat. Napangiti nalang ako. Tumingin ako kay Papa at tumango lang sya sabay senyas ng kumain na.
Wala naman akong magagawa kundi kumain nga.
Napatingin ako sa loob ng Baking Area namin para hanapin si Vanessa.
Saan kaya ang babaeng yun.?"Hindi pa ba bumababa si Vanessa Pa?" Tanong ko kay Papa habang sumusubo ng sandwich.
Ngumuso lang sya. May tinuturo. Kaya sinundan ko yun ng tingin.Halos mabuga ko ang kinakain ko sa nakita.
Paano ba naman.
Nakayapos sa braso ng lalaking nagma'map sa sahig namin si Vanessa.
Mukha namang hindi komportable ang isa dahil panay tulak nya kay Vanessa.Ang babaeng talagang 'to.!! Makukurot ko 'to sa singit eh.
At sino kaya 'tong lalaki.? Nakatalikod kasi.
Naka'suot sya ng uniform ng shop namin.Yes, may uniform kami dito.
Dahil sila Papa and Uncle George ang gumagawa ng Cupcakes and Cakes
Ang uniform na suot nila is Black longsleeve and Maroon Apron na sa waist lang nakatali. May printed Logo ng shop.Saamin ni Vanessa na taga-serve and minsan ako nagde'deco. sa cupcake and cake.
Dirty White longsleeve w/ bow necktie. Maroon Apron w/ Logo ng Shop and Tag name na nakasabit sa left side ng chest namin."Si Liam yan nak." Napatingin ako kay Papa na may dalang nang baso ng tubig. Inilapag nya 'to sa harap ko. "Bagong umuupa dyan sa tapat nating apartment. Nagdidilig ako kanina dyan sa labas ng lumapit saakin yan. Nagtanong kong may bakante tayo. Eh,sakto namang nagpaplano tayong maghanap. Ayan tinanggap ko nalang. Mukha namang mabait eh." Tumango-tango ako sa sinabi ni Papa.
BINABASA MO ANG
The Protector and Me
FanfictionSya si Zhoey Lynn Orzatti, 24yr/o. Pinalaking mag-isa ng Papa nya. Isang simpleng babae, mabait, masayahin at matulungin. Pero biglang nagbago ang lahat ng dumating sa buhay nya ang Night Courier na may codename na 'The Protector' Sino ba ang 'Prote...