Chapter 4. Suicide Attempt
Zhoey POV:
Naglalakad ako ngayon para magdeliver ng tatlong box na cupcake.
Ako na pinakiusapan ni Papa na maghatid kasi si Liam nautusan nya nang maghatid ng ibang order.Malapit lang naman sa shop namin ang umorder nito. Kaya okay na.
Habang naglalakad sa street dala ang tatlong box. Pakiramdam ko may matang umaalilag saakin. Ilang araw ko na 'tong nararamdaman umpisa 'nong nangyari sa Bus.
Pero hindi ko nalang pinapansin dahil baka guni-guni ko lang naman. O di kaya nagka'phobia na ako sa paligid ko. Na baka anytime may mangyari ulit.Napahinto ako sa tapat ng Condominium building. Ito na yun.
Pumasok na agad ako sa building. Mukhang puro mayayaman nakatira dito. Halata naman sa mga decoration ng building.Nang malapit na ako sa elevator saktong papasara na ito. May babae sa loob.
Patakbo akong lumapit para makapasok.
"Wait! Wait! Miss!" Tawag ko.
Agad naman naagapan ng babae na hindi masara ang pinto kaya nakapasok ako. Humarap ako sa babae para magpa'salamat pero napatigil ako sandali.Ang babae na customer namin kaninang umaga.
Asan na yung dalawa nyang kasama?
"T-thank you miss" Nakangiti kong sabi.
Hindi sya kumibo.Okay lang kaya 'to?
Parang namamaga kasi mga mata nya. Tapos medyo magulo na buhok nya.Gusto ko sana syang tanongin kaso baka sabihin nya 'Close ba tayo?'
Oh,diba? Pahiya ako konti?
Ano kaya nangyari dito?
Pinindot ko ang botton #20 dahil nasa 20th floor ang umorder nitong cupcakes.
Napatingin ako sa #17 botton dahil ito lang ang nakailaw na pula. Doon siguro sya bababa.Napatingin ako sa taas ng pinto.
Nasa 4th floor palang kami.Napasandal ako sa wall at tinitingnan ang number na lumalabas sa taas ng pinto.
Pinapakiramdaman ko ang babae.
Panay na rin sulyap ko sakanya.Nakatulala lang sya. Habang mahigpit ang pagkakahawak nya sa printed bag nya.
Talaga bang okay lang 'to?
Nangangati na ang bunganga ko. Bahala na! Urgh!
"Uhmm--"
Tinngg...
Napahinto ako sasabihin ko dahil bumukas na ang pinto ng elevator.
Nasa 17th floor na pala kami. Ang bilis ah.
Sumulyap ulit ako sa babae. Pero hindi pa rin sya kumikilos.
Tumikhim ako.
"Uhm, Miss, nasa 17th floor na tayo." Sabi ko.Tumingin sya sa nakabukas na pinto.
Ang akala ko lalabas na sya ng elevator dahil kumilos na sya. Pero nagkamali lang ako.
Dahil pinindot nya lang ang close botton at ang 30th floor, last floor ng Condo na to.Napakunot ang noo ko.
Hindi umaalis ang tingin ko sakanya. At parang wala lang naman syang paki'alam na tinitingnan ko sya. Kahit pagkurap nya hindi nya na ginagawa.
Tinngg...
Nasa 20th floor na kami. Agad akong umayos ng bumukas ang pinto.
Humarap ulit ako sakanya ng nasa labas na ako ng elevator.
Bago sumara ng tuloyan ang pinto ng elevator. Nakita kong tumulo ang mga luha nya.
BINABASA MO ANG
The Protector and Me
FanfictionSya si Zhoey Lynn Orzatti, 24yr/o. Pinalaking mag-isa ng Papa nya. Isang simpleng babae, mabait, masayahin at matulungin. Pero biglang nagbago ang lahat ng dumating sa buhay nya ang Night Courier na may codename na 'The Protector' Sino ba ang 'Prote...