Ashton's POV
"Namiss kita." Nakangiti kong sabi sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit.
Nagulat ako ng lumayo siya sakin.
"Ashton." Tawag niya sa pangalan ko. Nakaramdam ako ng kaba, di ko alam ang dahilan.
"Bakit? May problema ba?" Tinignan ko siya sa mata. Iniiwas niya ang tingin kaya alam kong may di magandang nangyayari.
"Itigil na natin to." Ha? Di ako makapag-salita. Ano ititigil?
"Di mo ba nabasa text ko sayo?" Tinignan ko ang phone ko at umiling.
Bumunting hininga siya. "Ashton, nakikipag hiwalay na ko sayo."
Tangina. Di totoo 'to.
"Bakit? Nagbibiro ka lang." Di ko maiwasan ang paninikip ng dibdib ko.
"May iba na akong gusto. Sorry.." Napayuko siya. "Nagkagusto ako sa kaibigan ko. Ashton, itigil na natin to."
Di na ako nakapagsalita at pinanuod ko siyang mawala sa paningin ko.
Dumiretso ako ng uwi sa bahay at doon ko nilabas lahat ng sama ng loob ko.
--
*kriing* *kriiing*
Napaupo agad ako sa kama ko. Naalala ko yung panaginip ko.
Pamilyar yung mga pangyayari. Alam ko yung mga yun. Yun ang ayaw ko ng maulit---ang alaala na iniwan sakin ng taong minahal ko bago niya ako iwan.
Alam ko namang hindi ako perpektong boyfriend pero di man lang ba niya naisip yung mga ginawa kong effort para sa kanya? Kahit hindi siya yung tipo ko sa mga babae, minahal ko siya ng sobra. Sobra pa sa pagmamahal niya sa sarili niya. Halos lahat ng gusto niya naibigay ko. Tinuring ko siyang prinsesa at pinaramdam kong mahal ko talaga siya. Pero bat ganon? Parang ang dali lang para sa kanya. Ang dali lang maghanap ng iba.
Simula nang hiwalayan niya ako, hindi na ako nag-seryoso pa sa isang relasyon. Takot akong maulit yung nangyari. Bakla na kung bakla tignan pero putangina. Di nyo alam kung gaano kasakit yung ginawa niya.
-"Mr. Von are you listening?" Napatingin ako kay Mrs. Brinotcha, yung terror teacher namin.
"No ma'am" sagot ko rito. Bakit pa ba ako magsisinungaling? Honesty is the best policy e.
Tumingin ako kay Kaizen na katabi ko at nag-gilit sa leeg gesture pa yung loko. Nagawa pang mang-asar, lagot siya sakin mamaya.
Tinignan ko si Mam Brinotcha at halos umusok na yung tenga sa galit. Parang sasabog na bulkan ang itsura. Pustahan tayo, magaalburoto na 'to in 3-2-1---
"MR. VON GET OUT!" Boom!
Dinala ko yung bag ko at lumabas na ng room. Nakaalis na din sa impyerno. Wala naman akong balak makinig sa tinuturo niya at kanina pa lumulutang isip ko.
Tangina naman kasi. Naalala ko na naman yung ex ko. Ex na nga di pa mawala sa buhay ko amputa.
Makapunta na nga lang sa soccer field. Naisipan kong mag-soundtrip habang naglalakad ng biglang may naramdaman akong mainit na likido sa katawan ko. Napatingin ako sa uniform ko na may mantsa ng natapong hot choco at nalipat naman ang tingin ko sa babaeng nakatapon nito sakin.
"What the fuck." I cussed.
"Tumingin ka sa dinadaanan mo, miss." Hindi ko na siya nilingon at dumiretso na ako palabas ng school para makauwi na. Badtrip.
Kung sino man yung babae na yun, pagbabayaran niya 'to.