Andrea's POV
Hindi pa ako nakakaalis pero naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko naman ito. Huh? Bakit nagtext ang barkada ni Andrei? Sabi ko sa sarili ko.
"Andrea, pumunta ka sa St. Lukes Hospital. Naaksidente si Andrei!"
Sa text na 'yun, nadurog ang puso ko. Andrei? ANDREI!!
"John Paul, pumunta tayong St. Lukes please!"
"Huh? Bakit?"
"Naaksidente daw si Andrei!Puntahan natin sya please?!"
"Huh? O sige! Tatawag na ako ng taxi. Dyan ka lang!"
"Bilisan mo! Huhuhu! Andrei!"
Pagkakuhang pagkakuha ni John Paul ng taxi, dali dali akong sumakay at pinagmaneho si manong.
"Manong, wala na bang ibibilis 'to?"
"Pasensya na ho kayo Ma'am, Baka po madisgrasya tayo pag binilisan ko. Delikado na ho"
"JP, huhuhu! Pano na si Andrei?"
"Wag ka magalala, walang mangyayari kay Andrei."
Umiyak na lang ako ng umiyak. Pagdating naming sa hospital, dali dali kong tinanong sa nurse kung nasan si Andrei.
"Nasa Morgue po Ma'am"
W-what? Morgue? Diba pangpatay lang yun? Wag mong sabihing........
"NOOOOOOOOOOOOO!"
Nagtatakbo ako papunta sa morgue. Pagkapunta ko dun, nakita ko ang mga magulang ni Andrei na umiiyak.
"Iha, si Andrei"sabi ng mommy ni Andrei habang umiiyak.
"Tita, ano pong nangyari?"
"Hinahabol ka nya, iha. Sa pagmamadali, hindi nya napansin na may truck na paparating"sabi ni Tita na hagulhol na sa pagiyak
"A-ano? Hinabol nya ako?"
"Oo, iha"
Hinabol nya ako? Ang tanga tanga ko. Sana hindi ko na lang binalak umalis. Edi sana buhay pa sya ngayon.
"Pede ko po bang Makita si Andrei?"
"Sige iha"
Pumasok na ako sa loob. Di ko kinaya ang nakita ko.
"Andrei, bakit nagkaganyan ka? Di mo naman ako kailangan habulin eh. Ayan tuloy, tingnan mo nangyari sayo. Andrei, mahal na mahal pa din kita. Kahit sinaktan mo ko, di nagbago yun"
Nakakapagsisi na nagalit pa ako kay Andrei. Sana inisip ko muna ang mangyayari nung ginawa ko yun. Mahal na mahal ko sya.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note!
Wala. Ge bye!