CHAPTER 4

11 2 0
                                    

Parang Diary na tong Wattpad sakin ah

Well, sino nga ba dito ang mga Exo Kpop fan ?

Sino yung mga sasali sa Concert ? Taas kamay :D

Yey ! Kasama din po ako :)
Approved na ni Mader !

Kita kita na lang ! Lol

ModernSaga

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

JULIANA ROSA CAVELLI

Mahina akong napabulong .

Kuya ? Anong ginagawa nya dito. It's been a long time ng magkita kami ng kapatid ko. Hindi pa naging maganda ang pamamaalam ko. Bahagyang napangiwi ako sa naisip.

Past 2 na ah ? Ang aga naman ata ng dalaw ko ? Napatawa ako sa Joke ko. Kung joke ba talaga ang tawag dun.

'Juliana' parang mas lalo pang bumaritono ang boses ng kapatid at tumangkad ito ng kaunti sa kanya 5'9 kase sya at siguro mga 6 feet na ito sa paningin nya. Hindi maitatanggi ang sobrang pagkakahawig ng dalawa. Napangiti sya ng maalala nya noong mga bata pa sila. Madalas nalilito sa kanila ang mga babysitter nila kung sino ang babae o ang lalaki sa dalawa kaya ang ending pinagtritripan nila ang mga ito.

Pero may sikreto itong tinatago na silang dalawa lang ang nakakaalam. They are bestfriends and partners in crime. Pero nagbago iyon ng mag College silang dalawa. Di na ko mahal ng magulang namin. Nalungkot naman ang babae sa naisip.

Lakad-Takbo ang ginawa nya papunta rito at mabilis na niyakap ang isa't isa. Ang higpit ng pagkakayakap nila sa isa't isa na piling mo kapag bumitiw na sila ay may mamamatay sa isa sa kanila.

Ilang minuto din silang nasa ganoong posisyon at kumalas na sa isa't isa. Malamang kung di lang sila magkamukha ay baka mamaya'y pagkamalan pa ng kapit bahay na nobyo nya ito. Nagpapasalamt sya at ang Aga pa para magising at lumabas ng bahay ang mga tao sa katabing Unit

Nagkatingin ang dalawa. Nakangiti ang mga ito sa isa't isa pero parang may mali sa ngiti ng kapatid nya. Ipinagsawalang bahala na lang nya ito.

Matagal na nagkatitigan ang dalawa ng binasag na ng Kapatid ang katahimikan.

'Girl baka gusto mo kong papasukin ?Ngawit na ang Feet ko sa kakatayo at kakadoorbell sa unit mo. At baka kakailnganin ko nanaman ng Foot Spa' sabi neto sa matining na boses. Jusko di natalaga sya nasanay sa boses nito.

Ang tinatago tagong sikreto nilang dalawa ay ang pagiging baklalush ng kapatid. Kamuntikan na nga syang mahulog noon sa bench ng school nila ng first time nitong inamin ang tunay na color nito.

Malala na talaga ito. Napahawak na lang sya sa sintido habang umiiling. At pumunta na sa pintuan ng unit para isuksok un susi at buksan na para makadaan na ang mahal na reyna.

Dinaig pa nga sya nito sa pagkademure nito at pagkaClassy. Napaka arte kase neto sa katawan at gamit. Yung tipong kelangan ang mga damit nya sa Walk in closet nito ay Color coded at may mga updated pa. Paro brief ata by Date din eh. Jusko iniisip pa lang nyang hindi ito nag bri-brief kundi panty ay parang gusto na nyang tawagin ang lahat ng santo.

Pero sakanya lang ito ganto. Ang mag Open ng mga bagay bagay. Lalo na ang pagiging Destiny Rose nito. Sigurado syang itatakwil ito ng mga magulang nila kapag nalaman ang tunay na kulay ng lalaki. At ayaw nyang magaya sa kanya ang kapatid okay lang pag sya wag lang ito.

Itinakwil kase sya ng magulang nito ng makitang hindi nya kayang mareach ang standards ng mga to sa pagka Classy at demure. Although matataas at pambato sya sa School ay di pa din iyon pinansin. One of the boys kase sya non at titibo tibo. Hard headed din sya at tinuring na Black Sheep ng pamilya.

Pero atleast nagpakatotoo sya. Pagkumbinsi nya sa sarili. Wala na kong mga Magulang.

Nang makapasok sila sa unit n babae ay bumugad agad ang maduming Lounge nito. At isa pa hindi Sya Neat and Tidy.
Complete Opposite talaga silang magkapatid.

'Yuck ! Ano ba juliana baket parang gubat ang Condo mo ? Naglilinis ka pa ba ? Ewww kelan pa tong pizza na to ? Baket iba na ang kulay ?' Rant ng kapatid ko at sinermonan pa ko ng sinermonan hanggang sa pinatiklop na nya un iba at tumulong sya.

Kung titignan mo naman talaga kase para kang nasa amazon. Baka nga ma ahas na ang condo nya kung hindi lang secured at ligtas sa wild ang Unit nya.

Pagkatapos mag ligpit ay naupo sila sa ngayong malinis at walang kalat na sofa. Wow ! Baka papuntahin na nya dito ang kapatid araw araw para laging malinis ang Condo unit nya. Napatawa sya sa naisip.

'So.. It's been along time huh ? Brother or i mean sister ?' may halong sarkasmo ang sinabe nya at napaikot naman ang mata ng lalaki or Bakla ?


' Juliana, May gusto sana akong sabihin..' sabi nya sa seryosong boses. Mapapansin mo talaga na sobrang magkamukha sila ng kuya niya kahit na sabihing mong magkaibang kasarian ang dalawa. Hindi naman kase nalalayo ang Postura ng katawan nito sa kanya at kaunting Dyeta pa ng kapatid ay para na talaga silang Replica ng Isat isa.

Sasabihin? may sasabihin ito ? parang kinabahan naman ata ako.

Unti unting lumalamig ang tingin nito sa kanya. Seryoso na nga talaga sya. Walang halong katatawanan sa mukha nito. At bahgya itong sumandal sa Couch na kinauupuan nito. Nanigas naman ako sa akin kianatatayuan at bahagyang sumimsim ng sigarilypng hawak ko.

'A-ano Y-yun k-kuya ?' Para talagang may bad news syang sasabihin kinakabahan na talaga ako ng bongga.

'I need your help'. tulong ? kailangan nya ng tulong ko?. Nagtataka at nguguluhan akong tumingin sa kanya. Kahit kase kailan ay hindi pa ito humingi ng tulong sa kanya. Kumg kaya netong gawin ay magagawa nya. For the first time in forever..Parang gusto nya atang kumanta ng wala sa oras.

'Anong klaseng tulong ba yan ? Mamamatay ka naba ? May nahuhunting ba sayo ? Nasa Delikado ka bang sitawasyon ?' My Gosh. Kinakabahan ako para sa kanya .

Habang iniisip ko kung baket nanghihingi ng tulong ang aking mahal na kapatid ay malakas naman itong tumawa. Kanina seryoso ngayun tatawa tawa na lang ? Nabaliw na nga talaga sya.

'Boba katalaga eh no ?' Bigla namang tumaas ang kaliwang kilay nito at humalukipkip ang kamay. Taray ng Lola mo ah .

'Eh ano naman kase ang Request mo aber ? Enlighten me ?.' Tumaas na din ang kaliwang kilay ko. Kanina seryoso, nagtatatawa tapos ngayon nagtataray aba lakas maka Bipolar.

' Kase i want you as a Replacement for me...'

°•°•°•°•°°•°•°•°•°•°•°•°•°•°°•°•°•°•°•°•°•°•°•°°••°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

DONE !

FOLLOW ME THEN VOTE !

THANKS ♥

ModernSaga

The Lady GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon