Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter One

371K 7.4K 1.6K
                                    

Chapter 1.

HESTIA POV

“Mama, inaasar ako ng classmate ko.” Humihikbi si Lucio habang nagsusumbong sa akin. I know, he is being bullied again by his classmates. He’s six years old but his IQ is not the same like a normal kindergarten. Madali siyang matuto at madali siyang makaintindi.

Ginulo ko ang buhok niya. “Anong sinabi sa ‘yo ng mga classmate mo?” tanong ko.

Pawis na pawis siya. Hapon na kasi at kagagaling lang niya sa school.

“Galing daw po ako sa itlog.” Tuluyan na siyang umiyak. “May papa naman ako, ‘di ba? Sabi n’yo po sa akin, makikilala ko siya. Busy lang siya sa business kaya hindi pa siya umuuwi dito sa atin.”

Nasapo ko ang noo ko. Noong una, narinig kong inaasar siyang ampon kasi wala raw siyang papa. Sinundo ko kasi siya one time sa school niya kahit may service siya. Doon ko nakita kung gaano katapang ang anak ko. Hindi siya umiiyak sa harap ng ibang tao. Saka lamang siya iiyak kapag nasa harap ko na siya para magsumbong. My son is too honest to tell me all the things that happened to him. Hindi siya naglilihim sa akin. Ganoon ko siya pinalaki.

“Sisiw ka ba? Hindi naman, ‘di ba, anak? So huwag kang maniniwala kung sinasabihan ka nilang galing ka sa itlog. Sabihin mo sa kanila, galing ka sa tiyan ko.”

Nagkamot ng ulo si Lucio. “Mama!” Tumigil na siya sa pag-iyak. Madali lang naman siyang i-comfort. And I’m thankful to have a son like him. Iyong naiintindihan ang sitwasyon.

Alam kong may pagkakamali ako. Anim na taon na siya pero hindi pa niya kailanman nakikilala o nakikita kahit sa picture ang papa niya. Ayoko lang namang masaktan siya. Ayokong makilala niya ang ama niya tapos may iba iyong pamilya. Pero sabi ko naman, soon, ipakikilala ko rin siya sa ama niya.

“Ganito anak, kaunting oras na lang, makikilala mo na ang papa mo.” Ngumiti ako saka hinalikan siya sa noo.

His lips formed a wide smile. He seems excited. “Talaga? Kailan po? Saka ‘di ba sabi mo po, nasa Manila siya? Kailan po tayo luluwas ng Manila? Sobrang layo po ba iyon? Doon na lang po ako mag-aaral, sabihin mo kay Papa ko.”

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Walang kahit katiting na galit o tampong nararamdaman ang anak ko sa ama niya. Hindi ko siya pinalaki sa paniniwalang hindi siya pinanindigan ng ama niya. Gusto kong lumaki siyang masiyahin. Ayokong bata pa lang siya ay makaramdam siya ng hinanakit kaninuman—lalo na sa ama niya.

Walang kaalam-alam ang papa niya na lumaki siyang maayos—sa pangangalaga ko. Itinaguyod ko siya nang mag-isa. Nanirahan kami rito sa Pangasinan—malayo sa Manila kung saan naroon ang angkan ng ama ng anak ko. Alam kong mayaman sila, but I’m not into their money. Ni katiting, wala akong hininging sustento sa kanila. Mula nang lumayo ako, hindi na ako nagparamdam pa sa ama ng anak ko. He’s a coward and a total asshole. Masisisi ba ako? I was hurt. Pain made me decide na itago ang anak ko. Though, may kasalanan din ako dahil nagpadala ako sa emosyon ko at sa gusto ng puso ko, mas malaki ang kasalanan niya sa akin—dahil hinding-hindi ko makakalimutan ang isa sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko.

Matiyaga akong naghintay sa bar kung saan ko nakilala si Lucas. Alam kong pupunta siya rito. May kailangan akong ipaalam sa kaniya. May kailangan akong ipagtapat sa kaniya.

Awtomatiko akong napatayo nang masilayan ko si Lucas. Narito ako sa labas upang abangan siya. Hindi ako nagkamali.

“Lucas.”

Tumingin siya sa akin. Kumunot pa ang noo niya na parang kinikilala pa niya ako. “Hey, you are . . . ?”

May naramdaman akong kirot sa puso ko dahil hindi pala niya ako natatandaan. Ako lang naman ang babaeng patay na patay sa kaniya to the point na pati sarili ko ay ibinigay ko sa kaniya sa pag-aakalang mapapansin niya ako at mamahalin niya ako.

“Hestia. I’m Hestia. Remember, sa Hongstar Hotel? The . . . the virgin.”

Saglit pa siyang nag-isip bago ngumiti. Hindi ako sigurado kung matatandaan pa nga niya ako dahil isang buwan na ang nakalipas mula nang may mangyari sa amin.

“Yeah, ah, I remember. What’s up?”

Nakakalungkot na kung hindi ko pa binanggit na ako ang nakasama niya sa hotel at ang nagbigay sa kaniya ng sarili ko, hindi niya ako makikilala. Masakit—iyong tipong binigay mo lahat sa kaniya pero wala kang nakuhang kapalit.

“Pwede ba kitang makausap?” tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. “Sure, about what? Don’t tell me you want another night with me?” He winks at me.

Masaya dapat ako dahil interested siya sa akin na makasama pa ako ng isang gabi pero hanggang sa kama na lang ba niya ako kayang panindigan?

Huminga ako nang malalim. Isinantabi ko muna ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Casanova's Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon