Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter Six

201K 5.3K 474
                                    

Chapter 6.

UNANG gabi kasama si Lucas. Well, I can say that this is really bullshit. Naliligo si Lucas sa banyo nang pumasok ako dito sa kwarto namin—niya. Naabutan ko si Lucio na masarap ang tulog sa gitna ng malaking kama.

Hindi ko talaga alam na iba pala ang pakiramdam kapag actual ko nang gagawin ang pagtulog sa iisang kama kasama si Lucas kaysa iniisip lamang. Ayokong isipin niya na gusto ko ito, ang makasama siya sa iisang kwarto. Ginagawa ko lamang ito para kay Lucio at hindi para sa sarili ko.

Kumuha ako ng pajama set sa walk-in closet saka bumalik sa kama. Tinitigan ko si Lucio saka ko siya kinumutan. Sakto namang lumabas ng banyo si Lucas na nakatapis lamang ng tuwalya.

“What the hell?” he cussed.

I rolled my eyes. “Kung pwede, iwasan mo ang pagmumura lalo na sa harap ng anak ko?”

“Anak ko rin. Hindi mo lang anak. Hindi mo naman iyan magagawa nang ikaw lang. Tch. And for your information, he’s asleep.”

I sighed. “Whatever. Pwede rin bang magbihis ka na?”

“Why? You can’t boss me around,” masungit na sabi niya.

“So anong gusto mo? Narito ako kasama mo sa kwarto, at g-ganyan ang itsura mo?”

“As if you don’t like it,” he mocked before going to his walk-in closet.

Napailing na lamang ako sa inasal niya. He’s really an asshole. Seriously.

Dumiretso ako sa loob ng banyo. May towels naman do’n. I just need to wash my face and take a bath.

Binuksan ko ang shower saka pinakiramdaman ang tubig. Ang sarap sa pakiramdam. Ang mga pangyayari sa buong araw na ito ay nakakagod din. Iginala ako ni Mrs. Palermo sa buong mansyon. Grabe pala talaga ito kalaki. May malaki silang swimming pool sa garden area nila. May mga bulaklak na mismong si Mrs. Palermo ang nagtanim at nag-aalaga. mayroon silang sariling cook at hindi ko mabilang kung ilang katulong mayroon sila. Basta ipinakilala lamang niya ako sa butler na nagsisilbing mayordomo ng mansyon—si Butler Kun. Isang Filipino-Thai na ilang taon na ring kasama ng Palermo family.

Pagkatapos kong maligo ay nagpunas ako ng towel bago isinuot ang aking pajama. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Masaya ba ako dahil kasama na ng anak ko ang ama niya? O masaya ako dahil sa wakas ay kasama ko na rin si Lucas? Mali. Mali kung iisipin kong masaya ako dahil kasama ko siya. Hindi dahil kasama ko na siya, ibig sabihin ay kailangan ko nang ipagkalandakan na matagal ko na siyang minamahal—na hanggang ngayon ay hindi nawala ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi porket kasama ko na siya sa iisang bubong ay mamumuhay kaming isang masayang pamilya. Alam kong si Lucio lamang ang dahilan namin. Ako, upang mapasaya si Lucio. At siya, upang punan ang mga taon nq hindi siya kasama ng anak namin.

Lumabas na ako ng banyo. Naabutan ko si Lucas na nakatutok sa laptop niya sa couch. Nakasuot lamang siya ng jogging pants at sweat shirt.

“M-May blower ka?” tanong ko. Hindi naman ako maaaring matulog ng basa ang buhok ko. Nasanay akong nagbo-blower. Kaso, ang sa akin ay naiwan ko sa apartment namin.

“Pinaghandaan ni Mom ang pagdating n’yo, so expect it na kumpleto ang gamit dito sa kwarto ko,” masungit na sabi niya. “There, in the drawer.”

Tumingin ako sa gawi ng itinuro niya. Ang drawer sa harap ng salamin. Naupo ako roon at isinaksak sa plug ang blower na nakuha ko sa drawer. Mukha ngang bagong bili. Nag-umpisa na akong mag-blower ng buhok ko.

“Huwag mong isipin na okay ang lahat ng ito sa akin. I just . . . have no choice but to accept that we’ll be together at my own room for fuck’s sake.”

Napailing na lamang ako. Nagpatuloy ako sa pagbo-blower. “Huwag mo ring isipin na gusto ko ito. Ginagawa ko lang ito para kay Lucio. Kung ako ang masusunod, mas gusto ko pang matulog sa quarter’s area kaysa ang makasama ka rito,” mataray na sagot ko.

“Really, huh? Then go there. Sleep at the quarter’s area,” sigaw niya. “Pasalamat ka, kamukhang-kamukha ko si Lucio, and we don’t need to do some DNA testing.”

Saglit akong tumigil sa pagbo-blower saka tiningnan siya mula sa salamin. “So tingin mo, nagpapanggap pa rin akong anak mo ang anak ko? Gusto kitang buhusan ng holy water ngayon para matauhan ka naman.”

“I never thought you could be this rude,” he said.

“I am rude, to those who are rude to me, too,” sagot ko.

Alam kong nakatingin siya sa akin at masama na ang tingin niya. Hindi talaga pupuwedeng hindi kami magsasagutan.

“I am warning you, Hestia. Don’t mess with me. I want the best for my son and I’m doing this for him. Alam kong nagkulang ako sa kaniya. I've been an asshole—”

“You’re still an asshole,” I whispered.

“What did you say?”

I rolled my eyes. “Nothing.”

“As what I’m saying, I’ve been an asshole before pero babawi ako sa anak ko. Sa anak ko lang—you’re not included in my plans.”

Tinanggal ko na ang blower sa pagkakasaksak saka ako tumayo. “Me, either,” sagot ko saka lumapit sa kama. “I will sleep here.”

“You can sleep wherever you want. I won’t mind. But I want you to know that I will sleep there too because that’s my fucking bed.”

Umayos ako ng pagkakaupo sa kama. “Hindi ko kinakanya ‘tong kama mo. At isa pa, hindi kita gustong makatabi.”

“The feeeling is mutual. That’s why there’s Lucio lying at the center of the bed. Tch.”

“Whatever.”

“Just sleep all you want. You’re wasting my time.”

At ako pa ang nagsasayang ng oras niya? “Just stop talking,” sabi ko saka nahiga na sa tabi ni Lucio. “Good night.” At least, mabait pa rin ako.

“There’s no good this night,” sagot niya.

I took a deep breath and forget about what he said. Isang araw palang pero toxicated na ako sa pagde-debate namin ni Lucas. What more sa mga susunod na araw? Well, kailangan ko nang mag-umpisa sa business na gagawin ko para hindi ako tumigil nang matagal sa mansyon na ito. Hindi ko kakayanin kung buong araw kong makakasama si Lucas.

-

IT’S BEEN TWO DAYS. Naipa-register na namin ang pangalan ni Lucio. Inaayos pa ang ibang papeles pero on process na. Hindi ko alam kung magkano ang naging fee sa pagpapapalit ng surname ng anak ko pero si Lucas naman ang nagbabayad ng lahat ng iyon. Ini-enrol na rin namin siya sa isang international school. Hindi kapani-paniwala pero kaming dalawa ni Lucas ang magkasamang nag-ayos ng lahat ng iyon—pero siyempre kasama rin si Lucio. Para nga kaming totoong pamilya, but no. We are not.
Kahit papaano ay nakita ko ang good side ni Lucas. He’s caring and gentlemen but it can’t change the fact that he’s an asshole.

Ngayon ay kagagaling ko lamang sa bangko. Naghulog ng malaking pera si Mrs. Palermo sa savings account ko para sa ipagagawa kong coffee shop. Hindi sa sinasamantala ko ang pagiging mabait nila, tulad nga ng pag-uusap namin, magiging utang ko iyon at babayaran ko kapag kumikita na ako sa coffee shop ko.

Maghahanap ako ngayon ng commercial buildings para sa ipatatayo kong coffee shop. I am alone at iniwan ko si Lucio sa mansyon. May mga laruan naman siya roon lalo na ngayon at naging playroom na ang kwarto ni Lucas. He didn’t mind at all. Nakikita kong ginagawa niya ang lahat para mapasaya si Lucio.

Bumaba ako ng taxi nang makita ko ang karatula sa commercial building na nadaanan namin na may nakasulat na for lease. Nagbayad ako sa taxi saka inilibot ng tingin sa paligid. Nasa center naman pala ito ng city. Maraming buildings at magandang lugar ito na pagtayuan ng coffee shop.

Isinulat ko sa memo pad ko ang contact number na nasa karatula upang matawagan ko mamaya para sa pag-i-inquire. This is the best spot for my coffee shop. Huminga ako nang malalim saka inilibot pa ang tingin sa lugar. Napansin ko ang isang mall, may mga tea shop, at may iba’t ibang fast food chain din at kung ano-ano pang commercial building.

Dahil sa tingin ko ay malaki ang posibilidad na makakuha ako ng pwesto sa commercial building na nakita ko, nagpasya akong dumaan muna sa isang tea shop upang magpahinga na rin. It’s been a long and tiring day dahil wala naman akong sariling sasakyan.

“One milk tea with chocolate syrup please,” sabi ko sa counter. Kakaiba ang mga tea rito—mukhang masasarap.

Pagkatapos kong magbayad ay naupo ako sa isa sa bakanteng pwesto. Naghintay ako ng limang minuto bago dumating ang milk tea ko. I sipped at the straw and great, it tastes good.

Habang enjoy na enjoy ako sa milk tea ko ay hindi nakaligtas sa akin ang nakikita ko ngayon na naglalakad sa labas ng tea shop na ito.

Lucas is smiling from ear to ear with a blonde hair woman. Naka-busienss suit pa si Lucas at ang babae nama’y elegante sa suot nitong dress. Wow, so may girlfriend pala siya? Kaya pala inis na inis siyang sa mansyon na ulit siya titira kasama kami ng anak ko. I am not expecting anything from Lucas and I don’t care kung may girlfriend siya, or mga babae. It’s just that . . . paano kung kasama ko ngayon si Lucio? At nakita siyang may kasamang babaeng kulang na lamang ay yakapin siya sa higpit ng pagkakapulupot nito sa braso niya? Kailangan ba talaga niyang ipakita sa public iyon? My God.
Hindi ko inaasahang papasok sila rito sa tea shop. They are ordering. Sana lamang ay mag-take-out sila.

“So, Lucas. You’re in tonight?” tanong no’ng blonde hair woman.

Lucas smiled at her. “Of course. I don’t want to miss that party of yours. Tell me, what do you want as a present?”

Mukhang girlfriend nga ang isang ‘to. Kailangan ba talaga nilang mag-usap ng ganoon kalakas na boses? I can hear them clearly, seriously.

“A present? Just you, Lucas. You can . . . you know, spend the whole night with me,” malanding sabi no’ng babae.

Just wow. At talagang ipinagkakalandakan pa nila ang mga ganoong bagay? Hindi na sila nahiya, at doon? Doon magpapalipas ng gabi si Lucas? Sa pagkakaalam ko, nangako siya kay Lucio kaninang umaga na maglalaro sila ng XBOX bago siya pumasok ng trabaho.

“Sure. I will spend my night with you, dear,” nakangiting sabi niya sa babaeng malandi.

Bigla akong nairita sa narinig ko. Wala akong pakialam kung makipaglandian siya sa kahit ilang babae babae. My point is, ayokong nangangako siya sa anak ko pagkatapos ay hindi niya tutuparin. Nasanay si Lucio na kung ano ang pinangako ko sa kaniya, tinutupad ko. Ayokong sumama ang loob ng anak ko. I can see that he’s changing for my son pero kung uunahin pa rin niya ang pakikipaglandian over my son, it’s not tolerable.

Tumayo ako bitbit ang milk tea ko saka sila dinaanan. Saglit akong tumigil hanggang mapatingin sa akin si Lucas.

“Hestia . . .”

“Who is she?” tanong no’ng babaeng kasama niya.

I’m just the mother of his son, bitch. Gusto ko sanang sabihin iyon but I decided not to.

Tiningnan ko si Lucas sa mga mata niya. “Gusto ko lang ipaalala sa iyo na hihintayin ka ni Lucio mamayang gabi,” seryosong sabi ko saka sila nilampasan.

Wala akong pakialam kung anong isipin ng babaeng kasama niya or kung magalit man si Lucas dahil sa sinabi ko sa harap ng babae niya. Mas mahalaga sa akin ang mararamdaman ng anak ko. Pasalamat pa rin siya at hindi ko binanggit na anak niya ang maghihintay sa kaniya mamayang gabi. Sana ay maging responsable naman siya sa bawat sasabihin niya sa anak ko, at sa mga gagawin niya.

Casanova's Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon