Chapter 4.
Hindi ko mapigilan ang malakas na pagkabog ng dibdib ko lalo’t pumasok na ang van na sinasakyan namin sa malaking gate ng mansion ng mga Palermo. Kaya ko bang harapin si Lucas after six years? Paano ko siya haharapin? Ang gulo.
“Narito na po tayo, mam,” sabi no’ng lalaking kasama namin pagkabukas niya ng pinto ng van.
Nagulat ako nang lumabas mula sa malaking pinto ng mansyon si Mrs. Palermo kasama si Mr. Palermo. Nakangiti sila sa akin. Alam na nila? Alam na ba ni Lucas?
“Lucio!” sigaw ni Mrs. Palermo saka niyakap ang anak ko. Ngiting-ngiti naman si Lucio.
Napansin ko ang pagkagulat sa mukha ni Mr. Palermo nang makita si Lucio. He seems happy. Nangigilid pa ang luha niya.
“Hestia,” aniya saka ako kinamayan. Niyakap naman ako ni Mrs. Palermo.
Sobrang welcome ako, feel na feel ko. Pero paano si Lucas? Nasaan si Lucas? Hindi ko na alam kung paano ako aakto sa harap nila. Narito lang naman ako sa bahay ng mga Palermo.
“Hestia, sila na ang bahalanag magbuhat ng mga gamit n’yo. Let’s go inside,” aya ni Mrs. Palermo.
Napansin kong buhat-buhat na pala ni Mr. Palermo si Lucio. Close na agad sila?
“Lolo, kamukha po kita,” narinig kong sabi ni Lucio kay Mr. Palermo.
Napangiti ako. Marunong talagang makisama ang anak ko. Hindi siya tulad ng ibang sa edad nila ay parang hindi alam ang nangyayari sa paligid nila.
Malapad ang ngiti sa mga labi ni Mr. Palermo. Kahit si Mrs. Palermo ay ganoon din.
Pumasok na kami at nagulat ako nang may dalawa pa palang taong naghihintay sa amin sa loob ng mansyon pero wala si Lucas. Hindi ba niya alam?
“OMG! He’s so . . . ugh, he looked exactly like that asshole,” sabi no’ng magandang babae na may pulang buhok na ngayo’y ngiting-ngiti kay Lucio.
“Empress, ang bibig mo,” sabi ni Mrs. Palermo.
Nag-pout ang babaeng tinawag na ’Empress’ saka lumapit kay Lucio na buhat pa rin ni Mr. Palermo.
“Ashol? Asul? Color blue? Pero color red ang buhok mo, Ate,” sabi ni Lucio kay Empress.
Nagtawanan sila.
“This handsome little boy is so smart. But I want to correct you. It’s Tita Ganda. Not Ate. Okay?” sabi pa ni Empress. Hindi ko pa sila kilala.
Nag-ok sign naman ang anak ko. “Tita Ganda!”
Lahat sila’y nakangiti sa ikinilos ni Lucio. Mukhang makakasundo ni Lucio ang bagong pamilyang pakikisamahan namin.
“Hestia. This is Empress, bunsong anak ko, siya naman si Duke, panganay na anak ko. Kapatid sila ni Lucas.”
Napatango lamang ako at nginitian silang dalawa. I am familiar with Duke Palermo dahil dati, ini-stalk ko si Lucas sa Google. Marami silang picture na magkasama sa magazines. Itong Empress ang ngayon ko lang nakita.
“And this is Hestia, and Lucio,” pakilala sa amin ni Mrs. Palermo.
“Welcome to our house, Hestia!” Niyakap ako ni Empress. Hindi plastik ang dating kahit masasabi kong mukha siyang brat na maarte. Her smile is genuine.
Lumapit naman sa akin si Duke para makipagbeso. “Welcome to Palermo family, Hestia,” aniya.
Ngumiti lamang ako. Nakaka-overwhelm na welcome ako rito. Pero paano kaya si Lucas? Higit sa kanilang lahat, reaksyon ni Lucas ang kailangan kong malaman dahil siya ang pakikisamahan namin ng anak ko.“Nasaan po ang papa ko?” tanong ni Lucio.
Lumapit si Mrs. Palermo kay Lucio. “Pababa na siya, Lucio. Nagbihis lang ang Papa mo,” aniya.
Bigla tuloy akong kinabahan. So alam niya? Alam niyang parating kami ni Lucio ngayon? Tanggap ba niya? Naguguluhan ako. Kumabog na naman ang dibdib ko.
May tinawagan si Mr. Palermo. Ako nama’y napatungo dahil hindi ko talaga mapigilan ang malakas ng kabog ng dibdib ko. Ano kayang maaaring sabihin ni Lucas sa akin? Natatakot akong baka sabihin na naman niyang kailangan ko ng pera. Pero hindi ko hahayaan iyon dahil hindi na ako ang dating mahina at nagpakalulong sa pagmamahal sa kaniya.
“PAPA!”
Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang sigaw ni Lucio. Para akong narindi. Parang nag-mute ang buong paligid at ang tanging nagawa ko ay mapatingin sa gawi kung saan nakatingin si Lucio.
He was running to . . . Oh God, there he is, looking so handsome. Hindi pa pala nag-fade ang kagwapuhan niya. Nag-mature lang compared before, but he still is the Lucas Palermo I’ve known.
Yumakap si Lucio kay Lucas. Kitang-kita sa mga mata ni Lucas na gulat na gulat siya sa pangyayari. Alam ba niya? O hindi?
“Is that the way you’ll welcome your son, Lucas?” Nasa tono ni Mrs. Palermo ang pagkairita. Masungit din pala siya.
He gulped and hugged Lucio. Binuhat niya ang anak ko—anak niya rin—oh, well, anak namin.
“Papa! Na-miss kita!” sigaw pa ni Lucio kasunod ang hagulhol.
Tears suddenly flow from my eyes. A touching scene, indeed. Alam kong hindi matatawarang saya ang nararamdaman ni Lucio ngayon. Alam kong ang iyak na iyon ay simbolo ng pangungulila niya sa ama niya. Hindi ko lang alam kung anong pakiramdam ni Lucas.
“Y-You are . . . “ nauutal na nanlalaki ang mga mata ni Lucas nang kumalas sa pagkakayakap niya si Lucio.
Lahat kami ay tahimik na nanonood sa mag-ama. Well, it suits well. Mag-ama naman talaga sila.
Pinahid ni Lucio ang luha niya saka pinilit na ngumiti. “Ako po si Lucio Vin Garcia, your son. Six years old. Nice to meet you, Papa.”
BINABASA MO ANG
Casanova's Love Affair
RomanceHestia has learned her lesson: never flirt with a casanova or else, you'll end up with a broken heart and a fatherless child. She has done everything to hide from the playboy but six years later, she and her sweet little kid were found--and chaos en...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte