Prologue

12.6K 328 18
                                    

"Hi, asawako. Di kapa ba pagod diyan sa kakabasa mo?" Bigla kong tinaas ang tingin ko at nakita ko na naman ang aswang na si Zack. Napalunok muna ako bago sumagot ng pabalang. "Alis."

Walang sabi sabing umupo pa ito sa tabi ko at naramdaman ko ang init ng kanyang katawan na paminsa-minsang dumidikit sa akin.

"Bat andito kana naman?" sita ko sa mataray na boses.

Kahit kelan talaga hindi na sya nakakaramdam na ayaw na ayaw ko sa presensya nya.

Sus singungaling. Aminin mo na basang-basa ang panty mo tuwing nilalapitan ka niya. Sulsol ng isang bahagi ng utak ko.

"Eto naman. Bat ba laging ang sungit mo sa akin, asawako?" Peste kinikilig lagi ako pag tinatawag akong asawako. Sa totoo lang nakakangisay ng kilig. Ramdam ko na naman ang paglulundag ng puso ko. "Dipa kita natitikman naglilihi kana? Aba ang tindi naman?" Peste ngumisi pa ng nakakaloko.

"Hindi ako buntis!" Pinanlakihan ko sya ng mata. "Tsaka, wag mo akong matawag-tawag na asawa, pwede ba?" Pagtataray ko para pagtakpan ang pulang unti unting namumuo sa pisngi ko.

"Magiging asawa naman kita ah? Mabuti na yung alam mo na." Dagdag niya na nakangisi pa ng pagkahayok hayok.

Pero bakit gustong gusto ko?

Oh God, please don't tempt me. I prayed inwardly. Pilit kong kinakalma ang nagwawala kong puso at panginginig ng binti ko. Pati insides ko naguumpisa ng maging mushy.

Potek naman oh. Bat ganito and epekto niya sa akin.

"Asawako, matagal na akong nanghihingi ng yakapsul, dimo pa ako pinagbibigyan. Tuwing nakikita kita, nagkakasakit ako." Panguso pa niyang sabi, sabay bigay sa akin ng pagkalamya-lamyang mata.

Naglalambing na naman ang peste at and potek kong puso nagkandagulo sa loob dahil sa kilig. Baka himatayin ako sa kilig neto pag di sya tumigil.

"Gusto mo Suntokrin?" Mataray kong sabi sabay laki ng mata ko. Ang lakas ng tawa niya. Tuloy napagalitan kami ng librarian.

.........................................

I hope you like it...

Hounding Ms. Nerd |Montoya Series 3|Where stories live. Discover now