Chapter 1: Nakakagigil

10.2K 419 118
                                    

Krissia's POV

"Tristan!" nagkakagulo ang mga babae ng makita nila ang grupo na naman ng mga Montoyang wala ng ginagawa kundi pumunit ng panty at puso. 

Mabilis pa sa alas kwatrong nilisan ko ang bench na alam kong dadaanan ng mga Montoya. Sila ang celebrity ng MEH. Siyempre, mga Montoya eh. Mga anak ng mga bilyonaryo at magpipinsan ang mga ito. 

Hindi lang mayaman ang mga ito sa pera, kundi sa itsura rin. 

Walang panalo ang mga artista sa kanila. Para silang mga nililok na statue at nagkaroon ito ng buhay. Kaya naman sila lagi ang bida sa loob ng campus. Wala ng bukambibig ang mga pesteng linta este babae sa loob ng MEH kundi sila. Samantalang kinatatakutan naman sila ng mga lalaki. Hindi lang gwapo ang mga ito, basagulero rin. 

Kumbaga sila ang MEH badboys. Mga walang magawa sa buhay, kaya puro pambubully ang ginagawa.

"Wilmer!" sigaw ng babaeng nadaanan ko.

Itinapal ko ang librong binabasa ko sa aking tainga saka nagmamadaling umalis.

"Oh, gosh si Tristan my baby!" kilig na kilig na sabi ng isa pang kasama nito. "And my baby Zach!" parang mangingisay na sabi rin ng isa. "Akin si Zachary!" sabi nung nakamini skirt na parang nakulangan ng tela. 

Umiiling nalang ako saka nagmamadaling tinahak ang short cut na pathway patungong library. Mas tahimik dun at walang asungot, sa isip-isip ko.

Ngunit pagliko ko palang, rinig ko na ang boses ni Zachary Malcolm Montoya. Ang pinakababaero sa kanilang lahat at ang pinakacharmer, kaya maraming naloloko sa kanya. 

"ZACH!" Sigaw ng mga kababaihan na dinaanan niya at nakaangat pa sa hangin ang mga kamay nila upang mahawakan lang si Zach. Nakakainis, anong akala nila dito? Santo? 

"ASAWAKO!" pasigaw nitong tawag sa akin. Dumoble ang paghakbang ko para hindi nito ako abutan, ngunit sadyang mas mahaba ang biyas ng aswang. "Sandali naman, asawako!" naramdaman ko ang kamay nitong humapit sa aking pulsuhan upang ako'y mapatigil sa paglalalakad. 

Mabilis ko naman itong hinarap, inignora ang mga matang nakatitig sa amin. "Bakit ba sinusundan lagi ni Zach yan? Eh wala namang ganda ang babaeng iyan?" rinig kong sabi ng isang babae, ngunit ipinawalang bahala ko ito.

I'm already used to it since Zach kept on bothering me. I know, he's just challenged dahil hindi ako katulad ng mga babaeng nahuhumaling sa kanya. Isang ngiti lang niya, bibigay na.

"Ano na naman ba?" Inis kong asik saka humalukipkip ako, kipkip ko ang libro sa aking dibdib.

"Hindi kana ba nagsasawang magbasa?" Saka nito tinitigan ang librong nasa aking dibdib. "Kakainggit naman itong libro, buti pa siya, lagi mong tinititigan, niyayakap mo pa. Sana ako nalang," malambing nitong sabi na ikinataas ng kilay ko.

Umikot ang aking mga mata. Typical Zach, malagarden ang dila, punung-puno ng bulaklak, kaya't ang bilis maniwala ng mga babae rito. Akala nila, totoo ang mga sinasabi, sadyang mabulaklak lang talaga ang dila ng aswang. "Ang korny mo!" angil ko, ngnuit pigil na pigil ko ang paglupasay ng aking puso sa sobrang kilig. Honestly, walang patutunguhan itong nararamdaman ko na ito. 

Hindi ko kayang makipagsabayan sa mga naging babae nito. I'm just an ordinary girl, with nothing interesting nor grand about me, except my ambitions. 

"See, yan ang sinasabi ko, asawako," saka nito itinuro ang mukha kong burangot. "Kahit lukot na ang mukha mo, ang gandang-ganda mo parin. At lalo akong nahuhulog eh. Kailan mo ba ako sasaluhin?" saka ito sumabay sa aking paglakad. Inis na talaga ako, nakakagigil na siya. 

Hindi na talaga ako makakaiwas sa kanya. Sobrang makulit lang talaga.

"Tumigil ka Zach!" inis kong sita. "Hindi kana nakakatuwa," saka ako tumigil ulit at hinarap siya ng hindi ngumingiti. Seryoso narin ang mukha nito, nakataas lang ang isang kilay. "Bakit ba ako ang pinepeste mo? Dahil hindi ako tulad ng ibang mga babae?" naiinis kong tanong. Iniignora ko ang pagtumbling ng aking puso sa totoo lang apektadong-apektado ako ng presensya nito.

Hounding Ms. Nerd |Montoya Series 3|Where stories live. Discover now