Chapter 2: Suprise

16 0 0
                                    

Hera'sPOV

Hanggang nagyon hindi ko parin masasabi kung ano ng ang nangyari kanina sa clinic, mystery? Huh... Hindi ko pwedeng sabihin kay na mama at sean ang nangyari baka sabihin pa nila na nasisiraan pa ako, urgh! Can someone give a clue to this damn situation, i feel like i am a stupid person right now...

"Bakit ka magiging stupid wag kang mag-alala hindi ka naman tanga , princess hindi mo lang alam ang mga nangyayari"

"Huh? Sino yan?! Nasan ka?! Lumabas ka jan!"

"Slow down, princess wag kang magalit naandito lang ako sa likod mo"

Tumalikod ako at nakita ko ang isang magandang babae na kumikinang-kinang sa kagandahan madami siyang halahas sa katawan tapos meron siyang mahabng tenga na para bang elf yung tenga niya.

"Si-sino ka? Paano ka nakapasok sa bahay ko?"

"Princess, hindi mo ba ako nakilala? Ako ito si Elie"

"elie? Sorry hindi kita kilala, tsaka pede bang sabihin mo saakin kung ano ka? Saan ka ba galing?"

Magsasalita na sana siya kaso may narinig akong sigaw sa baba, sigaw ni mama at tawag ni sean , nagmadali akong bumaba sa sala at nakita ko isang halimaw na naman!

"Mama! Sean!"

"Ate! Tulong!" Paghihingi ng tulong ni sean saakin, pero ano ang gagawin ko?

"Bitawan mo ako! Hah! Halimaw ka! Bitawan mo ako!" Painis na sabi ni mama sa halimaw

"Sino ka! Bitawan mo ang kapatid ko at ang mama ko!"

Tumingin bigla yung halimaw at parang ngumiti siya, bakit ba madaming naglalabasan dito na halimaw buwiset naman eh! Ano ba ang kailangan nila saakin?!

"Ikaw! Ikaw nga si Princess Heraty, ang matagal ko nang hinahanap, ngayon nakita na kita ibigay mo saakin ang medalyon!!"

Bigla niya binitawan si sean at si mama at papalapit siya saakin, ano gagawin ko? Hindi ko maigalaw ang katawan ko, gumalaw ka! Elie tulungan mo ako! Elie! Tulungan niyo ako!

Pinikit ko ang aking mga mata, at hindi ko na alam kung ano ang nangyari, basta narinig ko na lang isang tunog na galing sa isang espada na para bang meron siya hinahati,

"Wag ka nang mag-alala naandito na ako"

Dahan-dahan ko minulat ang aking mga mata, at nakita ko ang isang makisig na lalaki sa aking harapan, isang lalaki na kulay pula ang buhok at may hawak na espada at ang kanyan kasuotan ay may kapa siyang asul sa likod at nakaputi ang kanyang damit na pang shining armor sa kamay at sa paa

"Ayos ka lang ba? Princess Heraty?"

Heraty? Sinabi din niyan ng halimaw na ako daw si princess heraty aeh hindi ko naman pangalan heraty, sino ba talaga ako, bakit nila ako tinatawa na heraty?

"S-sino ka? Hindi kita kilala, paano mo alam na may halimaw dito?"

"Ako nagpatawag sa kanya" sambit ni elie

"Elie? Ikaw? Sino ka naman?" Tanong ko

"Siya ang Commander ng First Unit ng Magnolia Kingdom, siya si Commander John the third"

Magnolia? Kingdom?

Biglang nag-kneel down si Commander John sa harap ko, at hinalikan ang aking kamay.

"Masaya ako at nakita kitang ligtas Heraty, matagal din ang huli tayong nagkita, buti naman ayos ka lang"

"Teka nga, hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyo, wala ako matandaan na nagkita na tayo, ni-hindi ko nga kayo kilala eh, at hindi alam kung saan kayo nanggaling"

"Sige ipapaliwag ko ang lahat kung sino ako at saan kami nanggaling at sino ka"

Inasikaso ko muna sina mama at si sean, pagkatapos nun umupo kami at nagsimula siya magpaliwanag saamin

"Pasensya na ulit kung nabigla ka sa mga halimaw na umaatake sayo, pasensya na din po"

Humingi siya ng patawad kay mama at kay sean pati na din saakin.

"Sabihin mo saakin sino ba talaga kayo?"

"Ulitin ko ang tanong mo dahil dapata ang tanong mo kung sino ba talaga tayo?... Meron isang mundo na tinatawag na Delphilem World o mas kilala sa tawag na Delwod, dun kami nanggaling, dun ka din nanggaling"

"Teka, nanggaling? Dito ako nanggaling hindi sa delwod"

"Yan ang akala mo, princess ang mga magulang mo na sina Hermin at Ujin, silang dalawa ang reyna at hati ng Magnolia Kingdom, pero sa hindi inaasahang pangyayari, umatake ang Darkret, ang mga dakret ay isang kampon ng kadilima, at ang kanilang hari na si King Dolches o mas kilala sa tawag na Kidoh ang pinakamalupit, mabusik na hati ng kadiliman at siya din ang umatake noon sa Magnolia Kingdom, kaya nagpasya ang board of circle na ipadala ang reyna at hari  at ang mahal na prinsesa sa mundo ng tao, bata ka pa noon nung huli na tayong nagkakilala, kaya siguro wala ka matandaan ni-isa saamin, kahit na si elie hindi mo natandaan, kahit na kayo lagi ang magkasama"

"Pasensya na kung wala ako maalala, talagang wala akong alam, hindi patin ako makapaniwala sa naririnig ko"

"hindi lang jan nagtatapos ang lahat, mga ilang taon ang nakalipas, hindi namin alam natuntun ni Kidoh kung nasaan kayo, paparating na kami noon sa lugar niyo, pero wala na kami naabutan, sira na ang bahay nilibot namin bawat pasikot-sikot sa bahay kaso wala ka na at ang nadatnan na lang namin si Reyna Hermin at Si Hari Ujin na wala na, pero  hindi ako nawalan ng pag-asa na buhay ka pa, kahit na sinasabi nila na patay na ang prinsesa ng Magnolia Kingdom, pilit kitang hinahanap, hindi lang ako madami pang iba, kaya pakiusap Hera bumalik ka na, kailangan ka namin"

"Pakiusap hera" pakikiusap nila saakin, pero ano gagawin ko meron pa akong pamilya na dapat din protektahan dito

"Hindi ko—"

"Hera anak, sumama ka na"

"Pero mama, kailangan niyo ako dito, hindi ko pwede kayo iwan dito"

"Anak, hera mas kailangan ka nila doon, kami ni sean ayos lang kami dito, madami nang taon ang nakalipas siguro it's enough na tumira ka dito, kahit ano ang gawin mo umalis ka dito pwede ka parin bumalik, ituturing parin kitang anak, you are always welcome in my heart"

"Pero mama" naiiyak na ako, hindi ko kaya na mahiwalay sa pamilya ko ayoko ko nang may mawala saakin ngayon nakahanap na ako ng isang bahay na mauuwian at pamilya na makikita ko na naghihintay saakin

"Sige, hindi kita pipilitin na sumama saamin, pero bibigyan kita ng tatlong araw na makapag-isip kung saan ka dapat nararapat, kapag nangailangan ka ng tulong tawagin mo lang ang pangalan ko , handa ako ialay ang buhay ko para sayo hera, matagal kita hinintay, hindi ko na hahayaan na may makapagpahiwalay saatin dalawa, lalaban ako para sayo"

Hindi ko alam ang sasabihin ko pero ang pakiramdam na ito i feel so safe dahil ba sa kanya? Salamat naman naiitindihan niya ako, pero ano pa kaya pwede lumapit o pwedeng manakit sa pamilya ko, pero hindi ako natatakot sa kanila, kung sasaktan nila ang pamilya ko at lahat ng mahal ko sa buhay, katulad nga ng sabi ni John handa din ako itaya ang buhay ko para sa pamilya ko, basta nasaakin itong pendant na binigay nina mommy at daddy, alam ko ginagabayan nila ako at hindi nila ako hahayaan na masaktan.

--------------to be continued------------

All Rights Reserved 2015

Lions Of Hera

Lions of HeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon