Chapter 4: The Secret of Magnolia

6 0 0
                                    

HERA's POV

"AHHHHH!" sobrang tili ni justin at ako naman nakapikit, hindi ko alam ang gagawin natatakot din ako. bigla ko na lang naramdaman na meron humawak saakin, minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Commander John hinawakan ako

"wag kang matakot proprotektahan kita, naandito lang ako, elie ikaw na bahala kay justin"

"okay!"

todo kapit ko kay commander john nang nahuhulog kami bigla ko na lang nakita ang buong magnolia, ito na pala ang magnolia na sinasabi nila, ang ganda sobrang ganda ng magnolia

"maligayang pagbabalik princess heraty sa Kingdom Of Magnolia" tingnan ko si commander john sa mata at parang tuwang tuwa siya na nakabalik na ako dito, makikita mo ang saya sa mga mata niya

nang nakalapag na kami sa lupa, bigla na lang ako nanlambot at napaupo sa lupa

"hera! ayos ka lang ba?" biglang tanong saakin ni justin

"ito inumin mo, pangpawala yan ng sakit, nabigla ka lang dito kaya parang nakaramdam ka ng sakit"

"salamat"

itinayo nila ako at nakita ko pinagtitinginan kami ng mga tao na para bang gulat na gulat sila sa amin at naririnig ko sila na sinasabi nila na "hera? siya ba ang prinsesa" natatakot ako, mommy, mama, papa

"maari na kayong bumalik sa inyong ginagawa,"

"commander john siya na ba ang prinsesa?"

"opo, lola siren siya na po"

"ikaw na pala yun, nung huli kitang nakita ikaw ay sanggol pa lamang parang kailan lang, ngayon ikaw isang dalaga at matatawag na prinsesa, maligayang pagbabalik, prinsesa heraty" ibinaba nung matanda nung kanyang ulo, pinigilan ko naman siya sa pagbaba ng kanyang ulo

"wag niyo pong gawin, sa totoo nga po niyan hindi pa po ako maaring tawaging prinsesa dahil hindi pa po ganap na prinsesa, ako po ay isang babae na handang tulungan kayo, tawagin niyo po akong Hera"

"talagang napakaganda ng inyong puso, nagpapasalamat kami dahil naandito na kayo, maraming maraming salamat, kayo po ang aming pag-asa"

parang unting-unti nadudurog ang puso ko dahil, umiiyak sila na nakita na nila ako, hinintay nila ako ng kay tagal, maraming naasa saakin, pero ano magagawa ko? wala ako sa posisyon para tulungan sila

sinakay nila ako sa isang puting kabayo na kay ganda at meron akong natatanaw na isang malaking gusali, kaso hindi gusali, ng tuluyan ko nang nakita isa itong palasyo kung saan nakatira ang reyna at hari napakaganda ng palasyo parang talaga nasa fairy tale ako. nakapasok na kami sa loob ng palasyo at nakanganga parin ako na para bang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko

"princess heraty" inalok saakin ni commander john ang kanyang kamay para ako'y makababa, ito'y tinanggap ko at bumaba na ako sa kabayo

"princess heraty, tara na"

"commander john meron sana ihihiling sayo"

"ano iton princess heraty?"

"pwede bang wag mo muna akong tawaging princess heraty dahil hindi pa naman ako ganap na prinsesa, ako ay di hamak na ordinaryong tao lamang nakikiusap lang ako sayo "

"maliwanag po.... ano ba ang gusto mo na itawag ko sayo?"

"hera would be better"

"AHHHH!!!" biglang nagsilabas ang mga babae galing sa loob ng palasyon na para bang meron humahabol sa kanila

"teka ano nangyari?" tanong ko

"teka, hera tulong!" paghingi ng tulong ni justin saamin

"j-justin!!" at tuluyan na akong nawalan ng malay

JOHN's pov

"elie, maari mo bang tawagin si manang sita? meron lang akong itatanong"

"sige po commander, um commander?"

"bakit?"

"sa tingin niyo po ba magiging maayos si prinsesa dito? "

iyan din ang isa sa mga pinagaalala ko, alam ko magiging delikdao pero para na din dito sa mundo, at para sa kanya alam kong mapapahamak siya sa gagawin na ito pero kailangan

"elie, proprotektahan siya ng pitong dakilang mandirigma dito sa mundo at isa na ako dun, ang kulang na lang ay anim, wag kang mag-alala magiging maayos siya dito"

"so ang sinasabi mo delikado ang buhay ni hera dito sa mundo niyo?" bigla akong napatayo at nakita ko si justin na nakikinig pala saamin

"sagutin mo ko mapapahamak ba ang buhay niya dito sa mundo niyo?!" pasogaw niyang sabi saakin, at parang nagigising si prinsesa, tinulak ko palabas si juston para makausap

"oo at hindi, pero meron parin posibilidad na mapahamak siya—"

"bakit niyo pa pinapunta si hera dito sa mundo niyo kung mapapahamak lang pala siya!"

"magiingat ka sa mga sinasabi mo, tandaan mo commander ang kausap mo....sige sasabihin ko na lahat sayo, 700 years na ang nakaraan pero nanatili parin samin ang madilim na pangyayari na iyon, nung taon na iyon ang itim na leon ay naghasik ng kadiliman sa mundong ito, ang gusto niya,siya ang mamuno sa mundong ito, pero ang puting leon hindi sumangayon sa gusto ng itim na leon, dahil ang lahat ng naninirahan dito ay pantay-pantay, kaya nagkaroon ng matinding labanan sa pagitan ng puting leon at itim na leon. hindi pumayag ang itim na leon na matalo kaya naman nagtawag siya ng kadiliman, nagipon siya ng mga tao para makasapi at matupad ng kanyang gusto, ang puting leon naman hindi siya makakapayag na basta basta na manaig ang kadiliman, nilaban niya ito dahil kailangan niya protektahan ang mga tao, pero sa hindi inaasahan natalo ang puting leon, pero meron sinasabi ang propisiya na merong ipapanganak na babae sa panglimangput henerasyon na hari at reyna na sinasabing sumanib ang puting leon sa kanyang kaluluwa at katawan at yung babaeng iyon ang sinasabing makakatalo sa itim na leon at makakapagbigay ng kapayapan sa mundo, at hanggang ngayon ay pinoprotektahan parin ang lugar na ito ng puting lugar, pero paunti-unting humihina ang barrier, dahil ang kaluluwa ng leon ay napapalayo dito na mundong ito, kaya naman—"

"teka teka ang sinsabi mo bang hari at reyna ay ang?"

"ang mga magulang nina hera"

"so ang sinasabi mong babae na ang nasa loob ng kanyang katawan at kaluluwa ay si"

"si hera mismo ang tinutukoy"

"kaya kailangan niyang talunin ang itim na leon?"

"oo, pero meron nagsasabi na kapag lumabas ang puting leon sa katawan na nagmamayari sa kanya maari na mamatay ang nagmamayari sa kanya, pero iyon ay sabi sabi lamang walang nagpapatunay pa yun"

"binbalaan kita COMMANDER JOHN kapag meron lang nagyari kay hera hindi kita mapapatawad"

miski naman ako ayoko may mangyari sa prinsesa, kay hera, napakaimportante ni hera alam ko, kaya nga handa akong itaya ang buhay ko para lang sa kanya

to be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lions of HeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon