Previously.....
"Magnolia? Kingdom"
"Bibigyan kita ng tatlong araw para magdesisyon"
Paano kaya magdedesisyon si hera? Iiwanan kaya niya ang kanyang pamilya para sa ikakabuti nila? O hindi siya aalis sa tabi ng kanyang pamilya para protektahan laban sa mga halimaw at laban kay Kidoh? Tunghayan at tutukan mabuti kung paano magdedesisyon si hera.
----------------Day one------------
unang araw, time is running out, malapit na ang araw na dapat akong magdesisyon kung sasama ako papunta sa Delwod o mag-stastay ako dito sa mundo kung saan ako nasanay, ano nga ba ang gagawin ko? if i'm going to stay here, madadamay sina mama, pero kapag umalis naman ako may posibleng may umatake sa kanila, ano ba ang gagawin ko?! urgh!
sabado ngayon, walang pasok ano kaya pwedeng gawin?
"anak, hera pwede ba akong pumasok?"
"mama, sige po"
"anak, meron kasi akong gustong sabihin sayo"
parang alam ko na kung ano yung gusto sabihin ni mama saakin .
"sige po"
"anak alam ko na hindi madali ang pagdedesisyon, kaya anak jan ka matututo kung ano ang tama sa mali, isipin mo anak, kung totoo nga ang sinasabi nila na ikaw ay taga-ibang mundo, isipin mo na lang kung sino-sino ang nangangailangan sayo sa matagal na pagkawala ng magulang mo at ng prinsesa nila, anak madaming tao ang nakasalalay sa kamay mo ngayon, kinabukasan ang ikakaganda nila kung ikaw ang mamumuno"
"mama, alam ko po yun pero masyado pa akong bata para humawak ng mga tao, ni-hindi ko nga po alam kung ano gagawin ko, kung papaano ko sila panghahawakan"
"ang sagot sa lahat ng mga tanong mo anak kapag nakita mo mismo ang kasagutan"
"hindi ko po kayo maitindihan"
makita ko mismo ang kasagutan? paano? pati na ako nalilito, hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong isipin, inaalala ko lang naman sila
"mama, sige po pag-iisipan ko po"
Justin's PoV
"ano? totoo ba yan sinsabi mo sean?"
"kuya justin, kailan pa ba ako magsisinungaling sayo? aber?"
si hera, taga-ibang mundo? kailangan ko kausapin si hera, kay hera ko mismo malalaman ang kasagutan
"sige sean, pupunta ako sa bahay niyo para kausapin si hera, salamat"
ano na ba ang nangyayati sa buhay ni hera? ung sa clinic yung halimaw, kagabi sabi ni sean may umatake daw na halimaw sa bahay nila at may nagpakita na lalaki na proprotekta kay hera, ngayon tagaga ibang mundo si hera? sino na ba ang paniniwalaan ko?
papunta na ako sa bahay ni hera, para tanungin siya ng deretsahan, paano kapag napag-isip-isip ni hera na umalis nga sa mundo na ito? paano na yan? hindi ko na masasabi ang gusto kong sabihin sa kanya matagal na, oo mahal ko si hera, simula bata pa lang kami, tinatago ko lang kasi kapag nalaman ni hera na may gusto ako sa kanya, baka layuan niya ako, kaya nga ngayon humahanap na lang ako ng iba kaso si hera lang talaga laman ng puso ko, kaya hindi ako makakapayag na iwan ni hera ang mundo na ito.
naandito na ako sa gate ng bahay ni hera, nagdoorbell ako at ang sumalubong saakin ang mama ni hera.
"gud afternoon po tita, si hera po?"
"gud afternoon din, justin si hera nasa kwarto niya, pasok ka"
"salamat po tita, pede ko po bang makausap si hera?"
"ehhh subukan mo kung makakausap mo ha, maghapon na kasi siya sa kwarto niya nagiisip"
"sige po"
kumatok ako sa pintuan ni hera, ako na nag ukas nung pintuan kasi ang tagal niyang hindi binuksan, nang nakita ko si hera nakatingin lang siya sa bintana at para bang malalim ang iniisip, hindi ko naman siya masisi
"hera"
"justin? naandito ka pala"
"siguro naman may karapatan akong malaman kung ano ang nangyayari sa buhay mo ngayon"
"alam mo na pala"
"hera, so wala ka man lang balak na sabihin saakin? kailan mo pa sasabihin saakin ang totoo?"
"bakit, alam ko ba? kagabi ko lang din nalaman justin, hindi ko pa sinasabi sayo kasi nalilito na din ako sa nangyayari, hindi ko na kilala ang sarili ko justin! paano ko pa sasabihin sayo kung miski nga ang sarili ko hindi ko di. masabisabi kung ano ba ang totoo at ano ang hindi!"
napapaiyak na ako, kasi hindi ko na naman kilala ang sarili ko, hindi ko alam ang gagawin ko, kung ang gagawin ko ba sa ikakabuti ng pamilya ko o sa ikakabuti ng ibang tao, sino ba talaga ako? ano ba dapat kong gawin? please sabihin niyo saakin kasi nasisiraan na ako ng ulo sa kakaisip kung ano ang dapat please someone...
may naramdamn akong may yumakap saakin minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si justin niyayakap ako ng mahigpit na para bang ayaw na akong pakawalan.
"just—"
"wag ka nang mag-isip ng mga bagay-bagay, hindi mo kailangan istress ang sarili ko sa ganitong bagay hindi dapat ang utak mo ang pinakikinggan mo kundi puso mo, puso hera kasi ang puso mas makakaitindi kung ano ba talaga ang gusto mo, ngayon ano ang sinisigaw ng puso mo?"
"puso ko?..."
ang puso ko? pakinggan ko?
before
"alam mo anak, gusto ko sa paglaki mo, gusto ko madami kang tao na pinoprotektahan at tinutulungan kasi alam mo ba ang sarap makita na meron kang naililigtas"
"pero mommy di ba mahirap yun? ang dami nun!"
"kahit gaano karami, gaano kahirap dapat alam mo sa sarili mo kaya mo, lahat kaya mo anak kasi may tiwala si mommy and daddy sa iyo, someday anak, some day"
-End of flashback-
"justin, alam ko na, salamat"
10:00 PM Ng third day, the final day
"princess hera, ano ang iyong sagot?"
"ma, alam ko na mahirap para sa inyo ito, pero gusto ko makatulong sa madaming tao, at kung totoo nga ang sinasabi niyo na madami naghihintay saakin sa ibang mundo sasama ako sa inyo dahil yun ang gusto ng Mommy(Reyna) ko, ma pangako babalik ako, bibisita naman ako eh kapag may oras ako, kailangan lang talaga ako nila"
"anak, kahit ano sabihin mo hindi ko maiaalis na ikaw parin ang hera ko, ang anak ko, kahit na hindi ka nanggaling saakinmamahalin parin kita ng sobra sobra kasi tinurong na kitang tunay na anak, at mahal na mahal kita, kaya sige na sumama ka na sakanila, magiingat ka ha, wag na wag mong papabayaan ang sarili mo okay?"
"okay, ma love you ma"
"love you too anak"
"justin ikaw na ang bahala sa—"
"sasama ako sa iyo"
"huh?! nababaliw ka na ba?"
"malapit na, malay mo baka niloloko ka lang nito okay na yung handa ka"
"bahala ka, basta wag kang paano-ano dun ah"
"yes, ma'm"
So ayun nga sumama saamin si justin, kahit ano naman ang gawin ko hindi ko siya mapipigilan, ito na meron biglang bumukas na portal sa harap namin,handa na ako na makita kung ano ang nasa kabilang mundo
"handa na ako"
"tara na"
Hinawakan niya ang kamay ko,nagulat ako at hinawakan ko ang kamay ni justin at hindi ko na alam ang nagyari ang alam ko na lang nahuhulog kami,diyos ko tulungan niyo naman kami!!!
TO BE CONTINUED (っ゚Д゚)っ
BINABASA MO ANG
Lions of Hera
FantasyHera, isang babae na makakapagbago sa dalawang mundo, Si Hera isang Matapang,Responsable, at napakabait , pero sa likod ng kanyang ngiti isang mapait na pangyayari sa kanyang buhay, paano kaya mababago ang buhay ni Hera kapag nalaman na niya kung si...