"Blue..." ang kulit naman. Sino ba kase yang kalabit ng kalabit sa akin.
"Blue..." ang kulit! tae naman. Ang sarap balibagin ng daliri kakapindot sa braso ko.
"Uy BLUE! Bangon na. Magb-breakfast call na, ikaw nalang di pa naliligo" pagkatapos niyang sinabi yon, bigla akong bumangon at nanlaki ang mga mata. Sheks, mali-late na ako! Ngayon ko lang narealize na nagcacamping nga kami. Tae naman oh!
"Yan kase. Punta ka agad sa hall 1 ha. Una na kami. Maya-maya mag breakfast call na si prof. Dalian mo." at lumabas na si Cody.
Ako nalang ata ang di nakapaghanda. Hindi niya man lang ako ginising kanina! Kainis!
Nagmadali akong maligo. Feeling ko nga di nabanlawan ng maayos ang buhok ko. NAAAH Bahala na!
"PEEEEEEP PEEEEEEP PEEEEEP"
Oh my oh my oh my! Dali!!!!
Mabilis akong nakabihis at nagsuklay ng buhok. Nag breakfast call na kase. Hindi pwedeng ma late. Kahiya kaya. Papasok ka tapos silang lahat nakatingin, kumakain. Presidente pa naman ako. Tskk..
Paglabas ko ng door, may ibang lalakeng palabas pa din ng room nila. Hayyy salamat!
Pagdating ko sa hall 1, naka upo na yung iba. Unang nahagip ko, ay ang pagmumukha ni Renz na naka upo sa dulo. He smiled at me at binigyan ko lang siya ng nod. Kinabahan na naman ako sa mga tingin niya. At bigla kong naalala yung sinabi ni Cody na nag-usap sila. Ano ba to, pano kung magkasalubong ulit kami ni Renz mamaya? How would I react? Magbubulag-bulagan ba? Mag-ssmile ba ako? What if sabihin niyang "Anong sagot mo sa tanong ko kagabi?" .. OH NOOO!! Dapat iwasan ko siya. Dapat hindi magkasalubong ang landas namin. SHOMAYY!! NO NO NO!!
"Blue!" sigaw ni Cody at bumalik naman ako sa katinuan. Tumabi na ako kay Cody.
"Buti nakahabol ka" i just smiled.
Hindi ako mapakali habang sumusubo ng pagkain.
Naiisip ko kase ang posibleng tagpo namin ni Renz ngayon. Kinakabahan parin ako T__T anong gagawin ko?
"Blue." kulit naman netong si Cody. Nag-iisip ako ng paraan eh.
"Oh?" tanong ko na naiirita.
"Kelan ka pa natutong kumain ng balat ng saging?" Nabilaukan naman ako sa sinabi niya. Di ko namalayang balat na pala ang kinakain ko. Langya!
After ng aming breakfast, pumunta na kaming lahat sa hall 2. Doon kase gaganapin ang lectures. Ginawa ko ang lahat para di magkatagpo ang landas namin ni Renz. Sinusulyap-sulyapan ko siya. Nung nakita ko kaninang nakalabas na ng hall 1 si Renz, saka ako lumabas at pumuntang hall 2. Mga ganun na tactics. Weeeew! Kanina pa ako parang ninja na nakabantay. HUHUHU! matapos lang tong camp nato. Magiging okay na siguro! WAA. ewan ko! TT____________TT
Buong umaga yung lecture kaya wala akong pinroblema. Naka-upo kase si Renz sa medyo malayo sa pwesto namin. So, naka hinga ako ng maluwag. Oo, aaminin kong boring ang lectures, pero buti nalang at walang interactive activities ngayon. Kahapon kase yun.
"Okay. Before our lunch break, i will orient you regarding our activity this afternoon." Hayy mag lulunch break narin.. Masakit narin ang pwet ko sa kakaupo.
"This afternoon, we will have our pairing activity. I will tell you later what to do. For now, we will have our pairing first. Yung pairs ninyo, maaring from different sections. May tig dadalawang same letters dito *tinaas niya ang basong may mga rolled papers* Kung sinong kapareha niyo ng letter ay siyang partner niyo. Okay? Iikot ko na ang bunutan."
At nagsimula ng bumunot ng papers. We are 20 students here. So may sampong pairs. Inisip ko na baka si Renz ang magiging pair ko. Pero, sa dinami dami namin, konting percentage lang yung chance na maging partners kami. Oh well, sigurado akong hindi siya.
BINABASA MO ANG
LIGHTS OFF
RomanceIm going to smile like nothing's wrong, talk like everything's perfect, act like it's all a dream, and pretend it's not hurting me.