Chapter 4

69 3 6
                                    

Pagdating namin sa garden, bumigay na lahat ng buto ko. Nakapagharlem shake ako ng wala sa oras. Grabe I can't hold it. Halo-halong emosyon. Naiyak pa ako. 

"What's your problem?" niyakap ako ni Cody while patting my back.

Iyak lang ako ng iyak. Humagulhol na ako sa kakaiyak. 

"Hmm hmm *sniff* hmmm Codymmmm *sniff*" buti nalang at walang tao dito sa garden at walang nakakakita sa amin.

Nung nahimasmasan na ako, umupo kami sa bench ng garden at kinuwento ko kay Cody ang lahat. Inamin kong pinagselosan ko siya kagabi, inamin kong mahal ko parin si Renz, na kahit anong deny ko, siya parin talaga ang laman ng puso ko. Sinabi ko sa kanya ang first encounter namin ni Renz last night. Sinabi kong tinanong ako ni Renz kung mahal niya pa ako. Inamin kong bothered ako sa sinabi ni Cody that night na nag-usap sila. Sinabi kong gusto kong malaman kung anong pinag-usapan nila. Kung magiging sila ba. Yung nangyari kaninang umaga kinuwento ko. Hanggang sa nangyari sa room.

"Bat mo pa kase naisipang gumawa ng way out? Kita mo, nabisto ka tuloy na wala ka talagang kausap sa phone. Ginamit mo pa si charles? Eh alam naman ni Renz na wala kayong communication. Alam niyang simula nung nireject mo si Charles, hindi mo na siya kinakausap."

"ALAM NIYA?? KELAN LANG?" Nagulat ako. Oo, hindi ko naman alam na alam ni Renz ang tungkol dun.

"Kagabi lang." Matipid na sagot ni Cody. At mas naguluhan ako.

"Kagabi? PAANO? Teka, Ibig sabihin, alam niya na palang nagsisinungaling ako LAST NIGHT? PAANO nangyari yun?" 

"Through me." Nanlaki ang mata ko at tiningnan ko si Cody nang may pagtataka.

"Diba sabi ko nag-usap nga kami kagabi? Pero nung sinabi ko yun sayo, ayaw mo namang makinig. I thought ayaw mo talagang makinig." And with that, narealize kong I'm so stupid! Pinaghinalaan ko pa si Cody na may something sila ni Renz. ako naman pala pinag-usapan nila. 

"What else did you told him? Anong pinag-usapan niyo?" Humarap si Cody sa akin nang may malungkot na mata.

"Blue listen. Tinanong ko siya kagabi tungkol sa mga bagay-bagay. I know na disturbed ka pa masyado sa nangyari sa inyo. Blue nahahalata ko. You're so affected. Kaya naisipan kong kausapin siya since pinagtagpo ang landas namin kagabi."

Nanahimik lang ako at nakinig.

"He still loves you Blue." Nanlaki nanaman ang mata ko. Like I can't believe it. REALLY.

"But, Cody.. Pinagpalit nya nga ako diba?" sabi ko ng mahinahon.

"Blue, He did it for you." hinawakan ni Cody ang kamay ko. 

"Code, naguguluhan na ako. He loves me pero pinagpalit niya ako? Tapos pinagpalit niya ako for my own good. Ganon ba yon?" 

She nodded.

"Ipatindi mo sa akin please." I pleaded.

"Blue Sorry. Ako ang may kasalanan." she added.

"Wait. Ikaw? Ikaw ang pinagpalit niya?!" sabi ko ng naguguluhan.

"No.. No. It's not me. And it's NOBODY. Makinig ka muna, naalala mo yung inutusan mo ko noon na itext siya? Gumagawa tayo nun ng papers. Sa weTALK."

*flashback*

[Renz' POV]

*beeep*

(YOW, makikipagkita na ako kay Charles ngayon.

LIGHTS OFFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon