Hi, Hello ako nga pala si Monique isang 3rd year student ng First Fruits University. Tungkol sa akin? Ahhh.. sabi ng mga kaklase ko maingay daw ako, palangiti at campus ms. Friendly. Haha yun ang sabi nila eh! Nandito ako ngayon sa school busing-busy sa Film Analysis presentation namin.
“Yel, patulong naman oh! Tapos kana sa Relevance to history mo diba?”- sabi ko kay Yeyel kasi alam kong wala na siyang problema sa presentation niya.
“Gan’to lang naman yan Monique oh.. blah.blah.blah.”
“salamat Yel :) “- yessss! Malapit na din akong matapos Reflection nalang ang kulang ko.
*kriinng*
I heard the sign! Finally recess na gutom na ako. Hinanap ko yung wallet ko sa bag ko….
“Monique hali ka na!”- sabi ni Sharon
“mauna na lang kayo, di ko mahanap wallet ko eh.”
Tapos hanaaaap.. hanaaap. Yosh!!! Itong wallet ko talaga pinapagutom ako. Tapos yun lumabas na ako sa classroom..
“Hi Monique” sabi nung lalaking nasa harap ko… ahhh
“Hello Gab *insert fake smile here*”
Siya nga pala si Gab kapitbahay ko. 4th year student na siya. palagi ko siyang nakakasakay sa jeep pauwi at papunta dito. Oo nagsawa na ako sa pagmumukha niyan. Palagi nalang akong pinagt-tripan.
*sa canteen
Kain…kainn..kain
“Monique!!”- sigaw ni Jhay ang classmate kong bading
“o Jhay! Kain ka muna, nagmumukha ka nang skeleton ah!”
“ano ka ba, it’s called 'I’m on a diet'.and I have something to tell you.”
“go.”- ako habang kumakain pa din
“may gimik kasi ang SCO for the Valentine’s Day special walang pasok sa araw na yan-.”
“oh tapos? Paki ko ba sa valentines churva ekk.ekk na yan? Absent nga siguro ako sa araw na ‘yan eh! Kayo Sha papasok ba kay-”
“patapusin mo nga ako! So yun nga. May marriage booth.. may dating booth-.”
“get to the point already..”
“oo na nga!! Kayo daw ni Gabriel ang maaasign sa harana booth! Yan… hayyy nakuuuu. Mauuna na ako sa inyo mga teh baka maistress lang ako ng bonggang bongga sa bespren nyung yan!”
“wow Monique, congrats meron ka nang dahilan para pumasok ngayong valentines!”- Leigh
“ahh, bahala sila sa buhay nila. Ayoko nga pumasok sa araw na ‘yan eh!”- ako
“hoy inday Monique hanggang kelan ka magiging bitter sa day na February 14?”- si KZ
“hanggang sa gusto ko! pake niyo ba?”
“’bat ba bitter si Monique sa Feb. 14?”- tanong ni Yeyel di niya kasi alam. Ako din di ko alam kung bakit.
“eh kasi nung 1st year high school pa tayo may nanligaw sa kanya. Isang 2nd year student nun MVP player ng basketball team.”- Sharon
“gwapito.. at mayaman pa! A.K.A Justin Alcher Alosnso ”- KZ
“huwag niyo na nga-“- ako tapos tinakpan ni Leigh ang bibig ko
“tapos sasagutin niya na sana si Alcher sa araw ng mga puso which is Feb. 14 perooooooo.”- Leigh
“nakita niya’ng may kasamang ibang girl si Alcher!”- silang tatlo.
“2 pala silang nililigawan ni mr. Alonso kaso nga lang, mas nauna yung isang girl sa pag sagot sa kanya.”- Sharon
Wala na, nilabas na nila lahat..
“hoy Monique mag move on ka na nga! Magt-two years na bitter ka pa din!”- KZ
“wag nga kayo.. naka move on na kaya ako!”
“weeeeeh, kung nakamove-on kana talaga, magpakita ka sa Feb.14 dun sa booth na nakaassign sa inyo ni Gab!”
“suuus. Yun lang ba? Kering-keri ko yan nooooh!!”
Sakit ng story ko ano?? Pero that’s not all. Baka sabihin niyo o.a much lang talaga ako pero nung time na sasagutin ko na siya, may dala pa akong heart na may nakalagay na I love you too.. nakita ko siyang inaakbayan ang girl, nakatingin pa siya sa akin at ngumiti. Oh.. ano na? patayin na natin? Haha JK
-----------
Author's note: Hi po first time ko mag short story.. pero ewan kung magiging short story ba talaga ito.. haha COMMENT AND VOTE PO before reading the next chapter
BINABASA MO ANG
My Death Anniversary
RomanceI used to be at home during valentines day kasi death anniversary ko yang araw na yan!.. perooooo not this year! i need to prove na okay na ako.. kahit hindi naman talaga. how will i survive? :'(