Chapter Four

63 3 3
                                    

Monique’s P.O.V

*pabalikalik na kami sa aming mga assigned booths kasi nga time na eh*

Tapos nakita ko si Gab nakaupo sa labas ng booth at ginagamot ni Khaila yung sugat sa pisngi niya.. tumakbo ako papalapit..

“Gab, si Alcher ba may gawa sa’yo niyan!?”

“Aish. Dahan dahan lang Khaila masakit eh!”- hindi niya sinagot yung tanong ko!!

Kinuha ko kay Khaila yung cotton tapos tinapon.. tapos nagkuha ako ng bago at linagyan ko ng betadine tapos pinahid ko sa mukha niya.

“Khaila! Pinapatawag tayo sa SCO room.”- John .. tapos umalis na silang dalawa

Hindi kami nag-usap. Hindi ko kasi alam anong sasabihin ko. Dapat ba akong magpasalamat dahil sa ginawa niya kanina o dapat ko ba siyang sermonan dahil ginawa niya yun sa akin tuloy.. nasapak siya ni Alcher.. ang alam ko lang galit galit ako kay Alcher.

Nang matapos kung gamutin ang sugat ni Gab naglakad na naman ako..

“Sa’n ka pupunta?”- Gab

“kay Alcher. Bubugbugin ko yung gagong yun!!”

Tapos hinawakan niya ang wrist ko..at napahinto ako

“kaya mo ba? Baka umiyak ka lang sa harap niya.”

“ano ka ba Gab?! Nasapak ka na nga dahil sa ‘kin eh!”

“sigurado ka bang dahil sa’yo ‘to? Sinabi ko ba sa’yo na si Alcher ang gumawa nito?”

“Hindi.. pero nakita ko kayo kanina sa canteen!”

“n-na-rinig mo kami?”

“oo. Pero sorry ah di ako lumapit. Alam ko kasing iiyak lang ako eh. Sorry napaka selfish ko di ko inisip na gagawin niya yan sayo.”- ehh. Napaiyak na naman ako..

“wag ka ngang umiyak. *pinunasan ang luha ko* Kaya ko naman si Alcher eh..”

“pero ba’t mo ba ako pinagtanggol sa kanya ha!?”

Tapos yung mukha niya parang question mark..

“sabi mo narinig mo kami kanina?”

“pero hindi yung whole conversation niyo kasi bigla akong tinawag ni Yeyel eh.”

“Ah. Kasi binigyan ako ng mama mo ng leche flan kagabi. Pero ito na ang last na ipagtatanggol kita noh! Dahil sa’yo nadamage ‘tong gwapong mukha ko! tsk..”

“wow. Akala ko dahil magkaibigan tayo. Langya ka. HAHA pero dapat lang ito na ang huli kasi ayokong may nasasaktan ng dahil sa akin.”

My Death AnniversaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon