Mansion

6 0 0
                                    


Maya's POV

Graduation na namin at marami ang memories ang maiwanan namin dito sa eskwelahan namin. Nakakalungkot pero bahala na.

"Maya! Ano ba ang ginagawa mo? Halika na, sakay na!"

Sigaw ni Clarissa sa akin. Kami kasi ni Alfred at Miko ay sasabay sa van niya pupunta sa bahay nila. Yung iba sa kabila.

Sinunod ko yung sinabi niya at sumakay na ako, "Si Sayuri? Hindi ba siya sasama sa atin?" tanong ko, "Ah, yung bitch na yun? Hindi... simula nung nalaman ko ang pinanggagawa sa mga love letters ko, hindi ko na siya magiging kaibigan. Lalo na alam ko na may gusto sa kanya si Stephan," sabi niya nang pamaldita at sumandig sa upuan niya na nasa front, "Ano ka ba... takot lang naman siya na baka makalimutan mo pag meron ka nang kasintahan," dinipensahan ko siya, "Takot? Wag mo nga akong paikutin. Kung friend ko nga talaga siya sana sinabi niya yun at hindi tinatraydor ako," sabi niya ng pagalit.

Kahit naman sabihin ko yung rason, mas lalala parin yung sitwasyon.

Hindi na ako sumagot at tumutok na ako sa labas at pinanonood ang mga puno at bahay na lumalabay.

"Pupunta din yung iba hindi ba?" Tanong ni Alfred, "Oo... Kasama dun si Eduard pati nga, yung bitch na 'yon," sabi na wala man lang emosyon, "Kung hindi lang kaibigan ni Eduard si David, hindi ko na rin siya iinbitahin. Pati din yung bitch, kung hindi lang kaibigan yung mga kaibigan ko, hindi ko na rin siya i-invite," dagdag pa niya, "Tingnan mo nga yang bunganga mo Clarissa! And dumi! Wag kang harsh," sumingit naman si Miko, "heh! Kilala niyo naman ako diba?" kumunot ang kanyang kilay at tumingin na sa harapan.

Nag side glance ako sa kanya... sana may pag-asa pa sa kanila ni Sayuri.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Malaki parin ang kanyang bahay as ever.

Mayaman kasi. Lahat kami dito puros mga mayayaman. Pero hindi kasing yaman ni Clarissa. Kahit nga yung bahay naming, kalahati ang laki nito.

Maya-maya din ay dumating yung van na sinaskyan ng iba.

"Ay, nandito na pala kayo!" Bati ng mama ni Clarissa at siya'y may dalang bagahe, "Hello Auntie," bati naman namin at isa-isa namin siya gi-beso, "Pupunta nanaman kayo sa ibang bansa?" Sabi na painis ni Clarissa, "Oo, sa Italy para tingnan yung mga sikat na tourist spot nila," sagot naman niya, "Wag nga kayong magsinungaling! Parehas kayo ni Sayuri. Mga BITCH kayo. Sine-seduce mo ang mga lalaki tapos ano? Lilipat ka nanaman sa bago. Kaya nga iniwan ka ni Dad diba? Gusto kong sumama sa kanya, pero anong sabi? 'Wag mo iwanan ang Mom mo' Kasi kahit iniwanan ka niya, ikaw parin ang nasa isip niya. Halika na guys," tumingin ako kay Sayuri at mukha siyang nasaktan. Matalas talaga ang dila ni Clarissa at wala din siyang pinipili kung sino ang makarinig nito. Kahit yung mismo ang pinag-uusapan.

"CONGRATULATIONS!" Bati ng mga maids at yung yaya niya. Lumiwanag naman ang mukha niya sa wakas. Sa lahat kasi ng tao dito sa loob ng bahay niya, ang mga maids at yaya lang ang may malasakit sa kaniya.

Dun sa long table ay may cake, lechon, Spaghetti, fruit salad, pansit at kung ano-ano pa. Para bang may fiesta, "Salamat," malambing niyang sabi sa kanila at kita sa kanyang pisngi na namumula ito kunti, "Siyempre. Para ito sa aming prinsesa at sa mga kaibigan mo," sabi ng yaya niya, "At finally, grumaduate ka na din Clarissa! Susunod ay papasok ka na din sa unibersidad na dati mo nang gusto pasukin at matutupad na din ang dream mo maging doctor!" sabi nung isang maid at niyakap niya sila.

Nag-pray muna kami at tsaka kumain.

"Guys... mag-susummer na diba?" Biglang tanong ni Clarissa, "Oo naman... bakit?" tanong ni Miko, "Naisip ko kasi na bakit hindi tayo magbakasyon dun sa mansyon namin. Yung isang isla na pagmamay-ari namin?" dagdag niya habang niwa-wave niya ang kanyang fork na may nakatusok na karne, "Dun? Sige ba... Hindi pa namin napupuntahan yun diba?" sagot ni Miko. "Okay! So okay na ha... anyway, kung may plano man kayo isama si Sayuri at si Eduard, wala na akong reklamo dun kasi mga kaibigan ko kayo," pa-bitter niyang sabi, lalo na yung parte kung asan niya binanggit si Sayuri.

"Bakit ang bitter mo sa akin, Clarissa?" Tanong ni Eduard, "Pervert ka kasi. Ewan ko kay David, bakit kinaibigan ka pa niya." At tumawa na lang si David at ang iba sa kanila.

"So kailan yun? At kalian din matatapos?" Tanong ko, "Sa second week na ng May tapos uuwi din tayo pagdating first week ng April... okay ba yung one month vacation?" pa-sweet niyang sabi, "Cool! Why not?!" pa-cheer naming sagot.

Ba-bye muna drama at nandito na kami happiness.

Mukhang Masaya ito!





Murder HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon