Jimboy's POV
Jimboy:"Wish I may,wish I might find the way to your heart..wish that I'll be the sun to warm you all through your life..wish you may feel my love that is hidden from the stars..wish I may wish I might be the one.."(kanta ko..andito ako sa park ngayon..actually mula nung nagkausap kami ni bailey kaninang umaga dito nako tumambay..nasa guard house lang ako kanina para hindi nila ako makita..since madilim na lumabas nako I seated on a bench with my guitar..same guitar na pinangregalo ko kay Ysabel na binigay ni bailey..gusto ko sanang ako ang mag bigay nun pero hindi pwede eh..basta ang alam ko nageenjoy na sya ngayon sa concert with the barkada and bailey..binigay ko yung dapat sanang ticket ko sakanya para magtabi sila ni Ysabel eh..ibang iba ang saya ni bailey pag kasama sya kaya hindi ko sya matiis..kahit kailangan kong umiwas sa babaeng mahal ko para sa kapatid ko kakayanin ko..)
(bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ko dahil sa naisip ko..ang babaeng mahal ko..birthday nya ngayon pero hindi ko manlang sya nakita..hindi ko nabati..sobrang miss ko na sya pero para sa kapatid ko..kailangan kong tiisin..kaya pinunasan ko yung pisngi ko pero nagulat ako ng biglang..)
Voice:"andito ka lang pala hindi ka man lang nagpakita para bumati..kahit text o tawag wala..galit ka ba sakin?"(biglang singit na tanong ng isang pamilyar na boses..at halata sa boses nya na galing sya sa pag iyak..pero dapat nag sasaya sya ngayon eh..birthday nya dapat nasa concert sya ngayon..napalingon nalang ako..namuo agad ang mga luha sa mata ko ng makita ko sya..si Ysabel..ang nagiisang babaeng mahal ko..bukod sa pamilya ko..)
Jimboy:"b..bakit nandito ka?diba dapat nasa concert ka?nasan ang barkada?bakit umalis ka nanaman mag isa?baka hinahanap kana I'm sure nag aalala na sila sayo.."(sunodsunod ko namang sagot na tanong para umiwas sa tanong nya..)
Zonia:"bakit hindi ka pumunta?"(iwas rin nyang tanong kaya no choice nako..walang masasagot sa mga tanong namin pag hindi sumagot ang isa..)
Jimboy:"ahhmm..may importante lang akong nilakad..biglaan din kasi kaya hindi nako nakapagpaalam..tara na malamig Baka ubuhin ka.."(sagot ko nalang na hindi tumitingin sakanya..kinuha ko yung guitar bag ko at ipinasok ang gitara ko..para makaiwas ng tingin sakanya..ayokong makita syang malungkot o umiiyak eh..nasasaktan ako lalo..)
Zonia:"bakit hindi mo manlang ako binati? mas importante ba talaga yun para makalimutan mo kong batiin kahit sa text lang?tsaka promise natin walang ibang lakad diba?"(patampo pa nyang sagot..palapit sakin..I can hear her sub kaya alam kong umiiyak na sya just trying to hide..)
Jimboy:"ahhmm..biglaan nga kasi..sorry..andun naman ang barkada diba?si bailey nagustuhan mo ba yung regalo nya?nagpatulong kasi sya sakin eh..mabait naman yun..malambing,mapagmahal..tara hatid na kita sa inyo.."(iwas ko paring sagot sakanya..labag sa loob ko ang ginagawa ko pero kailangan eh..)
Zonia:"dahil ba sakanya kaya lumalayo ka sakin?"(bigla nyang tanong kaya nagulat din ako..hindi ko inasahan..ang nangyayari ngayon hindi ko napaghandaan..)
Jimboy:"tara na..mahamog na.."(patay malisya ko paring iwas na sagot..kinuha ko na yung isa ko pang bag sa may slide..pero)
Zonia:"pwede bang sagutin mo ko ng maayos..sagutin mo nang totoo jimboy..please lang..please.."(painis na nyang pakiusap kaya kinabahan ako bigla hindi sya pwedeng magalit eh o kahit anong sobrang emotion..)
Jimboy:"dahil kailangan.."(pakalma kong sagot ayoko syang labanan..emotional na sya eh..natatakot akong may masamang mangyari..)
Zonia:"bakit nga?ipaliwanag mo naman sakin..dahil naguguluhan nako..bakit kailangan mong lumayo?bakit kailangan mo syang itulak palapit sakin?"(umiiyak na talaga nyang sabi..nasasaktan nako sa nakikita ko..nasasaktan na sya ng sobra dahil sa ginagawa ko..)
Jimboy:"Ysabel dahil mahal ka ng kapatid ko..nasaktan na sya dati at muntik na syang mawala samin..kaya ayoko nang maulit pa yun..nangako ako sa sarili ko na kahit anong hilingin nya sakin ibibigay ko..kahit ano para sumaya lang sya..at ngayon ikaw ang nagpapasaya sakanya.."(sagot ko na..dahil ito ang gusto nya ang totoo..)
Zonia:"pero nangako karin sakin Jimboy..alam mong takot akong magmahal dahil takot din akong masaktan..kaya nga sinubukan kong pigilan eh..sinubukan kong kumapit..pero nangako ka na sasaluhin mo ko..kaya bumitaw ako..nagtiwala ako sayo..pero ngayon hinayaan mo lang akong bumagsak..ang sakit eh..sobrang sakit..pinaranas mo sakin yung kinatatakutan ko..ang pinaka masakit pa yung malaman kong wala akong Laban..kasi kapatid mo yun eh..ako..ni hindi ko alam kung ano ako sayo..sana hindi ka nalang nangako kung hindi mo kayang gawin..para hindi nalang ako nagtiwala na hindi mo ko sasaktan..wag mo nang uulitin toh ha..wag ka na ulit mag papaasa at mangangako kung hindi mo kayang panindigan dahil sobrang sakit..sobrang sakit.."(umiiyak na nyang sabi..saka tumakbo palayo..para akong binugbog at tinadtad ng saksak sa mga sinabi nya..sobrang sakit din para sakin na hindi sya maipaglaban..dahil sya ang unang babaeng minahal ko..pero hindi ko rin kayang saktan ang kapatid ko..)
(Dahil sa nararamdaman ko nasuntok ko nalang ang puno na nasa harap ko..kasabay ng lahat ng sakit nararamdaman ko ngayon..hanggang sa mapagod na ko at mapaupo nalang kita at ramdam ko ang mga sugat at dugo sa kamay ko pero wala na kong nararamdamang mas sasakit pa sa nangyayari ngayon..hindi ko na alam ang gagawin ko..)
Jimboy:"IM SORRYYYYYY..IM SORRYYYYYY..HINDI KO SINASADYA..IM SORRY..sorry Ysabel..sorry.."(nasigaw ko nalang kasabay ng mga luhang mabilis na tumulo mula sa mga mata ko..iniyak ko nalang ang lahat sabay sambunot sa buhok ko..hindi ko na alam kung anong tama..kung anong dapat kong gawin..gulong-gulo na ang utak ko..hindi ko na alam..)
Sinubukan ko syang habulin pauwi pero hindi ko na sya nakita..pumasok ako sa bahay nakita ko si bailey sa may garden with a bottle of..
Jimboy:"bailey may..ano yan?wine?kailan kapa natutong uminom?diba bawal ka dito?"(seryoso kong saway sakanya just then I realized his crying pagharap nya sakin..)
Bailey:"kuya ayaw nya sakin..hindi nya ko magugustuhan..hindi nya ko kayang mahalin..dahil sayo..hindi nya ko kayang mahalin dahil ikaw ang gusto nya.."(pasumbat nyang sagot..ramdam kong may galit sya sakin..may narinig din akong sasakyan na huminto sa harap pero hindi ko na pinansin..)
Jimboy:"hindi totoo yan.."(nasagot ko nalang pakalma sakanya..baka mapahamak ulit sya eh..)
Bailey:"no..that's true..inamin nya sakin hindi nya kayang turuan ang puso nyang magkagusto sa iba..dahil meron na..at ikaw yun..ikaw..talo nanaman ako..hindi ko alam bakit laging sayo nagkakagusto ang mga babaeng minamahal ko.."(sumbat pa nya kaya nainis narin ako ngayon lang nya ako nasagot ng ganito eh..)
Jimboy:"hindi ko kasalanan yun..hindi ko ginustong mangyari yun.."(ganti ko pa..)
Bailey:"yun na nga eh..wala kang kasalanan..hindi mo ginusto pero yun lagi ang nangyayari..dahil nandyan ka..and until your existing hindi ko makukuha ang gusto ko.."(sagot naman nya kaya nag init na ang dugo ko at nasapak ko sya..)
Voice:"jimboy.."(saway ni kuya kenzo kasama sila claire..inalalayan agad nila si bailey patayo..)
Jimboy:"mula ng dumating kayo ginagawa ko lahat ng makakaya ko para lang mapagbigyan ang mga gusto mo..kahit anong hilingin mo binibigay ko bailey kahit ano..ngayon ko lang ginustong mapagbigyan yung sarili kong sumaya..na makuha yung gusto ko ang makasama ang babaeng mahal ko..pero sinuko ko parin dahil ginusto mo sya.."(dagdag ko pa..hindi ko na napigilang tumulo ulit yung mga luha ko..)
Bailey:"I asked you if you love her..pero hindi mo sinabi.."(kontra pa nya..)
Jimboy:"dahil alam kong gusto mo sya..at ayokong masaktan ka..ayokong maulit yung nangyari sayo dati dahil natatakot akong mawala ka..mas gugustuhin ko pang lumayo sakanya para mapagbigyan ka dahil kapatid kita..oo mahal ko sya pero kakalimutan ko yun para sayo dahil mas mahal kita..ngayon kung kasalanan ko parin..sorry..at kung nasasaktan ka ngayon dahil hindi ka nya gusto..mas nasasaktan ako dahil nakikita kong nasasaktan kayong dalawa dahil sa ginawa ko..wag kang mag alala lalayo na ko para hindi nako mag mukhang mang aagaw sayo.."(dahilan ko nalang..saka umalis hindi ko alam kung saan ako pupunta..basta pinaandar ko na yung motor ko at umalis..tuloy tuloy lang ang patak ng mga luha ko..ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganitong sakit..para akong namatayan ulit..nakita kong bukas pa yung gate sa Eco Park kaya nag parking ako at pumasok sa loob..dumiresto ako sa may ilog..duon ko nilabas lahat ng nararamdaman ko..lahat ng sakit..at inis sa sarili dahil sa mga maling desisyon ko..sana pinaglaban ko nalang sya..sana hindi kami nasasaktan ngayon..sana wala kaming problema ngayon..sana maayos ko pa ang lahat..sana mapatawad pa nya ako..sana mahal nya parin ako..)
BINABASA MO ANG
When I Met You
FanfictionLife might have full of surprises.. mostly is UNEXPECTED.. will you be ready to accept it?