*3*

55 6 0
                                    


Tila bombang sumabog sa pandinig ni Jeana ang narinig mula sa pinaka-matalik na kaibigan. Biglang nanlambot ang kanyang mga tuhod at napaluhod siya sa tapat ng pinto.

"My father wasn't capable yet to go abroad. Malaki ang problema ng Tropical Tower sa New York, Jei." Nahihirapan ang loob na pahayag ng binata kay Jeana.

Idinikit ni Jeana ang ulo sa dahon ng pinto. "Y-You lied to me, Chase! You lied to me." Umiiyak na sabi ng dalaga.

Hindi niya maimagine ang nalalapit na pagkakalayo nila ng kaibigan, ng lalaking tanging inalagaan niya ng buong puso.

"I know. And I'm sorry." Dahil sa narinig ay lalong humagulgol ang dalaga dahilan upang mapamura ang binata. "God! This is so hard for me. Hindi kita gustong iwan, Jei. I swear to God, I don't want to leave. But I have to." bakas ang paghihirap sa tinig ng binata.

Ngunit masama ang loob ng dalaga para makinig sa mga paliwanag ng binata. Ngayon pa lang ay nararamdaman na niya ang pag-iisa.

"Umalis ka na, Chase." mahinahon ang tinig ng dalaga ngunit naroroon ang sakit at pagdaramdam.

"No!" Kinalampag nito ang kanyang pintuan. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo binubuksan ang pinto. Please, Jeana. Mag-usap tayo."

"Sumira ka sa pangako mo, Chase. Pero, sino ba ako, 'di ba? Sabi ko na nga ba iiwan mo rin ako. Dapat nanatili na lang akong---"

"What the fuck, Jei!" Narinig ng dalaga ang paghampas nito sa pader. "Fine! You don't want to talk to me, then don't! Just don't talk some trash!" galit na sita nito sa dalaga.

"Pero 'yun ang totoo, Chase! Kung hindi ko hinayaan ang sarili ko na mapalapit uli sa mga tao, h-hindi ako masasaktan ng ganito. Y-You promised..." nabasag ang tinig na sambit ng dalaga.

"That's why I don't want to make any promises this time. Masaya ako dahil nakilala kita, Jei. Isa ka sa mga pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Hindi kita gustong saktan sa pag-alis kong ito at ayokong maghiwalay tayo ng ganito." samo ni Chase sa dalaga.

Ngunit hindi na sumagot pa si Jeana. Narinig na lang niya ang mabibigat na papalayong hakbang ng kaibigan. Maghapon at magdamag iniyakan ni Jeana ang nalalapit na pag-alis ni Chase.

******

Four days later...

Hindi mapakali si Jeana. She was about to say farewell to Chase. Aaminin rin niya sa binata na naging unfair siya. At na hindi na siya galit dito.

Kadarating lang niya sa Lé Jazz at wala pang gaanong tao. Tiningnan niya ang orasan na nasa bisig. Alas singko.

"Napaaga ako." Kausap niya sa sarili.

Nakita niya sa isang gilid ng entablado ang bandang tutugtog sa gabing iyon. They are setting up their equipments para sa gabing iyon. Sumaludo ang mga ito pagkakita sa kanya at sinagot niya ang mga ito ng isang matamis na ngiti bilang tugon.

"Jeana, nasa loob ng opisina si Sir Chase at mukhang hinihintay ka niya." Salubong na imporma sa kanya ni Lori, ang isa sa mga barista nila at sunod kay Chase bilang matalik niyang kaibigan.

Atubili siyang tumango. "Salamat, Lori."

"Once and for all, Jei. Kausapin mo na siya. Nahihirapan din naman 'yung tao. Hindi lang naman ikaw. Kumpara sa'ting dalawa. Hindi biro ang pinagsamahan ninyo." Dagdag na sabi ng kaibigan.

"S-Sige. Pupuntahan ko lang siya. Ikaw na muna ang bahala dito, kung okay lang?"

"But, of course!" Maarteng sagot ni Lori na ikinangiti niya. At dahil doon ay nabawasan ng kaunti ang lungkot na lumulukob sa pagkatao niya.

Tatlong mahihinang katok at marahang pinihit pabukas ni Jeana ang pinto nang nagsisilbing opisina nila ni Chase sa Lé Jazz. Sapo ng dalawang kamay ang ulo na nag-angat ng tingin ang binata mula sa pagkakayuko.

He smiled. But, that smile didn't reached his weary eyes. Nakaramdam ng awa si Jeana sa nakitang anyo ng binata. Mukha itong walang tulog ng ilang araw.

"Anong ginawa mo sa sarili mo?!" Pagalit na sita ni Jeana rito. Tanging paraan upang mawala ang tensiyon sa pagitan nila.

"Bakit? Hindi na ba ako guwapo sa paningin mo?" Birong tanong ng binata.

"Patawa ang mamâ!" Sarkastikong komento ng dalaga. "Kumakain ka ba?" Kapagkuwa'y tanong nito.

Biglang sumeryoso ang ekspresyon ng binata. "Iyan ang isa sa mga mami-miss ko sa'yo, Jei. The way you care for me. The way you worry about me. Kung may choice lang ako, I won't ever leave your side." Bakas sa tono nito ang paghihirap.

"Chase..." Panimula ng dalaga sa nais talaga nitong sabihin. "Gusto kong humingi ng pasensiya sa inasal ko nung nakaraang araw. I'm sorry. Sa pagiging makasarili ko. I just realized na naging unfair ako sa'yo. Ako dapat ang unang taong iintindi sa'yo. You and your family gave me too much. Pagmamahal, suporta, respeto bilang tao. At utang ko sa pamilya mo kung saan at kung ano ako ngayon,"

"Jei, you don't need to---"

"No, Chase." Sansala ng dalaga sa anumang sasabihin ng binata. "Hayaan mo akong sabihin lahat ng nasa dibdib ko." Pagpapatuloy nito. "Mula nang mawala ang mga magulang ko, ikaw, si Manang Letty at ang mga magulang mo na ang tumayong pamilya ko. Bumalik sa normal ang takbo ng buhay ko dahil sa inyo. It breaks my heart to see you go pero alam ko na gagawin mo ito para sa pamilya mo. You love your family. At mahal ko rin sila. Nalulungkot ako sa nangyari kay Tito Edgardo. Sana ay manumbalik na ang lakas niya. Lagi ko iyong ipinagdarasal. At para sa pamilya mo ay gagawin ko rin ang lahat makatanaw lang ng utang na loob sa inyo." Suminghot ang dalaga. Ni hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya.

"Jei, hindi mo kailangan tumanaw ng utang-na-loob. My parents helped you because that's what they thought was right. At hindi sila nagkamali. Hindi kami nagkamali. You are such a great person. Inside out." Nasa tono ni Chase na proud ito para sa dalaga. Kung ano man ang narating nito ngayon.

"Do what is right, Chase. For your father. For your family. Ikaw lang ang maaasahan nila." Jeana said finally. Mabigat man sa loob niya ngunit alam niyang tama lang ang ginawa niya.

Nakita niya ang sandaling pagdaan ng sakit sa mga mata ng binata. Ngunit pinili niyang huwag na lang pansinin iyon. It will make her more sad.

"Please, Jei. Let's keep our communications open." Malungkot na samo ni Chase sa kanya.

Tumango ang dalaga. "May...May sasabihin pa ako Chase."

Nahalata nang binata ang panginginig ng boses ng dalaga. Tila kinakabahan ito sa anumang nais nitong sabihin sa kanya.

"Go on, babe," tugon ng binata.

"I love you." Mabilis na pahayag ng dalaga sabay yuko ng ulo upang itago ang mukha mula sa binata.

Chase was speechless for a while. At nang makahuma ay, "You know I love you too, Jei---"

"I love you like how a woman loves a man. Not a friendly one, Chase." matapang na dugtong ni Jeana. Sinalubong ang matamang pagtitig sa kanya ng binata.

Lumipas ang mahabang sandali ng pananahimik ay sumagot si Chase sa kanya. Ngunit mas pipiliin na lang niya na hindi na ito nagsalita pa.

"Thank you, Jei. For the love. But you deserved someone better."

**********

Hello lovelies!

If you liked my story, kindly please VOTE, COMMENT and SHARE...

Thank you!

Love lots,
Franz Alexa💋

Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon