*4*

53 2 0
                                    

5 years later...

"Jeana, phone call."

Tawag pansin ni Lori sa kanya nang eksaktong lumabas siya mula sa opisina niya. Kasalukuyan siyang nasa Lé Jazz nang araw na iyon upang pirmahan ang mga cheke para sa sahod ng mga empleyado ng naturang bar and resto.

"Sino raw?" walang anumang tanong niya. Normal na sa kanya na marami ang natatanggap na tawag lalo na at naroon siya sa Lé Jazz.

"Si Maan, iyong secretary mo." Pagbibigay impormasyon ni Lori sa kanya habang iniaabot ang mga napirmahang cheke rito.

Lori is already promoted as her secretary as she managed Lé Jazz Bar Lounge. Ito na ngayon ang nakatoka sa mga paperworks at sa payroll nang mga empleyado. Ngunit hindi pa rin nito kayang itigil ang hilig sa pagbabarista. Tatlong beses sa isang linggo ay nagdu-duty pa rin ito bilang barista.

"Oh! Sige. Susunod na ako. Salamat." Maikling tugon niya habang inaayos ang bag sa balikat.

Si Lori man ay inaayos na ang kanyang mga dadalhin sa bangko. Isasabay na niya ito at idadaan sa bangko bago siya magpunta sa event's place na pag-aari niya. Yes, may sariling business na siya. She managed to build and established her own business in a span of three years. Pinangalanan niya itong Blue Rose Fab Functions.

Mula nung umalis si Chase ay ginugol niya ang mga oras sa pamamahala sa negosyong iniwan nito sa kanya. Ang Lé Jazz Bar Lounge. Ayaw niyang biguin ang kaibigan.

Hindi siya nakalimutan ni Chase. Every occasions ay may regalo ito sa kanya. Simple things. Dahil alam nito na hindi niya tatanggapin ang anumang mga mamahaling bagay. He still managed to make her happy in every simple things he does.

Noong pinaplano pa lang niya ang negosyong nais niyang simulan ay ito ang unang taong nagmo-motivate sa kanya. Ito rin ang nagkusa na magbigay ng kapital na gagamitin niya. Yes, magbigay. But, of course, knowing Jeana, hindi niya tatanggapin iyon so tinanggap nito ang tulong bilang "utang" niya sa binata.

"I am not stopping you, Jei. In fact, I want to support you. All the way. Kailangan  mong ma-expose. And you have to spread your wings and fly, so they say." Naaalala niyang sabi ng kaibigan sa kanya.

And so, she made it. Established ang negosyo niya. Kilala na ang pangalan nito. Thanks to those who supported her throughout her journey sa pagbuo ng pangarap niyang magkaroon ng sariling negosyo. Lalo na kay Chase at sa pamilya nito, who remained close to her. Hindi nagbago ang trato nila sa kanya sa paglipas ng mga taon. Kung kaya kahit may sariling negosyo na siya ay hindi niya pa rin pinapabayaan ang negosyong iniwan ni Chase sa pamamahala niya.

Nalulungkot nga lang ang dalaga. Noon, madalas ang tawagan nila sa telepono. But, things get a little bit harder to Chase in the US. Nagkaroon ng problema ang kompanya roon. Kinailangang tutukan ang pamamalakad. Sa hinala nito ay may nagta-traydor sa loob ng kompanya. So, he had to focus. Hanggang sa dumalang ang pag-uusap nila.

Ngayon ay mahigit isang taon na silang hindi nag-uusap. The last time they talked was when Chase had to go to different countries to talk to some investors. Kailangan niya iyon dahil malaking pera ang nawala sa kanilang kompanya. Kailangan niyang ibangon muli ito. And he had to make investigations if it was really an inside job. Mananagot ang mga dapat managot.

Sinagot niya ang telephone call na galing sa kanyang sekretarya sa Blue Rose Fab Functions. Maan told her na may new applicant para sa posisyong kailangan niya. Isang wedding organizer. Sinabihan niya ito na huwag nang paalisin ang aplikante at pabalik na siya sa opisina niya. I-interview-hin na rin ito kaagad.

Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon