The next day, Jeana and Patrick are having discussions about their pending appointments. Matututukan na niya ng maigi iyon dahil may makakatulong na siya. On hand siya pagdating sa trabaho. She was not just the boss. She also do the job. Probably because she wasn't used to boss around. At gusto din niya na may personal touch niya ang trabahong ginagawa. In that way, she could feel her achievements even with the simple things.
"Let's just use my car." Patrick volunteered pagkatapos ng pag-uusap nila.
Tumango siya bilang sagot. They talked about their plans for a garden wedding. Doon sila patungo sa araw na iyon.
They're on their way nang mag-ring ang cellphone ng dalaga. She opened her bag to get her phone but she opened the wrong pocket. Her phone kept ringing. Dalawa ang gamit niyang mobile phones. One is for business purposes and the other one is for personal use. At ang nagri-ring ay ang gamit niya for personal use. She knew because she set that up upang hindi siya malito to which is which. Kinalkal niya ang bag at nang makita ang cellphone ay mabilis niyang sinagot ito.
"Yes, he---" hindi pa niya natatapos ang sasabihin ay mabilis nang nagsalita ang nasa kabilang linya.
"Thank God sumagot ka, hija!" eksaheradang bulalas nang nasa kabilang linya. None other than Mrs. Dalia Acebron---Chase's mother. She sounds frantic kaya medyo nag-alala ang dalaga.
"Tita, calm down. May nangyari po ba? Okay lang po ba kayo?" may pag-aalalang tanong niya sa matandang ginang na naging ina na sa kanya mula nang mamatay ang kanyang mga magulang.
Bumuntong-hininga ang kausap ng dalaga na nasa kabilang linya. "Yes, hija. Sorry for that. I guess I am okay now. Better than okay actually."
Jeana was puzzled. Tila may nais pang sabihin ang matanda sa kanya. "Sigurado po kayo?"
"Yes. A hundred percent. Well, anyway, where are you now? Can you come over here at the lounge?" May lambing na sabi ni Dalia sa dalaga.
"Oh! Is it urgent, Tita? I am on my way to Bulacan now. May ise-set up po kaming isang garden wedding." tinatantiya ni Jeana ang mga sasabihin dahil ayaw niyang magtampo ang matandang babae sa kanya.
"Hmm... A garden wedding. Your dream wedding." sambit nito. Jeana was surprised to know na naaalala pa nang matanda kung ano ang dream wedding niya. "Can't you drop by kahit saglit lang, hija?" patuloy ng matanda.
Tiningnan ni Jeana ang relong pambisig. Mahaba pa naman ang oras niya. Inagahan talaga niya ang lakad nila sa hindi malamang dahilan. Maybe because this will happen. Madalang lamang maglambing sa kanya ang ina ng kababata. Lumingon sa kanya si Patrick na siyang may hawak ng manibela. Eksaktong nag-stop sign ang traffic light.
"Problem, dear?" kunot ang noong tanong sa kanya ni Patrick. They get comfortable with each other already sa unang araw ng pagkakakilala nila. And that was just yesterday.
"Something came up. Pero saglit lang iyon. Kung okay lang sa'yo na mauna na sa venue, then susunod na lang ako. Pasensiya na." she said with an apologetic tone.
"Hindi pa naman tayo nakakalabas ng Manila, so, I think sasamahan na kita. And don't apologize. You're the boss here." Patrick grinned.
"Hindi ko ipinagyayabang ang posisyon ko, ha!" she faked an angry face.
"I know. Ikaw ang pinaka-best na boss sa mundo!" pambobola nito sa dalaga.
Pabirong umismid ang dalaga. "Sure ka?"
Nag-thumbs up sign pa ito bago sumagot. "Positive, boss!" then maneuvered the car back.
Mabuti na lang at hindi bawal ang mag-U turn sa way na iyon kaya madali na silang nakaikot. Maalam si Patrick sa pasikot-sikot kaya hindi nahirapan ang dalaga na ituro ang lokasyon ng bar bukod pa sa mayroong GPS installed device ang sasakyan ni Patrick.
BINABASA MO ANG
Still The One
General FictionLove and friendship. Chase Acebron is Jeana's bestfriend. He's also her long lost love. He went to the US to take-over their family business and Jeana was left with memories. Ni hindi man lang niya na-ipaalam sa binata ang kanyang nararamdaman. Year...