Rumors

182 5 3
                                    

----->picture ni Jude

CHAPTER 7

Jude's POV

Narito ako sa parang mini park ng school nakahiga sa damuhan at sinisilayan ang asul na kalangitan napa-aga ang pasok ko ngayon kalahating oras pa bago magsimula ang klase ko...

Ipinikit ko ang aking mata at dinadama ang hampas ng hangin sa mukha ko napangiti na lang ako dahil sa lamig na dulot nito.Nagulat na lamang ako ng isang malambot na bagay ang dumampi sa aking labi idinilat ko ang aking mata ano bang pangalan nito Julia? Anna? Maria? Jenny? Magdalena? Tsk ewan-____-

"Hi Babe!"-bati ko sa kaniya tsaka ko siya hinalikan sa kaniyang labi di ko talaga matandaan pangalan nito kahapon lang kasi naging kami oo kahapon lang tapos nakalimutan ko na kagad

"Na-miss kita Babe kahit kahapon lang nag-kita tayo-3-"-paglalambing pa nito haha mga babae talaga daming drama sa buhay

"Miss na miss din kita Julia Babes!!!"-hahalikan ko sana siya ulit ng bigla niya kong hampasin ang sakit kaya

"Walang hiya ka!Anong Julia ka diyan?Amelia ang pangalan ko sino si julia ha babae mo ba yun ha? ha?"-galit na galit na sabi niya magkatunog naman ha julia tsaka amelia tsk tsk arte

"Ano ka ba naman Babe pinag samang pangalan natin yun,tignan mo ha yung Ju galing sa Jude yung Lia naman galing sa Amelia di ba, ikaw talaga napaka selosa mo!"-pang uuto ko pa sa kaniya gumana ka gumana ka

"Talaga??bakit bigla mo naman naisip pagsamahin yung names natin?"-mahinahong tanong niya

"Hmmn.bago ka kasi dumating kanina iniisip ko yung magiging future natin kung ano ipapangalan natin kapag nagka baby na tayo kaya siguro bigla ko na lang nabanggit yung Julia hehehe"-ang hirap palang gumawa ng kuwento lalo na pag on the spot

"Ikaw talaga bakit kagad yun ang iniisip mo e bata pa naman tayo?"-daming tanong letse hihiwalayan ko na to e

"Wala lang gusto ko lang"-sagot ko tsaka ko siya niyakap

"Babe can I ask you something about Tyler?he's your friend naman diba?"-tanong niya langya pati ba naman siya naakit na ng gunggong na yun e mas gwapo naman ako dun e

"Di ka pa ba kuntento sa kagwapuhan ko babe bat pati kaibigan ko pinag iinteresan mo na?"-pag iinaarte ko

"Haha ang cute mo!hindi may nabalitaan lang kasi ako about sa kaniya at kay Rain"-sabi niya at pinisil pa ang pisngi ko

"Babe gwapo ako okay hindi cute!so ano ung nabalitaan mo?"-tanong ko...baka mamaya nag away na naman yung dalawa

"Hahaha ikaw talaga!kasi ganito yun may kumakalat na sila na daw totoo ba?close naman kayo wala ba siyang sinasabi sayo about sa kanila ni Rain?"-sunod sunod na usisa niya pa ni hindi ko nga alam na may kumakalat na palang ganiyang balita tapos sakin pa siya magtatanong

"Wala siyang sinasabi sakin e tsaka pano naman nila nasabing may relasyon yung dalawa?"-tanong ko kasi parang di kapani paniwala kahapon lang e nag aaway yung dalawang yun magpapatayan na nga yata

"Ano ka ba naman babe kalat na kaya sa social media yung pictures nila together ah ito look at this!"-sabi niya at tinapat sa mukha ko yung cellphone niya kinuha ko naman ito...

Yung unang picture e nasa isang coffee shop sila at nagsu subuan at yung isa naman e sa parking lot at teka naghahalikan ba sila??

"Ahm babe una na ko ha start na kasi ng klase ko e see you later bye"-tumayo na ko tsaka humalik sa pisngi niya sabay takbo papuntang room kakausapin ko si Tyler

When The Populars CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon