Drunk

123 4 4
                                    

-----> Neon

CHAPTER 10

Tyler's POV

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan para sundan siya. Mula nung lumabas siya kanina sa libary habang umiiyak di na ko mapakali parang sa tingin koy isa ako sa dahilan kung bakit siya nagkaganon. Nakayuko siyang naglalakad tila ba may napakalalim na iniisip. Ang bagay pa na nakapagpabagabag sa akin ay patuloy pa rin siyang tumatangis kakaiba para sa akin ang makita siya sa ganong kalagayan nasanay kasi akong  lagi niyang ipinapakita kung gano siya katapang.

Nakasunod lamang ako pinagmamasdan ang bawat galaw niya pati yata ang paghakbang ng mga paa niya ay kabisado ko na kung ano ang nauuna. Hindi niya yata namalayang nakalabas na siya ng eskwelahan nagulat ako ng di man lang siya sinita ng guwardiya malamang kasi may klase na ng ganitong oras. Agad namang may huminto na taxi sa kaniyang harap wala sa sariling binuksan niya ang pintuan niyon, napatakbo naman ako ng mabilis ng akmang aandar na ito kinalampag ko ang harap upang huminto at agarang sumakay sa may tabi ng driver. Napatingin ako kay Rain na mukhang hindi man lang ako napansin.

"Saan ho kayo Ser?" tanong nung driver sa akin muli akong napasulyap sa babaeng tulala sa likod tsaka muling ibinaling kay kuya

"Kung saan po siya pupunta dun na rin po ako" nagtataka man ay tumango na lang si kuyang driver sa aking sinabi

Ilang sandali lamang ay nakarating kami sa isang sikat na restobar. Hindi ko maintindihan kung bakit niya naisipang dito pumunta. Nagugutom ba siya?

"Mam at Ser nandito na po tayo" napatingin si Rain sa labas at tsaka walang ganang bumaba tumigil na siya sa pagluha na siya namang ikinagaan ng loob ko pero nakikita ko pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata

"Teka Mam yung bayad niyo po!" lalabas na sana si kuya para habulin si Rain kaya naman hinawakan ko ang braso niya na naging dahilan upang siyay mapahinto

"Ako na kuya ang magbabayad ng pamasahe niya" inabutan ko siya ng isang libo balak pa sana niya kong suklian pero sabi ko wag na dahil baka mawala sa paningin ko si Rain. Nang makababa ako agad akong pumasok sa loob dun ko siya natagpuang nakaupo sa stool umiinom? ng ganito kaaga?

Umupo ako malapit sa kaniya baka kasi kapag tinabihan ko siya ay di niya magustuhan. Nakatitig lang yung lalaking waiter sa kaniya parang nagtataka rin kung bakit umagang umaga ay umiinom ang babaeng to. Tinawag ko yung waiter at umorder ng juice, habang hinihintay ang order ko pasimple ko muna siyang tinignan mukha siyang problemado sa buhay

-------------------------------------------

Inabot na kami ng gabi sa restobar dumarami na ang mga customer dito sa loob sobra ng crowded. Sa ilang oras na namalagi kami rito wala siyang ibang ginawa kundi ang uminom, tapos saglit na matutulala. Halos mangawit naman ang leeg ko kakalingon sa kaniya, nagsimula ng mag-ingay ang mga tao lahat silay nagtitipon na sa gitna upang magsayaw.

"Hey miss!" isang mestisong lalaki ang biglang tumabi kay Rain at una pa lang alam ko na kung anong pakay niya. Napatiim ang aking bagang naiinis ako sa mga tulad niya kaya nga minsan gusto ko na lang sapakin si Jude dahil isa rin yung dakilang malandi. Nanatili ako sa aking upuan at nagmatyag sa galaw nung lalaki

"Hey!" nakangsing bati pabalik ni Rain nahuhulog na ang talukap ng kaniyang mga mata marahil sa sobrang kalasingan hanga rin ako sa tibay niya sa pag-inom ng alak inabot pa kami ng gabi bago siya malasing

"Are you alone?" tanong ng lalaki habang umaakyat ang kamay niya papunta sa bewang ni Rain

"Nope, kasama ko yung imaginary friend ko" tapos ngumiti siya ng nakakaloko, napangisi na lang ako sa sagot niya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When The Populars CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon