----->picture ni Rain
CHAPTER 3
Rain's POV
Narito kami ngayon sa room nakatambay wala pa kasi yung prof. namin para sa unang subject.Nasa tabi ko si chloe at kanina pa siya kwento ng kwento about sa nangyari kahapon sa cafeteria para namang di kami magkakasama kahapon tss. ipinikit ko na lang ang aking mga mata at di na lang siya pinansin
Isang nakakarinding tilian ang bumasag sa aking katahimikan,ipinukol ko ang aking paningin sa limang lalaking pumapasok lalo na kay tyler yung pinatid ko kahapon agad namang kumunot ang noo niya pagkakita niya pa lang sa akin.Nagtataka ako kung bakit bigla na lang niya tinitigan ang mga paa ko akala niya siguro gagawin ko ulit yung pagpatid ko sa kanya..
"wag kang mag alala di kita papatirin"-nakangising sabi ko ngunit di man lang niya ko pinansin at nag tuloy tuloy lang sa kanyang upuan na katapat ko lang rin.Napansin kong napakaraming estudyanteng babae ang nakasilip sa bintana at tila kinikilig pa ang ilan sa mga ito sinundan ko naman kong san sila nakatingin, ah dun pala sa lima sikat na rin pala tong mga to ang bilis lang di ko namalayang napatitig na pala ako sa kanila at liningon naman ako bigla ni tyler
"akala mo siguro kayo lang ang pwedeng sumikat dito ano?"-pagmamayabang pa nito sakin
"hindi ko kailangan ng kasikatang ipinagmamalaki mo sikat man ako o hindi wala akong pakialam"-sagot ko sa kanya at umiling iling pa siya at parang di makapaniwala sa sinagot ko
"ano yan pa humble effect?yan na ba ang bago ngayon rain?"-di na ko nagulat ng banggitin niya ang pangalan ko sa kanya na mismo nanggaling na sikat kami rito kaya malamang marami na silang nalalaman tungkol sa amin
"bahala ka kung ano ang gusto mong isipin TYLER"-ipinamukha ko talagang alam ko rin ang pangalan niya,dumating naman bigla yung prof kayat natigil ang usapan namin at nakinig na lamang naging maganda naman ang naging daloy ng aming klase at wala naman masiyadong kakaibang nangyari.
Sa ikalawang subject ko nagkaroon kami ng gawain at medyo pinagpawisan ako balak kong pumunta ng locker para magpalit nanglalagkit na kasi ako may mga extra naman akong mga damit doon,breaktime rin kasi ang kasunod nito kaya ok lang kahit magtagal ako ng unti bigla namang nag vibrate yung phone ko
From;Xeira
oi babae nasan ka na?
To;Xeira
mauna na kayo sa cafeteria magpapalit pa ko ng damit.
From;Xeira
ok antayin ka na lang namin dun
ibinulsa ko na ulit yung phone ko at dumiretso na sa locker ko at binuksan ito..
*BOOOOGSH*
F^CK!!!pagkabukas na pagkabukas ko sumalubong sakin ang sandamakmak na harina at sumaboy ito sa mukha ko maubo ubo akong tumingin sa mga estudyanteng nasa paligid may mga ilang pilit itinatago ang pagtawa nila at mayroon pang mga humahagikhik argggggh-_-
"anong nakakatawa?"-inis na sigaw ko sa kanila at nagsipagtigil naman sila sa pagtawa maliban lang sa lalaking nakasandal sa kabilang side ng locker..
"Pfft...BWAHAHAHAHAHA!!!"-malakas na tawa pa nito langya gumaganti ang p^ta..
tama kayo ng iniisip si tyler ang lalaking walang humpay ang pagtawa agad ko naman siyang nilapitan
"sabihin mo sakin ikaw ba ang may kagagawan nun?"-taas kilay na tanong ko naiinis na talaga ako
"oi hahah grabe ka hahah ang judgemental mo hahaha tumatawa lang ako na kagad patawa ka hahah"-sabi niya pa habang tawa ng tawa what the heck
BINABASA MO ANG
When The Populars Collide
Novela JuvenilYou don't need to be serious all the time. All you need to do is to laugh and be happy. Face your Fears. Live your Dreams. 'Cause everyone deserves to be happy.... even us