Chapter 2

83 6 1
                                    

"Hi! I'm Renzo! Ang sabi ni Mama, ikaw daw ang makakapareha ko sa pageant na kapalit ni Beatrice."

Tinig ng isang lalaking nagpapakilala sa harap ko habang nasa canteen ako na kumakain. Kung bakit naman kasi mag isa ako sa oras na yun. Ang tatlong kaibigan k0ng lukaret ay wala sa mga oras na yun.

"Oh.. hi! Ahm, umupo ka." Yaya ko sakanya sa pa-shy effect ko.

"Mag isa ka yata?" Tanong niya.

"Halata ba? Kumain ka na ba?"

"I'm done! Dito rin ako kumain,katatapos ko lang nung mapansin k0ng andito ka din." Wika niya.

Ah,teka. Paano naman nya ako nakilala? Gayong ngay0n pa lang kami nagmeet in person.

"Paano mo ako nakilala? Ngayon lang naman tayo nagkita."

"Pinakita ni Mama sa akin ang larawan mo. Ang ganda mo nga sa picture na yun eh, at ngayon ko lang napatunayan na mas maganda ka pala in person."

"Naku, nambola ka pa ha. Gutom ka pa yata." Biro ko.

"Hahaha! You know what? I like you. Mukhang tama nga si Mama. Joker ka."

"Sus! Yun lang ba sinabi ng mama mo? Parang may kulang eh."

"Actually meron pa. Sinabi pa niya na cool ka daw at malambing. Pwede ka bang maging malambing sa akin? O0ops, pwera na lang kung may boyfriend ka na."

Ngumiti lang ako at di sinagot ang sinabi nyang yun.

"So, tama ako na may boyfriend ka na."
Dugt0ng nyang sabi. Pabiro ko na lang siyang sinagot.

"Sa ganda kong ito sa palagay mo wala ak0ng boyfriend?"

"Eh, di tama ako. Hindi pa naman huli ang lahat, Faye. Malay mo, isang araw ay hindi na pala kayo. Tapos tayo pala ang para sa isa't isa. Hehehe."

"Assuming ka masyado ha. Change topic na nga. Kailan mo ba ako tuturuan?"

"Ngayon na. Pero okay lang ba kung sa bahay tayo magpraktis?"

"Sige. Wala din namang pasok bukas kaya pwede mo akong turuan maghapon."

"Okay. Tara na."

Isinama ako ni Renzo sa bahay nila, Admin. Nung una nahihiya akong pumasok sa bahay nila, may kaya ang pamilya ni Renzo. Sa isang subdivision iyon. May tatlong palapag ang kanilang bahay na napapaligiran ng maraming rosas. Mga tanim ito ng kanyang ina.

"Come in. Wag ka ng mahiya. Isipin mo na lang na dito ka din nakatira. Feel at home." Wika ni Renzo.

Pumasok ako sa loob at sala kami napadpad na dalawa. Maya maya'y nagpaalam siya. Maliligo daw siya saglit.

Inabala ko ang sarili ko sa pagtitingin ng album na naroroon. Sa dinami daming album na nasa ilalim ng mesa sa sala nila, hindi ko alam kung bakit naagaw ang pansin ko sa isang album na kulay pink. Unang pumasok sa isip ko na baka babae ang lamang larawan nun.

Binuklat ko ang album.
At tama nga ako.
Isang babae ang may ari nun.
Napakagandang babae.
Hitsura pa lang nung babae ay malalaman m0ng hindi siya purong pinoy.

Inisa-isa kong tinignan ang larawang napapalo0b sa pink na album na yun. Sa kahuli-huliang larawan nun natu0n ang aking paningin. Isang larawan ng babae at lalaking magkayap. Yung mukha ng lalaki ay parang pamilyar sa akin at hindi ko lang matandaan kung saan ko siya unang nakita.

Matapos ang kalahating oras ng aking paghihintay kay Renzo, lumapit sa akin ang isa nilang kawaksi. Inabot sa akin ang meryenda.
"Sorry for keeping you wait." Sabi ni Renzo.

"Hanging Bridge"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon