Last Chapter

92 6 6
                                    

Papunta na kami ng Baguio noon, Ms. Rhenzy nang tumawag si Gio kay Rus. Susunod daw siya sa amin.

Nakarating kami ng Baguio at naglagi kami roon ng halos dalawang araw kasama si Gio.
Okay na sana, masaya na sana, kaso hindi ganun ang nangyari, Ms. Rhenzy.
Matapos ang dalawang araw, pabalik na kami ng Manila ng asawa ko nang may hindi naming inaasahang mangyayari sa amin sa daan.

Isang aksidente na naging sanhi kung bakit dumilim ang mundo ko.

Nabangga kami ng isang truck na sumalubong sa amin.

Wala na akong maalala pa.
Nagising na lang akong madilim ang kapaligiran, walang tao, walang bagay, kahit anin0 wala akong makita. Tanging mga tinig ang aking naririnig sa mga sandaling iyon.

"Anong nangyari????"
"Nasaan kayo??"
"Hon?? Baby Fiona?? Ruj??"

"Bakit wala akong makita????"

Mga sun0d sunod kong tanong. Hndi ko narin matandaan kung an0ng oras na, kung anong petsa na, o araw na. Lahat nagbago simula nung pumasok ako sa madilim na mundo, Ms. Rhenzy.

"Hon, nandito ako sa tabi mo." Boses ng asawa ko ang aking nadidinig.

Parang naiiyak ang kanyang tinig.

Pilit kong kinapa ang kamay nyang nakahawak sa palad ko, ang mukha nyang may mga sugat at nakabenda pa.

Hindi ko siya nakikita, ngunit nadadama ko siya, naririnig ko siya, at nahahawakan ko siya. Madilim man ang mundo ko alam kong nandiyan siya sa tabi ko. Hndi nya ako iniwan, hndi niya ako pinabayaan, dun ko lubos na napatunayan na mahal na mahal ako ng asawa ko, Ms. Rhenzy.

Nakaligtas ang asawa ko sa aksidenteng yun, Ms. Rhenzy. Ako at si Gio ang higit na naapektuhan. Si Gio ang kasalukuyang nagmamaneho sa aming sasakyan noon, at kami naman ng asawa ko ay nasa back seat.

Nabulag ako dahil sa bubog ng basag na salamin na tumama sa mukha ko, samantalang si Gio ay naputulan ng dalawang paa. Masakit ang nangyari, halos madurog ang puso ko nang malaman kong binawian ng buhay si Gio matapos ang isang buwan niyang nasa I.C.U.

Hindi ko man lang nasilip ang bangkay niya. Paan0 ko naman makikita kung bulag ako di ba?

"Hon, kung nasaan man ngayon si Gio, alam kong masaya na siya." Naiiyak nitong sabi sa akin.

Ako naman ay napaiyak narin.

Isang buwan din ak0ng namuhay sa dilim, Ms. Rhenzy, bago kami nakahanap ng cornea donor.

Naoperahan uli ang mata ko, at unti unting na akong nakakakita n00n. Masakit mang isipin ang pagkawala ni Gio pero kailangan ko yung tanggapin.

Almost one year na din akong nakakakita n0on nang isang katotohanan ang aking nasaksihan.

Wala ang asawa ko sa mga sandaling yun, Ms. Rhenzy. Tumunog ang cp nito sa ibabaw ng mesa sa aming silid. Kinuha ko ang cp nito at may mensahe ito.
Hindi sa mensahe ko itinu0n ang aking paningin kundi sa Gallery niya. Wala sa isip kong pakialaman iyon. Ngunit sadyang malikot ang aking kamay, at sa Gallery ako napunta. May nakita akong naka-save na video. Nagkainterest akong pan0orin ito. Ngunit laking gulat ko sa aking nakita. Si Gio, na nasa I.C.U, naiyak ako sa aking napan0od, sa hitsura niya, sa mga sugat niya sa mukha, at sa pananalita niya.

"F-faye, sa oras n-a m-mapa-nood mo ito..gusto ko-ng magsorry sa la-hat ng nag-awaa kong pag-ku-kulang sayo. Alam ko, sa mga o-ras na ito ay naka-ka-kita k-ka na. Mahal na mahal kita, F-faye. Ngayong masaya ka na sa piling ng pinsan ko, masaya na rin ako para sayo... sana ipagdasal mo ako..salamat.."

Panay ang aking pag iyak matapos kong pan0orin ang maikling video ni Gio sa cp ni Rus.

Hindi ko namalayan ang biglang pagsulpot ni Rus sa aming silid.
"Hon..."

"Bakit di mo agad pinakita sa akin ito?" Tan0ng ko sa kanya.

"Sinadya ko yun, ipapakita ko naman talaga yan sayo, Faye, pag okay na yang mata m0. Kaso andiyan na, nakita m0 na. May dapat ka pang malaman maliban sa video.."

Pinaupo niya ako sa kama at isa isang isinalaysay ang lahat.

"Nagkausap pa kami ni Gio isang linggo bago siya binawian ng buhay. Nakiusap siya sa akin na kunan ko siya ng video at ipapan00d ko yun sayo pag nakakakita ka na. Inamin nya sa akin ang lahat pati ang damdamin nya sayo. Masakit para sa akin ang lahat ng inamin niya na hanggang ngayon mahal ka pa rin nya kahit asawa na kita. Sumunod siya ng Baguio upang sundan ka at inamin nyang may balak siyang agawin ka sa akin. Nang makita nya kung gaanu ka kasaya sa piling ko, narealise daw niya na ipaubaya ka na lng sa akin."

"Ang napano0d m0, pinilit lang niya akong kunan siya ng video. Nangako ako sa kanya na di kita pababayaan, di kita sasaktan at iiwan."

Patuloy parin ang aking paghikbi habang nakikinig ako sa asawa ko.

"Sobra ka nyang minahal, Faye. Kahit nag aagaw buhay na si Gio, ikaw pa din ang iniisip. Kaya nung malaman niyang nabulag ka, ang mga paningin niya ang iniwan sayo."

Kahit ang asawa ko ay humikbi na rin. Ultimo ako ay napalakas pa ang hikbi ko nang malaman kong mata ni Gio ang ginagamit ko.

Niyakap ako ng asawa ko.
Upang payapain ang aking sarili.
Nagpapasalamat ako ng sobra sobra dahil minsan sa buhay ko ay may isang Gio na nagbigay sa akin ng liwanag, liwanag ngunit wala ng Gio na aking masisilayan.

Dumadalaw kami sa puntod ni Gio sa twing magbabakasy0n kami ng
Pilipinas, Ms. Rhenzy.
Halos mapuno ng bulaklak ang puntod nya, pasasalamat ko na rin yun sa kabutihan at pgmamahal na inalay nya sa akin.

Ikinasal parin kami ni Rus dito Pilipinas year 2012, Ms. Rhenzy.
Simple lang ang aming kasal at mga piling bisita lamang ang imbitado.

Paminsan minsan pinapacheck up ko pa rin ang mga mata ko, minsan kasi sumasakit. Nagpapasalamat naman ako sa Pangin00n dahil sa mga ipinagkalo0b nya sa akin na bagong buhay. Pati narin sa pagkakaro0n ng mabuting asawa, guapo na, mapagmahal pa.hehe!

Ang dalawa namin anak, as usual, dalawa parin. Toink!
Masaya ang may karamay sa buhay, lalo na kapag pareho kayong nagmamahalan, nagdadamayan at lumalaban sa bawat ham0n ng buhay. Basta lagi nating tandaan, nasa itaas lang ang ating pangin0on, pag ikaw ay may kailangan, pag ikaw ay nahihirapan, lumuhod ka lang at manalig sa po0ng may kapal.

Hanggang sa muli.
Marami pong salamat.
Naway may aral po kayong napulot sa aking kwentong pag ibig.
Thank You, Ms. Rhenzy.

It's me, Faye from Boston.

---THE  END---

EDITED BY: Rhenzy
RECIEVED DATE: January 3,2013
POSTED DATE: Nov.15,2015 at Rhenzy page and wattpad.

"Hanging Bridge"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon