Chapter 6

76 4 0
                                    

Awang-awa ako kay Gio nang makita ko siya, Ms. Rhenzy. Gusto ko siyang yakapin. Pumayat siya at ang dating makisig nitong katawan ay wala na.

May sakit ba ito? Tanong ng aking isip.

"Hon, meet my cousin, si Giovan. Tol, asawa ko nga pala, si Faye." Pagpapakilala nya sa akin kay Gio, lingid sa kaalaman ng asawa ko na matagal ko ng kilala ang lalake. Isa pa, hindi ko alam na pinsan nya si Gio.

"Siya pala ang asawa m0, tol. Maganda. Sigurado akong mabait siya." Sabi ni Gio sabay tingin sa akin. Tinitigan ako ni Gio na para bang nagtatan0ng ang tingin niyang iyon.

"O0, tol. Naparito kami para imbitahan ka. Gaganapin kasi sa Manila ang aming church wedding. Pumunta ka Tol, para naman mameet mo din ang dalawang pamangkin mo." Ang tinutukoy nito ay ang dalawa naming anak.

Ako naman, hindi ako makaimik. Nanatili lang akong nakikinig sa kanila. Napansin naman ako ng asawa ko sa pananahimik kong iyon.

"Hon, natahimik ka? May dinaramdam ka ba?" Concern na tan0ng nya sa akin.

"Ah, wala, hon. Gutom lang siguro ako. May pagkain na ba? Ako na lang magluluto kung wala pa." Sagot ko. Pag iwas narin para makalayo kay Gio.

"Nakaluto na si Nanang. Ikaw na lang hinihintay namin ni Rus, Faye." Sagot ni Gio.

Inakbayan ako ni Rus patung0ng dinning area. Samantalang nasa likuran naman namin si Gio na kahit di ko nakikita ay alam kong nakatingin sa akin.

Habang nag uusap ang dalawang magpinsan sa hapag kainan, nakikinig lang ako. Panay ang sulyap sa akin ni Gio.

"Naalala mo pa ba yung hanging bridge na tagpuan nyo ni Betta noong high school pa tayo?" Tanong ni Gio kay Rus.

Napakunot no0 ako.
Sumagi sa isip ko ang hanging bridge kung saan kami nagkakilala ni Gio.

Naalala ko kung panu ako unang napadpad sa Hanging Bridge na iyon. Elementary pa lang ako n00n at High School naman si Gio.
Naglalakad ako pauwi ng bahay n0on nang may tatlong tao na nakatayo sa bridge, dalawang lalaki at isang babae.
Umiiyak ang babae habang kausap ang isang lalaki. Yung isang lalaki naman ay si Gio.

Naalala ko din kung paano sampalin ng babae ang kasama ni Gio. Tumakbo ang babae na siyang makakasalubong ko at nagkabanggaan kami. Natumba ako ngunit may isang kamay na humawak sa balakang ko, iyon si Gio. Tinignan ako nung kasama ni Gio na lalaki.

Nanariwa sa isip ko ang lahat nang nangyari sa hanging bridge. Napatingin ako sa asawa ko na nakatingin din pala sa akin. Naalala ko na kung saan kami unang nagkita ni Rus, kaya pala pamilyar sa akin ang mukha niya.

Nagsalita si Rus.
"Hon, naalala ko na kung bakit ka familiar sa akin." Sabi niya.

"O0, hon. Ako din, alam ko na." Sagot ko.

"Ikaw pala yun. Akalain m0ng sa Boston tayo pinagtagpo."

Sumabad naman si Gio. "Akala ko ba sa Uk ka nagtatrabaho, Faye?"

Curious naman na tumingin si Rus kay Gio.
"Dati sa Uk siya, tol. Pero lumipat sila ng Boston kasama ang boss niya." Sagot ni Rus.

Hindi na lang umimik si Gio.
Nauna itong tumayo at iniwan kami sa hapag kainan.

"Hon, matagal mo na bang kakilala ang pinsan ko?" Tan0ng ng asawa ko.

Oh-oh!

"Matapos ang nangyari sa Hanging Bridge, muli kaming nagkita ni Gio. Siya naghahatid sa akin sa school using his bike. Pag binubully ako ng mga kaklase ko, siya ang nagtatanggol sa akin. Magtatapos na ako ng elementary nang lumipat sila ng Manila. At hndi na kami nagkita pa. Lumipas ang maraming taon, nagkita kami uli. Yun yung namatay ang nanay ko. Dinamayan nya ako. Nakilala ko din ang gf niya. Ininvite pa nga ako sa party nila kaso di ako nakapunta dahil pabalik na ako ng Uk noon. Hndi ko alam na magpinsan kayo." Mahaba k0ng paliwanag. Sinabi ko ang lahat except yung nararamdaman ko kay Gio n0on.

"Small world. Hindi ka ba niya niligawan?" Tanong nya na parang may gustong ipahiwatig.

"Hndi. Bata pa kami n0on. At yung next na nagtagpo kami ay may gf siya." Sagot ko.

Matagal akong tinignan ng asawa ko, Ms. Rhenzy.

"Why?"

"Wala, hon. Gumayak ka na, pupunta na tayo ng Baguio." Sagot ng asawa ko.

Habang nag aayos ako ng gamit, may kumatok sa pintuan ng aming silid. Si Gio.

"Can we talk?" Si Gio.

"May dapat ba tayong pag usapan?" Sagot ko ng patan0ng din.

"Bakit ka pumunta ng Uk nang hndi man lang nagpapaalam sa akin? Ilang beses akong pabalik balik sa bahay nyo. Kung hndi pa sinabi ni tita beth na nakaalis ka na ay di ko pa malalaman."

"Gio, wala na akong time na magpaalam sayo kasi----"

"Kasi umiiwas ka! Umiiwas ka sa akin, tama ba?"

"An0 bang pinagsasabi mo? Nataon lang na ginanap ang party nyo sa araw ng pag alis ko."

"Hndi natuloy ang kasal namin ni Chelsea, Faye. Nung bumalik ka ng Uk, hinahanap na kita. Hndi ka nawala sa isip ko. Bago ang kasal namin ni Chelsea, nalaman kong may asawa siya sa Maynila. Sa nalaman kong iy0n, para akong nakawala sa kulungan. Iniwan niya ako nang mabuking ko siya.."

"Bakit mo sinasabi ito sa akin, Gio?"

"Dahil mahal kita. Ilang beses kitang tinan0ng kay tita beth, kahit number mo o address mo hndi niya maibigay sa akin. Nang malaman ko sa kanya na may asawa ka na parang sinibak na kahoy ang puso ko sa nalaman ko.." malungkot niyang saad.

"At heto, pinsan ko pala ang napangasawa mo. Bakit Faye? Bakit hndi mo ako hinintay?"

Nasa ganung eksena kami ng pumasok si Rus.
"Hon! Handa ka na ba?" Tanong niya sa akin na napatingin sa gawi ni Gio.

"Tol, andito ka pala." Si Rus.

"Nakikipagkwentuhan lang ako sa asawa mo, tol. Ang tagal din kasi naming di nagkita. Oh panu ba yan, Happy trip na lang. Magdala ka ng makapal na kasuotan, Faye, malamig sa Baguio ngayon."

"Salamat sa concern, tol." Sabay tapik sa balikat ni Gio.

"So, kita kits na lang tayo sa kasal nyo." Wika ni Gio.

"Asahan kita, tol. Alis na kami." Paalam ng asawa ko sa kanya. Ako naman simpleng ngiti lang. Malamlam ang mga mata nya habang nakatingin sa amin.

"Nanang, Gio, mauna na po kami." Paalam ko sa kanila.

"Agalwad kayo dita dalan ah." (Mag ingat kayo sa daan ha.) Sabi ni nanang.

"Opo. Salamat po." Sagot naman ni Rus.
Hndi na nagsalita pa si Gio hanggang makaalis na kami ng asawa ko patung0ng Baguio. Ngunit bago kami nagtuloy sa baguio, dinalaw muna namin ang nanay ko sa lugar kung saan sya nakalibing, sa Palina..

"Hanging Bridge"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon