Trace POV
Ang dilim. Mainit ang pakiramdam ko. Nagsisigawan at nagiiyakan. Ano to? Anong nangyayari? Lumapit ako sa nagkukumpulang tao sa isang hospital bed, at nakita ko ang duguang mukha ng best friend ko. Nanlamig ako bigla. Anong nangyari? Nakita ako ng isa sa mga kaanak nyang luhaan, at nabigla ako sa sinabi nya.
"Kasalanan mo to lahat!"
Napaupo ako at nagising bigla. Pawis na pawis ako at hinang-hina. Inilapat ko ang ulo ko sa mga kamay ko. Shit. Bumabalik na naman ang panaginip na yun. Kahit nakainom na ako para makatulog ng mahimbing. Fuck.
Bumangon na lang ako at pumasok sa CR. Maliligo na nga lang ako, para mawala ang hangover ko.
Bumaba na ako sa sala para kumain pero nadatnan ko si mama na nakaabang sa akin.
" At saan ka nanggaling kagabi Trace?" sigaw ni mama. Wow. Magandang bungad ah. " Alas tres ka na ng umaga umuwi!"
" Nagkayayaan lang ma. Medyo napasarap sa inom kaya naumagahan."" Aba, napapadalas ata ang paginom mo. Nakakasama na yan sa yo!" Pakshet naman ang aga aga sermon na naman?!
" Ma! Pwede ba wag ka sumigaw? Sumasakit ang ulo ko!"
" Wag mo kong pagsalitaan ng ganyan Trace! Wag mo akong sisihin dahil sa sobrang paginom yan! Kasalanan mo yan!"
" Ma, pagbigyan mo naman ako! Di na ako bata para bantayan pa, ok?"" Di bantayan? Di na bata?! Naalala mo ba si Greg? Di na yon bata pero namatay pa rin!" Bulyaw ni mama.
Pakshet lang. Nanginginig ako sa galit. " Wag na wag mong dalhin ang pangalan ni Greg sa usapan na to." Tumalikod na ako at lumabas ng bahay habang sigaw ng sigaw pa rin si mama.
Tch. Isang taon na ganito sa bahay. Palagi na lang sigawan at awayan. Ngayon lang ganyan si mama. Di naman yan ugaling bantayan kami eh. Pera lang ang inaatupag at napababayaan na kaming dalawang magkapatid. Kaya nga di na ako nananatili sa bahay pag gabi o kung andyan si mama, pati umaga. Parang boarder ako sa sarili naming bahay.
Napapunta ako dito sa plaza. Limited choices kasi ako kasi maliit lang ang bayan namin. Naupo na lang ako sa isang bench dito at nag headphones. Saan na man ba ako iinom mamaya? Araw araw na ito kasi bakasyon, walang magawa kundi uminom. 3rd year college na ako at nakapasok sa local University dito. IT major ako at consistent deans list. Kahit ano kong inom kasi malakas pa rin tong utak ko. Kaya nga kahit anong bulyaw sa akin ni mama eh may tatakbuhan akong rason, na di ko naman napababayaan yung pagaaral ko.Teka, ba't ang raming tao? Tsk. Sunday pala. Antae. Raming Kristyano. Di kasi ako naniniwala sa Diyos eh. Kahit Kristyano pa ang relihiyon ng birth certificate ko eh di ako gago para paniwalaan ang mga sinabi ng taong namatay na dalawang libong taon na ang nakalipas. Nadagdagan lang ang pagkasuklam ko sa Diyos nang mamatay yung bestfriend kong si Greg. Relihiyoso yun pero bestfriends kami. Ewan ko ba. Nung maaksidente sya last year, kitang kita ko yung pagdadasal ng mga kapamilya na na mabuhay sya at mapukaw sa coma nya. Ako, dinaan ko lang sa tiwala sa mga doctor. At kahit di ko man maamin sa sarili ko noon, I hoped na matupad rin ang mga dasal ng kapamilya ni Greg. Pero hindi eh. Namatay parin sya. Potek na Diyos yan.
Lumakad na lang ulit ako palayo sa plaza. Nababadtrip ako, di pa ako nakakain at parang kulang pa ang tulog ko. Pakshet. Dagdagan pa yung mga ala ala na to, nadadagdagan lang ang pagka bad trip ko. Shet yan. Gusto kong sumuntok pero ang aga pa, wala pang mga tagaibang bayan na nandito. Napaupo na ako sa harapan ng highschool sa malaking puno ng mangga dito. Napasandal ako at napapikit. Napakasakit ng ulo ko. Tinakpan ko na lang ang mga mata ko ng kamay ko dahil mataas na rin ang sikat ng araw. Nakikinig na lang ako sa music at nagpahinga. Unti unti na akong nawawala sa mundo ko. At tuluyang nakatulog.
Kaye POV
Ang ganda ng umaga! Di ko matigil ang matuwa at ngumiti. Nandito ngayon ako sa karatig bayan para sa two week immersion camp ng Church namin. Oo, Baptist ako at active sa mga activities ng church. President kasi ako ng mga young people dito eh, tapos auditor naman ng district congregation. Inoorganize ko yung mga delegates ng church namin dito sa pinakamalaking church ng bayan na halos katapat lang ng high school.
" Kaye! Andito ka pala!"
Napalingon ako sa tumawag. Si Lex, ang President ng district Congregation at taga rito sa bayan. Close friends kami.
BINABASA MO ANG
A Summertime Spark
RomanceNakaranas na ba kayo na magkaroon ng summertime sweetheart? O kahit summertime crush man lang? Yung tipong kakilala mo pa lang eh talo nyo pa yung couples na ilang taon nang nagmamahalan. Yung pagmamahal na akala mo magtatagal. This is such a stor...