Kaye POV
Habang tumatakbo ako papunta ng church, naiisip ko parin yung kayumangging emo na yun. Aba tawagin ba naman akong Muta? Ano yun? Ahhh! Sobrang frustrated ako dun ha. At di ko kaya nature na magpaapi. Usually meron akong retort na maibabato sa mga nanlalait sa akin. Pero kanina, wala. Blanko ang isip ko. Nabigla siguro ako kanina nung nakita ko sya. Gwapo eh. Ay shet. Bakit ganoon? Di naman sya yung usual face na nasasabihan ko ng gwapo. Ano ba tong naiisip ko! Siguradong namumula pa ako dahil sa hiya. Nandito na ako malapit sa church. Mukhang natapos na rin ang registration at tanging si Anna at si Lex ang nasa labas ng church. Nang nakita nila ako ay bakas sa mga mukha nila ang pagalala. Kasi naman eh, kung di lang sa emo na yun kanina pa ako nandito.
" Oh Kaye andyan ka lang pala. Asan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap." Nagalalang sabi ni Lex." Oo nga, kanina ka pa hinihintay nina pastor Jack. Di naman kasi makaumpisa pag wala yung Emcee diba?" sabi naman ni Anna.
" Oh my God sorry! Nakalimutan ko na emcee pa la ako ngayon!" At totoo naman yun, kasi kagabi lang ako sinabihan ng pastor namin. Yung emcee talaga dito napaos sa sobrang kakaraoke eh. Dahil naman daw magaling ako sa segway ay ako yung binigyan ni pastor Jack ng responsibility na magdala ng program. Kahit di ako sigurado ay tinanggap ko na lang. Makakatanggi pa ba ako? For the glory of God kaya to. Duh. Di baleng mapahiya basta sa ngalan nya.
Lumabas galing church si pastor Dale, yung overall coordinator ng camp. " Oh Kaye! Bakit ngayon ka lang? Magsastart na tayo ng program."
" Sorry pastor. Got a little sidetracked. Papasok na ako. Sorry talaga."
" Sige dalian mo. Baka ma late tayo sa schedule natin."Pumasok na kaming tatlo sa pinto ng church kasunod ni pastor Dale.
" Asan ka ba talaga galing Kaye? Sabi ni Anna bumili ka lang ng pagkain tapos antagal mo." Usisa ni Lex habang lumalakad kami papunta sa stage ng church. Nakaupo na halos lahat ng delegates at iilan na lang ang humahanap pa ng upuan.
" Nakatulog kasi ako ng ilang minuto. Dun sa malaking mangga doon sa kabila ng highway. yung nasa harap ng high school." Nahihiyang sabi ko. Hinanap ko na lang yung kopya ko ng program at nagayos ng mukha. Di pa naman ako nagmumukhang losyang kaya pumunta na ako sa podium. Tumingin ako kay Lex.
" Mamaya na lang tayo magusap. Uumpisahan ko na yung program."" Sige. Basta magkwento ka ha." Tumungo na si Lex sa harap at umupo. Nag thumbs up na rin si pastor Jack hudyat ng pagumpisa ng program. Huminga ako ng malalim. God, give me strength!
" Good morning to everyone. Welcome to the 12th Year of our 3rd District Congregation Youth Camp. I am Kaye Gene Avila, your emcee for today. Before we start the program let us first have a prayer to be led by pastor Jack Madamicilla, President of the 3rd District Congregation."
Nagumpisa na ang program at isinantabi ko muna ang mga nangyari kanina. May mas importante pa akong gagawin kaysa magisip don sa emo na yun. Sino kaya yun? Ah mamaya na yan. Focus na muna ako sa program.
Trace POV
Palakad na ako papuntang bahay ni Cal at napaisip ako sa sinabi ni Muta kanina. Ampotek di daw ako gwapo. Tch. Di naman ako magkakaganito kung di ko talaga alam na gwapo ako. Sa rami naman ng babae at baklang nahumaling sa mukhang ito, baka madumog pa si Muta pag nasabi nya yun sa university. Kala nya ha.
Nakarating na rin ako sa bahay ni Cal. Teka nga ba' t parang nagkakandarapa si Cal? Sumusuot ng damit tapos kumakain. Ano, may pupuntahan sya? Wala namang na mention yan kagabi sa inuman ah.
Pumasok ako sa gate nila. " Cal parang nagmamadali ka ata?"
" Mph Trsh! Attntf lng k ngf cmpf. Shtf!" nagmumukhang tanga si Cal na nagsasalita habang ngumunguya ng pagkain. May tumatalsik pang kanin at itlog habang nagsasalita sya.
" Gago! Tapusin mo muna yung pagnguya mo bago ka magsalita! Wala akong naintindihan!"
Napalunok si Cal tsaka uminom ng tubig. " Aatend ako ng camp sa church. Poteks late na ako!" Nagmamadali naman itong magsipilyo.
" Church? Anong church? Relihiyoso ka pala Cal? Di halata sa paginom at pagmumura mo eh. Haha."
" Tawa pa gago. Pbtstf fko no! Flgng fko ngfdfmbu!"
Ayan na naman eh nagtotoothbrush nagsasalita. Pero naintindihan ko naman ng konti. " Weh. Baptist ka? Sa totoo lang ha?" Di ko mapaniwalang sabi. Eh kasi naman pareho lang halos kami ng ugali ni Cal eh. Parang di bagay na magkaroon sya ng relihiyon.
" Oo nga. Ikaw lang naman ang di naniniwala sa Diyos eh. Shet magtsitsinelas na lang ako!" Kinuha nya yung sinasabi nyang tsinelas tapos sinuot. Nakatingin sya sakin. " Pre, gusto mo sumama? Marami kang makikilalang taga ibang bayan. Masaya dun."
Ano daw? " Pre nahihibang ka ba? Alam mo namang di ako naniniwala sa Diyos. At isa pa, di nga ako nakakapasok ng simbahan ng mga Romano Katoliko sa Baptist pa kaya? Duh!"
Patakbong lumabas si Cal sa bahay nila. Sumunod naman ako. " Sige na pre sabayan mo na lang ako. Poteks late ako eh. Maraming tao na doon for sure. Nahihiya akong pumasok magisa lang."
" Ang labo mo pre. Sige samahan na lang kita. Tatawa na lang ako sa reaksyon ng isang late na katulad mo. Sana pagtawanan ka! Bwahaha."
" Gago! Pagtawanan pala ha? Alam ko di ako pagtatawanan. Nahihiya lang ako kasi for sure tititigan ako nito ng karamihan. Sabay ka na para sa yo na lahat ng mga mata tumitig." Patakbo kami ni Cal papuntang....teka papunta sa high school?
" Tsk. Gagawin mo palang panangga ang gwapong mukha na to? Ok lang naman sa akin ipakita tong mukha ko eh, pero sana may kapalit tong serbisyo na to." medyo mayabang kong sabi.
" Ampotek nagbuhat ka pa ng sarili mong bangko. Sige na ako bahala sa next drinking session. Basta samahan mo na ako!"
" Ayos! Teka nga ba't papunta tayo sa high school? Kala ko ba sa church nyo kayo pupunta?"
Napatingin na lang si Cal sa akin na parang di makapaniwala. " Pre taga rito ka pero di mo alam kung saan yung baptist church? Andun lang yun malapit sa harap ng highschool!"
BINABASA MO ANG
A Summertime Spark
RomantizmNakaranas na ba kayo na magkaroon ng summertime sweetheart? O kahit summertime crush man lang? Yung tipong kakilala mo pa lang eh talo nyo pa yung couples na ilang taon nang nagmamahalan. Yung pagmamahal na akala mo magtatagal. This is such a stor...