Chapter 3 - First Happy Memory... and a Sad one, too.

26 0 0
                                    

Trace POV
Urgh. Ang bigat ng ulo ko. Nagmulat ang mga mata ko. Sumalubong sa akin ang kisameng puti ng isang maliit na kwarto. Hmmm, saang bahay na naman ba ako nakatulog? Wait, mukhang hapon na. Di naman ako nakakatulog lagpas 12 ah? Naguguluhan ako pero bigla biglang bumalik ang mga alaala ko. Aw shit. Marami palang nangyari kanina. Nandito siguro ako sa kwarto sa likod ng baptist church. Naalala ko na naguusap pa kami kanina ni Muta nang biglaang nawalan ako ng malay. Napalunok ako at naramdaman Ko ang gutom ko. Shit dapat kumain na lang ako sa bahay kanina.
Nakarinig ako ng mahinang hilik sa gilid ko, at nararamdaman ko naman ang isang kamay na nakapatong sa braso ko. Sino to, tanong ko sa sarili ko. Shit baka napagsasamantalahan na pala ako ng mga bakla dito. Tumingin ako at nakita ko ang nakatulog na mukha ni Muta. Uhm. Ahhh. Ano?
Parang di ako makapagisip ng matino. Nakaharap kasi sa akin si Muta, at talagang nakakaadik yung mukha nya. Maamo at relaxed sya habang natutulog, malayo sa mataray na persona nya habang gising sya. Kung pwede lang, kaharap ko to palagi eh. Di nakakasawang titigan sya. At ang bango nya. Sya pala yung mabango kanina sa puno ng mangga.
Yung kamay nya na nakapatong sa braso ko, biglang gumalaw. Lumapit ito sa kamay ko. Hinawakan ko yun at nasayahan ako dahil ang lambot ng kamay nya. Hinolding hands ko yun. Para akong tangang ngumingiti dito. Pero may bigla akong naalala. Kanina kasi napanaginipan ko yung last girlfriend ko. Yung talagang sineryoso ko. Pangalan nun si Yvel, kaklase ko nung highschool. Yung endearment ko sa kanya, princess. Magkasama daw kami nagsasayahan sa isang bahay. Inaantok daw sya at kaya nahiga sya sa isang sofa. Pero nung sa panaginip ko, yung mukha ni Yvel unti unting nagiging si Muta. Di ko man naintindihan ay di naman yun bumagabag sa akin. Parang natural lang na panaginipan ko sya. Ngumiti si Muta sa akin sa panaginip ko, at pumikit sya para matulog. Ngumit ako nun at naalala ko na sinabihan ko sya, " Sweet dreams, princess Kaye." First time ko sya natawag sa pangalan nya, kahit sa panaginip lang. Di ko alam kung bakit ko nagawa yun. Ang sarap pala pakinggan na tinatawag ko sya sa pangalan nya.
Ano ba ang nangyayari sa akin? Nung last breakup ko, di na ako ulit nag girlfriend. Masakit pala pag emotionally invested ka na at biglang mawawala yung binabalingan ng atensyon na yun ng walang rason. Di ko kasi matanggap na nawala si Yvel sa akin eh. Naghanap ako ng iba, nagkaroon ng flings. Pero di pa rin nawala sa isip ko s Yvel kahit ano yung gawin ko. Yung mga flings ko, no sexual interactions naman. MOMOL lang. Para lang malimutan ko si Yvel.
Matagal rin na magkahawak ang kamay namin ni Kaye. Kahit nagugutom ako, nakuntento ako sa sitwasyon na to. Parang walang problema, walang ibang importante kundi yung paghawak ko sa kamay nya.
Maya maya napapansin ko na unti unti nang nagigising si Kaye. Umuunat. Napahigpit ang hawak ni Kaye sa kamay ko. Nakita kong unti unti na rin syang gumagalaw at naramdaman nya na siguro na di lang sa imahinasyon nya ang kamay na nakahawak rin sa kamay nya. Natigilan sya. Mas humigpit pa ang pagkapit nya sa kamay ko, at ganoon rin ang ginawa ko sa kamay nya. Doon sa ginawa ko ay napabukas ang mga mata nya at napatitig sa akin. Ang laki ng mga mata nya sa sobrang gulat. At ang ganda talaga ng mga mata nya.
" Trace! Gising ka na pala!" Pinipilit nyang kunin ang kamay nya sa pagkahawak ko.
" Medyo kanina pa. Bakit? Concerned ka Muta?" Pangiinis ko sa kanya na may dalang ngiti.
" Wag ka nga. Ang feeler mo." Pilipilit pa rin nyang kinukuha ang kamay nya sa kamay ko. " Trace bitawan mo nga ang kamay ko." Naiinis na sabi nya.
" Eh ikaw ang naunang dumakma jan sa kamay ko. Eh nagustuhan ko. Mamaya na." Pangaasar ko. Pero sa totoo lang ay nagugustuhan ko ang feeling na magkahawak kami ng kamay.
" Trace naman eh. Di ka pa ba kakain? Kukunin ko lang yung plato oh, papakain ko sa yo. Kaya please bitawan mo nga kamay ko."
" Plato talaga yung papakain mo sa akin? Baka maimpatso ako nyan. Di pwede yung pagkain sa plato nalang? Mukhang masarap eh." Pamilosopo ko.
" Trace naman eh, papakainin ka na nga ikaw pa may gana mamilosopo. Bitaw na please?" Pagmamakaawa nya. May dala pang cute puppy eyes at pouty lips. Shet ang cute cute nya!
Biglang bitaw ako sa kamay nya. Ano kasi, parang na electric shock ako nang pinanlakihan nya ako ng mata na mukhang nagmamakaawa. Parang sinipa ng kabayo yung dibdib ko.
" Ah ok, Kaye. Sige kuhain mo na yung plato. Nagugutom na rin ako." Wala sa sarili kong sagot. Mukha namang nabigla si Muta.
" Wow. I think yun ang first time na tinawag mo ako sa pangalan ko." Sabi ni Muta.
" A-ano? Di ha. sabi ko okay. Nabibingi ka na Muta." Pahabol kong paliwanag. Whooo. Di ko narealize na nagamit ko ang pangalan nya ah. Kaya pala biglang sumikip yung dibdib at paghinga ko.
" Psh. Deny pa more." Sabi ni Kaye na nakangiti. Lumakad sya papunta sa maliit na table kung saan nakapatong ang pagkain. Pagbalik nya ay nakaupo na ako sa gilid higaan.
" Oh eto na. Kain ka na." Sabi ni Kaye sa akin sabay abot ng platong may pagkain sa akin. Wow ulam. Kinuha ko yun at inumpisahang kumain ng todo. Di ko na napansin si Kaye sa sobrang gutom. Pero may narinig akong di ko inaasahan: ang tiyan ni Kaye.
Grrrk.

A Summertime SparkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon