Chapter 11

10.8K 141 27
                                    

Chapter 11

 

Thomas

 

Nandito na ako ngayon sa classroom kahit may 30 minutes pa bago magsimula ang klase namin. Hindi naman ako ganito kaaga pumapasok dati pero mula nung nakilala at naging classmate ko si Arra, everything changed. Dami ko na ngang hirap at struggle para mapasagot ko siya kaya walang pagsisidlan ng kaligayahan ang aking puso nang sinagot niya ako six months ago. Sa lahat ng babaeng nakilala at niligawan ko, siya lang talaga ang sineryoso ko kaya alam kong totoong pag-ibig na talaga ‘tong nararamdaman ko kahit nung una ko siyang nilapitan, ayaw na agad niya sa’kin dahil alam na daw niya ang reputasyon ko pagdating sa mga babae. Dahil naturally matalino na ako, hindi na ako masyadong nagpakaharap sa academics. Mas naghirap pa yata ako kung paano i-discharge ang mga babaeng naghahabol sa’kin dahil sa sobrang kagwapuhan ko. Buti na lang nag-work pa rin ang Thomas Torres charm sa kanya kaya napasagot ko rin siya.

Okay na sana lahat at sobrang saya na namin pero bigla namang umepal ang parents niya sa’ming relasyon. Masyado kasing sheltered si Arra at napaka-overprotective ng parents niya. Nang malaman nilang nililigawan ko si Arra, sobrang violent reaction sila. Mukhang alam pala nila ang background ng lahat ng friends ng anak nila at obviously, hindi nakapasa sa kanila ang background ko dahil playboy, arrogant at sobrang overconfident daw ako. Hindi ko alam kung sino ang source nila pero tanging si Ara lang ang nagsasabi sa’kin ng ganun. Minsan ko nang pinagdudahan si Ara na siya ang nagsumbong at nagsabi ng lahat sa parents ni Arra. Ugh! Ang awkward namang sabihin nito dahil pareho pang Ara/Arra ang pangalan ng mortal enemy at girlfriend ko. Anyway, balik sa aking flashback, pinagdudahan ko talaga si Ara (the enemy) but I ruled it out since hindi naman talaga sila magkakilala. Ginawa daw ng parents ni Arra ang lahat  para hindi ako sagutin ng anak nila. Well I guess hindi enough ang ginawa nila dahil sinagot ako at naging girlfriend ko na nga si Arra. For months, tinago namin lahat sa kanyang parents. Pero natatakot pa rin siya na mabuking kaya napilitan akong mag-isip ng paraan para hindi kami mabuking. And that’s when I remember na magka name-alike pala ang girlfriend and enemy ko. That’s when I started to use her as a front. That way, safe kong sabihin kahit anong gusto ko kay Arra knowing na ibang Ara naman ang iniisip ng mga tao.

Nabulabog ang aking pag-iisip nang biglang nagkagulo ang mga classmates ko.

“Bro! Nakita mo ba si Ara? Ang sexy-sexy! Chix na chix!”

“Oo nga bro. Hindi ko akalaing may tinatago rin pala siyang ganda! I think I’m in love man!”

Napasipol pa ang isa kong kaklase. Ang tatanga talaga ng mga tao ngayon! Parang buhok lang ang nagbago, maganda at sexy na agad? Nag-text kasi sa’kin si Arra kagabi na nagpagupit daw siya ng buhok. Matagal ko na namang alam na maganda at sexy si Arra pero hindi nga lang masyadong halata dahil napaka-conservative niyang manamit.

“Hey girl, did you see Ara today? You wouldn’t believe it. Like hello, is she for real?”

“Maganda naman talaga si Ara. Hindi ko nga alam why she chose to dress that way. Anyway, I’m so glad that she’s finally come to her senses! I mean look at her now, she’s totally pretty!”

Pati ba naman mga babae pinag-uusapan rin siya? Excited na rin tuloy akong makita ang bago niyang look. Proud boyfriend here!

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon