"Hoy babae"tawag sakin ng lalaking kinabibwisitan ko sa buong universe. Waah! Kelan ba nya ko tatawagin sa pangalan ko? Kahit kelan ata hindi ko pa naririnig na tinawag nya ko sa name ko. Ano bang problema sa pangalang Andrea Sandoval huh? Tss. Maganda naman gaya ng mukha ko,hindi naman mabaho sa tenga. Puro hoy babae nalang lagi tinatawag nya sakin. Hayyy nakoo! -__- Nandito kami sa room ngayon,buti nalang wala yung Math teacher namin *^▁^*
"Oh?"inis kong sagot.
"Punta ka daw mamayang uwian sa mini garden sa university"sabi nya na nakasmirk. Nakooo nako nako nako nako! May kalokohan na naman ata tong gagawin ah. Tss,nasabi ko naba na simula 1st year namin dito sa university eh lagi na nya kong inaasar at ginagawan ng kalokohan. Umabot pa nga sa point na hindi ako pumasok ng 1 week sa kahihiyang ginawa nya sakin. 3rd year na ko ngayon at 1 year na lang gagraduate na kooooo! ^_^
"Sino nagpapasabi?"nasabi ko na din bang siya yung crush ko? Hayyy nakoo! Dahil sa halos araw araw nyang pangaasar sakin nagustuhan ko siya π_π . Siya si Kyle Salvador. 16 years old. Matalino, heartthrob sa university namin,sabi nila snob daw siya. Ewan ko ba. Bat sakin ang kulit kulit niya? Baka mukha lang talaga kong magandang pagtripan. Di ko namalayang tumunog na yung bell.
"Basta pumunta ka na lang daw"sabi niya at biglang umalis. Aba! Hindi niya ata ako kinulit ngayon ah. Baka may gagawin lang? Ah basta! Bahala siya. Pupunta kaya ko? Tss. Ewan! >_< Lumabas nako para puntahan mga kaibigan ko sa cafeteria.
_________________
4:00 na. Pinagiisipan ko pa din kung pupunta nga ba ko sa mini garden ng university nato o hindi. Nakaka curious kasi ih. ~>_<~ Sumulyap muna ko kay Drew. Bat parang kinakabahan yung mukha niya? May ginawa na naman sigurong kalokohan to noh? Tss,namumutla pa ang loko eh."Huy! Ano iniisip mo jan? Wala na si ma'am oh."sabi ng katabi ko. Luh? Uwian na ba nun?
"Uwian na agad?"gulat kong tanong. Eh kasi naman eh. Kakatingin ko lang sa orasan 4:00 pa lang tapos uwian na kagad? Mabilis lang ba talaga oras pag may iniisip ka? Tss. Parang baliktad naman. -_-
"Halatang dika nakikinig noh? Kakasabi lang ni Ma'am Domingo na maaga nya tayong ididismiss. Osha! Alis nako ah. Bye"sabi niya.
"Ah osige. Thanks,babye ^_^"sabi ko at inayos na mga gamit ko. Wala na din pala si Drew. Di ko tuloy natanong kung sino yung nagpapapunta sakin sa mini garden -.-Nasa corridor nako at pinagiisipan pa rin kung pupunta nga ba ko o hindi. Di ko namalayang dinadala na pala ko ng mga paa ko sa mini garden ng university nato. Pagkarating ko wala naman tao. Tumingin din ako sa oras 4:46 na. Nandito pa kaya yun? O baka wala naman talagang nagpapapunta sakin dito at niloloko lang ako ng bwiset na mokong nayun! -_-
Bwisit talaga! Aalis na sana ko ng may biglang nahulog galing sa puno. Luh? Sino yun?"Aray!"ungol ng kung sino man. Parang boses lalaki yun ah? T-teka boses ni---
"Hoy babae! Kanina pa kita hinihintay ah? Bat ngayon ka lang?"angal ni Kyle
"B-bakit nandito ka? Asan na yung nagpapapunta sakin dito?"tanong ko na sunod sunod.
"Tss. Di ba obvious? Wala namang ibang tao dito kundi ako."sarkastiko nyang sabi.
"H-huh?"
"Hay nako babae! Ako lang tao dine edi ibig sabihin non ako yung nagpapapunta sayo dito!"inis nyang sabi sabay tingin sa gilid. Ngayon ko lang siya nakitang nainis. Ang cute >_<
"Bakit moko pinapunta dito?"sabi ko para maputol ang katahimikan saming dalawa. Napatingin naman siya sakin at tumingin ulit sa ibang direksyon.
"U-uh. Ka-kasi..."Pinutol pa! Pabitin ganun? -__-#
"Kasi ano?"sabi ko habang nakataas ang isa kong kilay.