Chapter 3: (CHAPTERS TWO CONTINUATION)

21 0 0
                                    

Stacey's Point of View

Napakasarap magmahal lalo na kapag yung mahal mo ay minamahal ka pabalik ng sobra-sobra.

"Anlalim naman ng iniisip ng mahal ko. Ano ba yang iniisip mo ha? Baka mamaya may nagugustuhan ka ng iba"

Nagpout siya sabay hi sa akin patalikod ng mahigpit. Natatawa ko sa iniisip nito ng pinakamamahal kong si Nate.

Napakaswerte ko dahil siya yung binigay ng diyos sa akin. Tanggap niya yung mga flaws ko. Yung mga imperfection at kamalian ko, at salamat kasi minahal niya ko sa kabila nun.

Humarap ko at niyakap ko siya ng napakahigpit saka ko siya hinalikan sa labi.

"Ang cute cute mo talaga! Bat naman kita ipagpapalit? E ikaw na ang lahat sa akin. Ikaw na ang buhay ko at ikaw na panghabang buhay. Ikaw ang nagturo sa puso ko na magmahal, ang nagparanas sa akin na masarap palang mainlove. Ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako. I love you so much Nate. Di ko kayang mawala ka, baka ikamatay ko!" niyakap ko siya ng napakahigpit at nagsimula ng tumulo ang luha ko.

Ang pinakamamahal ko sa lahat, ang buhay ko, ang tanging pinakamamahal ko

Iiwan na ako.

"Bakit umiiyak ang prinsesa ko? Ssshs tahan na"

"Hwag ka na kasing umalis. Hwag mo na kong iwan. Di ko makakaya"
Niyakap ako ni Nate ng mahigpit at hinalikan buhok ko.

"Babalik naman ako e. 2 years lang naman yun e. Di naman 'to madali para sa akin pero inisip ko lang ikakabutinatin 'to pareho diba? gusto ko yung ikakabuti natin para sa future, sa sating dalawa, sa magiging anak natin at magiging pamilya natin. Ikakasal pa tayo diba?"

Natawa ko sa mga pinagsasabi ni Nate. Naalala ko yung araw na pinag-uusapan namin yung mga pangarap namin sa hinaharap.

Ang mga pangarap namin na magkasama sa hinaharap.

Magpapakasal kami!

Mabubuhay ng magkasama habam buhay! Nang masaya kasama ang bubuuhin naming pamilya.

"Babalik ka ha? Babalikan mo ko? Magpapakasal tayo!"

Hinawakan niya yung baba ko at hinarap sa mukha niya. Dahan-dahan niyang nilapit ang labi niya sa labi ko.
And savor a passionately kiss.

Pagkahiwalay ng aming mga labi ay niyakap niya ko ng mahigpit.

"Syempre babalikan ko yung prinsesa ko, di naman ako aalis kung di ito para sa atin diba? Mahal na mahal kita at kahit anong mangyare babalikan ko dito sa Pinas ang pinakamamahal ko"

Lalo kong napaiyak sa mga sinasabi ni Nate. Kahit anong pagpapalakas niya ng loob ko di ko pa din kayang mawala siya. Ang buhay ko!

"M-maikling p..panahon lang naman ang yung d-dalawang taon diba? s...sana maging okay ka dun? L...lagi kang tatawag sa akin ha? Mamimiss kita! S-sanayin ko na wala ka sa tabi ko!"

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. Hinila niya ko papunta sa kung sanman.

Hanggang sa makarating kami sa Park!

BUKAS NA AALIS SI NATE.

MAWAWALA NA SIYA SA TABI KO.

IIWAN NA NIYA KO.

Kaya ngayo igugugol namin ang buong araw na magkasama bago siya mawala.

"Nakikita mo yung star na yun?" Sabi niya habang nakahiga sa lap ko. Nandito kami sa damuhan at pinapanuod ang kalangitan.

"Oo, yang pinakamakinang na star? oo ang ganda no?"

"Oo, kasing ganda mo"

Napababa ko ng tingin sa sinabi niya. Nakangiti siya pero nangingilid yung mga luha niya.

Di yata ko masasanay na mawala si Nate. Di ako masasanay. Lahat ng mga ginagawa niya, lahat ng kilos at pagtawa niya.

"Bat nanaman umiiyak ang prinsesa ko?" Bumangon siya sa pagkakahiga at kinuha ang panyo niya

Break The Cassanova's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon