Kabanata 3

9 0 0
                                        

Third Person's Point of View.


Aligaga si Dara sa buong first period nila dahil doon sa lalaking nagbigay sa kanya ng isang libo. Hindi niya kase lubos akalain na HRM student ang taong yon, at dito pa napasok. Dahil sa pagkakaalam niya eh mayaman ang taong yon akala niya eh sa mga sikat na school ito napasok.


"Okay, class. Bukas na ulit. Goodbye." Pagpapaalam ng kanilang professor at saka biglang umalis. Absent ang kanilang susunod na dalawang prof kaya ang iba nilang kaklase ay umuwi na muna, ang iba naman ay nag gala nalang sa campus.


"Hi bhe." Sabi nong Beki ni Darang kaklase na lumapit sa kanya. "Hello Dom." Dom short for Dominic. "Sama ka samin? Karaoke muna tayo. Ano game ka ba? Para makilala ka nadin namin ng sobra." Sabi ni Dom sa kanya. Mahilig kumanta si Dara pero hindi siya sumama sa mga ito. Dahil balak sana niyang kausapin ang mga prof niya tungkol sa pagkalate niyang pumasok.


"Oy!" Halos mapatalon sa gulat si Dara ng maramdaman niya ang sumipa sa kanyang upuan sa may likudan niya. "Bakit?" Painosente nitong tanong sa lalaki. "Be ready." Maiksing sagot nito sa kanya, kaya mas kinilabutan siya. Tumayo si Dara at humarap sa may likudan niya kung saan doon nakaupo ang lalaki.


"Hindi ko dala yung 1000 mo. Don't worry hindi ko yon nagalaw. Sana naman hayaan mong bukas ko nalang ibigay, di ko kase talaga dala eh." Nagmamakaawang sabi nito doon sa lalaki. Napatawa ng bahayga ang lalaki sa sinabi niya. "Tanga! Hindi yon ang sinasabi ko. Alam mo bang nasa pilot section ako? At pinalipat ako dito dahil sayo?" Sabi ng lalaki sa kanya, kaya naman siyay napaisip. "Eh ano bang ginawa ko?" Tanong ni Dara dito.


"Eh kase, palate late pa ng pasok. Biruin mo 1 month kang late. Sa tingin mo pano mo malalaman yung mga discussion noong wala ka? Siyempre pagmay nag turo sayo. At ako yon. Kaya ikaw, bilisan mong matuto para makabalik na ako sa section ko."


"Eh bakit hindi ka nalang tumanggi ayaw mo pala eh. Napurwisyo pa kita. Tsaka kaya ko naman yon kahit ako lang mag aral magisa ko. Fast learner naman ako eh."


"Si uncle kase ang nagutos non sakin, kaya hindi ako makakatanggi. Siya kase ang Principal ng University dito. Fast learner kamo? Siguraduhin mo ha."


Akala ko mabait to, kase namimigay ng isang libo. Jusko hindi rin pala leche.


"Kakausapin ko nalang ang Uncle mo, para sabihing bumalik ka na sa section mo. Nakakahiya naman kase eh. Kaya ko naman yon magisa."


Ang hindi alam ni Dara eh, niloloko lang siya ng lalaking ito. Oo totoong Uncle niya ang Principal ng University dito. Pero hindi talaga siya taga Pilot. Tinatamad lang siyang maging tutor ni Dara kaya tinakot niya ito, sa paraang kunwari ay sobra siyang naagrabyado. Para maging madali ang pagtuturo niya at magawa na niya ang kanyang gusto.


"Nako Alexandra. Kelan man hindi mo makakausap ang Uncle ko, kase lagi yong naka stay sa Main University nito. Kaya no choice ka, kundi. Magpaturo sakin"


"Eh kung wala naman pala lagi dito ang Uncle mo, bakit tuturuan mo pa ako, hindi rin naman siya sigurado kung ginagawa mo nga yung utos niya. So it means na pwede namang hindi mo na ako turuan dahil wala naman pala dito ang nagutos sayo."


"Anong gusto mo magsinungaling ako? Utot mo. Tsaka ikaw na nga tuturuan ayaw mo pa? Kung ano sinabi ko yon ang gagawin natin. Every Wednesday wala tayong pasok, magkita tayo sa pwesto niyo sa palengke, at magdala ka ng gamit. Start na tayo agad."

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon