Third Person's Point of View.
Ito na ang unang araw ng pagpasok ni Dara sa kanyang paaralan. Isang buwan din siyang late sa pagpasok dahil sa nahirapan siyang kunin ang mga kailangan papeles sa dati niyang school. Pero kahit late na siyang nagenrol eh pinapasok parin siya dito.
"Tatanong ko po agad ang aking schedule Tiya, baka may mga araw akong walang pasok para matulungan ko kayo sa palengke." Sabi ni Dara sa kanyang Tiya bago ito umalis. "Ano ka ba naman Dara, wag mo ng isipin yon. O siya, lumakad ka na, baka ikay malate." Sabi naman ng kanyang Tiya at hinatid siya sa sakayan ng jeep papuntang school.
"Kuya pakisuyo ng bayad. Salamat." Sabi ni Dara doon sa lalaking nasa gilid niya. "Anong course mo te?" Nagulat siya sa biglang tanong nito sa kanya pagkaabot nito ng bayad sa driver. "Umm ano... HRM po." Hiyang hiyang sagot ni Dara doon sa lalaki. "Alexandra?" Mas nagulat siya sa sinabi nito. Tumingin siya sa kanyang uniform at baka may nameplate siya doon, pero wala. "Pano niyo po nalaman pangalan ko?" Tanong ni Dara. "I'm Kevin. Kaklase mo ako. Ikaw yung late enrollee no? Alexandra."
"Ayy oo. Hehe. Nice to meet you Kevin." Hiyang sagot ni Dara dito. "Huwag ka ng mahiya, hayaan mo sasamahan kita sa room, papakilala kita sa mga kaklase natin. Mababait ang mga yon." Sabi ni Kevin sa kanya.
Tuloy tuloy lang silang nagkwentuhan, hanggang sa makarating sila sa kanilang University. Ngayon lang si Dara nakarating dito dahil ang kanyang Tiya ang nagasikaso ng mga papeles nito.
"Malaki pala tong University niyo. Diba Private to?" Manghang tanong ni Dara kay Kevin. "Jusko. Maliit pa yan, nandoon sa Manila ang main nito. Balang araw makikita mo rin yon. So ano ready ka na bang pumasok?" Tanong ni Kevin sa kanya.
"Oo? Nako. God bless me!" Nagdasal pa kunwari ang dalaga. Saka sila nagdiretso sa kanilang building.
"Guys! May papakilala nga pala ako sa inyo!" Sigaw ni Kevin after nilang makarating sa kanilang room. Medyo madami na ang tao sa loob nito, kaya medyo magulo. "Chix mo nanaman? Jusko Kevin." Sabi ng isang babaeng kaklase.
"Hindi no. Si Alexandra. Yung late enrollee natin. Nandito na siya." Sabi ni Kevin saka nito hinila papasok si Dara sa kanilang kuwarto. Saglit na tumahimik ang karamihan at saka naglapitan kay Dara. "RK ka bhe?" Sabi ng isang beki sa kanan niya. "Oo nga Alexa, Rich kid ka ba?" Tanong pa ng isa na katabi nito. "Nako. Hindi po. Ang totoo niyan. Working student ako eh." Sagot naman ni Dara dito.
"Nako, lahat kami Working Students dito, halos lang pala. Teka san ka nag papart time?" Tanong ng babae sa kaliwa niya. "Umm. Tinutulungan ko ang Tiya ko, sa pagtitinda sa palengke." Nahihiyang sabi ni Dara sa kanila. Saglit lang silang tumahimik.
"Jusko. Wag ka ng mahiya, ang tatay ko water boy nga eh."
"Anla si Mama nga Avon lady. Nakakainis."
"Si Mama nga eh, labandera."
Nagtuloy tuloy sila sa paguusap, hanggang sa may dumating na isang lalaking tuluyang nagpatahimik sa kanilang lahat.
"Oy? Pare! Late ka nanaman? Lakas mo ah?" Biglang sigaw ni Kevin, habang tahimik naman ang iba at nakatingin sa kanila. Marahang lumingon si Dara sa may bandang pintuan upang makita ang taong pumasok at kausap ni Kevin.
Hala! Yung lalaki sa palengke? Nako! Di ko dala yung isang libo. Leche!
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
RomansaExpect the Unexpected. Yan ang madalas na sinasabi ng mga nakararami pag may mga nangyari sa buhay nila na hindi kapanipaniwala. Expect the Unexpected, para sa mga babae na may period pala sila, hindi nila namamalayan. Expect the Unexpected, na sas...