Third Person's Point of View
Wednesday
Maagang nagpunta sa palengke si Dara, para narin makatulong siya sa kanyang Tiya. Madaling araw palang ay nandoon na sila dahil dagsa ang mamimili pagumaga. Saktong 6 naman dumating si Alexis.
"Ay! Oo nga pala, baka malimutan ko nanaman. Eto na yung 1000 mo. Hindi ko ginalaw yan ha." Sabi ni Dara kay Alexis saka inabot yung 1000. Pero dinedma lang ito ni Alexis. "Aba! Ang sungit mo naman ata ngayon? Oy eto na nga yung pera mo! Diba sabi mo utang, ayan na binabalik ko na." Makulit paring sabi ni Dara kay Alexis.
"Sayo na yan. I don't need that anyway." Sabi niya saka nagsalpak ng earphones sa kanyang tenga. Nakaisip naman ng kung ano ano si Dara. Bumili siya ng 20 pesos na kikiam, 10 pesos na fishball, 5 kwek kwek, 2 palamig. After niya itong bayadan, hinablot niya ang kamay ni Alexis at pinaupo doon sa upuan sa may isawan.
"Bakit ba?" Irita na tanong ni Alexis kay Dara. Kumuha si Dara ng stick at inabot iyon kay Alexis. "Nakakain na ako, iyo na yan." Halos maduwal si Dara dahil doon sa sinabi ni Alexis, biruin mo ba naman kadami kaya noon. "Mr. Alexis, pera mo ginamit ko diyan kaya hindi pwedeng hindi." Tinusok ni Dara ang isang kwek kwek doon, at walang pasintabing sinaksak yon sa bibig ni Alexis.
Maduwal duwal na si Alexis sa pagnguya ng kwek kwek kase halos napuno na yung bibig niya nito. "Bakit mo ginawa yon?" Tanog nito kay Dara. "Ayaw mong kainin eh, subo pala ang gusto." Pangaasar pa ni Dara. Kaya kumuha si Alexis ng 3 fishball, 2 kikiam. At sinubo ito sa bunganga ni Dara habang itoy nagsasalita.
Nadura ni Dara ang sinubo sa kanya ni Alexis kase hindi ito kasya sa kanyang bunganga. Sadampigahin niya sana si Alexis, pero hindi niya ito natuloy ng makita niya itong tawa ng tawa. "Ang gwapo ko no?" Nagulat si Dara ng sabihin ito ni Alexis. "Bakit naman?" Tanong nito dito. "What I mean, gwapong gwapo ka sakin no? Tangina matutunaw ako sayo eh." Sabi nito ng seryoso saka nagsarili ng kumain.Hindi naman pinansin ni Dara ang kayabangan na sinabi ni Alexis sa kanya, at baka mamaya mainis nanaman ito sa kanya. Kaya kumain nalang silang dalawa ng tahimik.
"Teka, papasundo lang ako." Sabi bi Alexis kay Dara nong nandon na sila sa may labas ng palengke, pagkatapos nilang kumain. "Wag na. Ayan ang sakayan ng jeep oh?" Sabi ni Dara kay Alexis. "Sige nga, ipasok mo yung Jeep sa subdivision, try mo ha." Natahimik lang si Dara after non sabihin ni Alexis. May point kase siya.
Ilang minutes lang ay dumating na ang isang navy blue na kotse. Na pinagmamayari ni Alexis. Pinalabas nito ang Driver at binigyan ng pamasahe pauwi. "Lah, bakit mo naman pinaalis yon. Alam mo samin hindi mo mapapahiwalay ang bogard samin. Magagalit si Dad--" napatakip si Dara sa kanyang bunganga, after niyang maisip kung ano ang nalabas sa bunganga niya na mga words.
"Daddy mo? May Bodyguard kayo? Akala ko ba mahirap lang kayo, at nakalagay sa profile mo, simula't sapul ang Tita at Tiyo mo ang kasama mo? Tangina ka, ano joke lang yon?" Sabi sa kanya ni Alexis saka pinaandar ang sasakyan niya. Hindi nagsalita si Dara dahil baka may masabi pa siyang kung ano. "Hoy! Di ka ga, magsasalita? Isusumbong kita!" Sigaw nito kay Dara.
"Potengene! Oo na! Joke lang yon! 3 months palang ako kayna Tita at Tito, naglayas kase ako samin eh. Oh ano okay na? Poche nemen eh." Bugnot na sabi ni Dara kay Alexis. "Bakit ka naman naglayas? Daming arte eh." Sabi pa ni Alexis. "Aba, akin na yon. Mag drive ka nalaang diyan. Wag mo pakielaman buhay ko." Sabi ni Dara kay Alexis. Hindi na rin naman nagsalita si Alexis hanggang sa makarating sila sa isang bungalow. Hindi lang basta bungalow kase ang laki ng hardin nito sa palibot.

BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
RomanceExpect the Unexpected. Yan ang madalas na sinasabi ng mga nakararami pag may mga nangyari sa buhay nila na hindi kapanipaniwala. Expect the Unexpected, para sa mga babae na may period pala sila, hindi nila namamalayan. Expect the Unexpected, na sas...