[2]

39 3 0
                                    

Kaye's POV








Forever?





Naku! Hindi ko alam kung maniniwala ba ako dyan o hindi. Sabi ng iba forever do exist, pero sabi naman ng iba 'walang forever!' Pero madalas sinasabi nila na bitter ka lang kasi wala kang lovelife.





I'm Kaye Svetlana Riamzon. 16 years of existence. I study at S.H.U. o Smith High University. We're also rich because we own some business markets. I have a brother, Kean Sverlo Riamzon, he is working on our company here in Manila.






Nandito ako sa kwarto ko nakatutok sa laptop ko. It's been almost four weeks since we're having a summer vacation. Nababagot na ako dito, paano buong maghapon na ako nakakulong dito sa kwarto 'no. Matawagan nalang si Cheka (Chesca) para naman malibang ako ng kaunti.



*Ringing*




"Hello Cheka?"



"[Oh sissy? Musta na?]"



"Sobrang bored ko na dito wala man lang magawa. Tara! gora tayo?"




"[Tara shopping tayo? Hanap na din tayo ng boylet! Hahaha joke]"




"Sira ka talaga! Sige na! see you 1 pm at your house"






"[See ya' sissy! Bye~]"





12 nn na pala. Maghahanda muna ako ng susuotin ko para mabilisan. Nang matapos na 'kong makapili ng susuotin ko ay naligo na 'ko, nagbihis na rin ako, simple lang naman ang susuotin ko isang V neck plain white t-shirt at isang black ripped jeans at vans sa pang-ibaba.







Pwede na to, hindi na kailangan ng make-up, pulbos nalang. Tapos na ko. Magpapaalam nalang ako kay yaya dahil wala naman sila dad and mom dito. Pababa na ako ng hagdan dahil mag a-alauna na.








"'Yaa! Pupunta lang po ako kila Cheka mamamasyal lang po." Pagpaalam ko kay yaya.






"Ah sige, dito ka na magtanghalian, nakahanda na" Sabi ni yaya.





"Ay hindi na po, sa mall nalang po kami kakain. Bye ya una na po ako"lumabas na ako ng bahay dahil 5 minuto nalang eh ala-una na.





"Osya sige! Ikaw bata ka kumain ka ah! Sige na" Kaya mahal na mahal ko si yaya eh siya na kasi ang tumayong ina sa amin ni kuya.






Pumunta na ako sa garage para magpahatid kay Manong Sean hindi kasi ako marunong mag-commute eh hahaha ^^v





"Manong pahatid naman po kila Cheka"





"Sige, saan ba ang punta niyo? Ako nalang maghatid sainyo" medyo may edad na rin si manong, matagal na siya saamin at napamahal na rin.







"Ah sa SM ***** po, ah sunduin po muna natin si Cheka para mahatid niyo na po kami"






"Osige, tara na baka naghihintay na Ma'am Cheska alam mo naman yun parang dragon kung magalit kapag pinaghihintay ng matagal hehehe" nako si manong talaga kilalang-kilala na si Cheska hahaha.






"Naku ikaw talaga manong hahaha! Tara na po at baka dragon na po yun kanina pa hahaha"(^^) sanay na kami kay cheka hahaha impatient kasi masyado.






Sumakay na ako sa back seat. Sumakay narin si manong at nagsimula na kaming mag byahe sa bahay nila Cheska, hindi naman kalayuan ang bahay nila saamin sa kabilang subdivision lang naman yun.







He's back ((On-going))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon