~~~~~~Monday,
Tuesday,
Wednesday,
Thursday, at
Friday.Ito ang mga araw na kinakatakutan ko lalo na kapag first subject sa umaga.
Always late as always. Oo, lagi-lagi. Alam ko na nga lang na pagiging huli sa klase ang nakatadhana sa akin, bakit hinahayaan kong mapuyat pa ang sarili ko basta gabi?
Isang araw, I saw a tweet on Twitter na dapat daw gawing illegal ang 7 A.M. classes. Napangiti na lang ako dahil sana nga mangyari iyon.
Pero balik tayo sa katotohanan na iyong ibang subject teacher mo ay tatanungin pa kung anong rason kung bakit ka LATE.
Ang nakakakulo lang ng dugo, kailangan mong gumawa ng little white lies sa harap ng mga kaklase mo.
Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan kung sasabihin ng guro na dapat kasi may valid reason ang mga bagay-bagay.
Ikaw ba naman, sabihin mong:
√ Nanood ka ng Korean Drama all night long.
√ Naglaro ng Clash of Clans kasi may clan war kayo.
√ Nakipag-usap via Skype, Viber or whatsoever na social media na pwedeng makapag-video call sa kasintahan.
O kaya naman,
√ Nakikiuso sa mga brokenhearted na may nalalaman pang pasenti kapag midnight lalo na kapag ang oras ay 12:51. Kaya iyon, nakikinig din sa mga #HugotSongs at hindi na makatulog sa kaiisip sa forever kahit bitter.
Valid ba iyan?
Nooooo! It's very unacceptable but that's the fvcking truth.
Hindi ko lang alam sa ibang tao kung ano ba ang pinagkakaabalahan kapag gitna ng napakalamig na gabi.
"Are you feeling cold?"
"Why?"
"Because I can be your blanket to wrap you up."
Payakap diyan. Payakap doon. Sa mga taken na kagaya nila, natural lang iyan pero sa mga single-blessedness na kagaya ko, maaari rin. Opo, pwede.
In my wildest dreams.
Even Taylor Swift has wildest dreams. So, it's not bad to have our own version.
So, heto na nga.
Ang pinakahihintay nating weekend.
Sa limang araw na pakikipagsapalaran sa eskwelahan, dalawang araw lang ang tanging pagpapahinga na ibinibigay sa ating mga estudyante. Ito ay ang Sabado at Linggo.
Halimbawa, kung ika-anim tayo ng umaga napipilitang gumising kapag weekdays, sino ba naman ang gustong bumangon sa kama ng napakaaga kapag walang pasok?
Own choice naman na natin siguro kung 7, 8, 9, 10 o 11 o'clock nating imumulat ang mga mata. Depende na lang kung puputulin ng human alarm clock ang mahimbing na tulog natin. Iyan si inay, si itay, o kaya'y si kapatid. Pwede rin si lola o kaya si lolo. Si kapitbahay rin naman na nakakapagbitaw ng alien language dahil lasing na agad, tirik na tirik ang araw.
Ang walang tigil sa kakasigaw sa nickname mong nakakabingi sa tainga.
"Kurdapya!"
"Guryang!"
"Balong!"Hindi naman siguro ganyan, ano? Ang lalim ng mga salita. How deep is your nickname? Pwede namang Calvin o Harris ang ipagsisigaw nila. Iyong first name mo sa birth certificate ang gamitin nila. Mas nakakagood vibes pa. Malay nila, magising ka ng may ngiti sa mga labi.
Wattpad AD: How Deep Is Your Love by Calvin Harris (song)
Moving on...
Kahit walang love life.
"Hindi naman iyan ang ibig kong sabihin eh!" My subconscious mind screamed.
Let's move on ulit.
So, ano nga ba ang kinalaman ng pagiging #TeamBahay sa #Weekend na title nitong kabanata na ito?
Una, mostly kasi sa bahay lang tayo nakatambay every Saturday and Sunday o kaya sa bording house lang na konsider namang bahay natin kasi doon na tayo tumitira.
Ito ang mga rason ko na relatable naman kahit papaano.
1) Wala akong boyfriend.
-Kasintahan na iimbitahan ka sa isang romantic date buong araw. Iyong moment na magkahawak kayo ng mga kamay sa gitna ng mall at proud ang partner mo na ipakita sa buong mundo na ikaw ang napili niya sa halos isang daang milyong tao rito sa Pilipinas dahil may pa-sway-sway-effect pa habang naglalakad! Tapos, pupunta kayo sa sinehan. Sa isang madilim at malamig na lugar kung saan maaari ninyong gawin ang mga pangyayari sa loob ng iyong mga panaginip. O kaya naman, kakain kayo sa isang sosyal na restaurant at may pasubo-subo pa!2) The real me lives in the internet / Internet Addiction
-Sa mga social networks tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, Tumblr, at iba pa ay talagang aktibo ako. Dito ko naipapahiwatig ang true feelings ko. Samantalang sa totoong buhay, nahihiya ako. Passive ako kung itong bunganga ko ang bubuka. Maraming tumatakbo sa isipan ko kaso nahihirapan akong ilabas ito. Through nonverbal communication, I could show the real me. So I prefer sitting in front of a bright screen. Just chillin', living in the virtual world.3. HOUSEHOLD CHORES
No need to elaborate, masyado nang nakakapagod. Iniisip ko pa lang ang mga gawaing bahay, pinagpapawisan na ako ng husto.Okay. Marami pang ibang rason kung bakit #TeamBahay ako. Hindi lang naman sa weekend eh. Ang masaklap, pati holidays and vacations, napako na ang mga paa ko sa tahanan namin.
Saklap, ano?
I need to know what's yours, too. Damayan lang ito! Party!
~~~~~~
Up next: About sa love life thingy. Napaka-brief kasi ng nasabi ko dito about sa buhay pag-ibig. Marami pa akong HUGOT dito. HAHAHA! Silly me. Bitter kahit single.
See you #TeamBahay :)
Share your thoughts*

BINABASA MO ANG
#TeamBahay HUGOT
Casuale#WalangPera #WalangKaibigan #SingleForever #OnlineForever Simple lang, ayokong lumabas sa comfort zone ko. #TeamBahay