#NoHoney

21 0 0
                                    


~~~~~~

Ever since the world begun, in my seventeen years of existence in this whole wide world, wala pa talaga. Iyon bang tinatawag nilang No Boyfriend/Girlfriend Since Birth (NBSB/NGSB).

But I feel okay with it naman, so many handsome guys around naman na hanggang tingin-tingin at imagine lang.

Kunwari, kay Crush No. 88, tapos nagkabanggaan kayo sa gilid ng daan habang bumubuhos ang malakas na ulan. Nagmamadali kayong dalawa kasi wala kayong payong at mawawalan ka na ng sasakyan. Pero dahil ang mga mata niyo ay nagkasalubong, parang wala na kayong pakialam sa tubig na tumutulo sa inyong katawan. Biglang may dumaan na jeep at natalsikan kayo ng putik ay nagising kayong pareho sa katotohanan. Niyaya ka niya sa may malapit na mini-store at sumilong muna. Pinakilala niyo ang sarili sa isa't-isa at boooom, nagpalitan na kayang ng phone number. The rain stopped. It's time to say goodbye.

Nagpapalitan kayo ng mensahe kapag umaga tapos nag-uusap naman through phone kapag madilim na ang gabi. Endless conversations nga naman. Ganyan kapag in love. Hindi nauubusan ng hugot mula sa puso.

CUT!

Oo, isa lang ito sa mga imahinasyon ko kay Kuya No. 88.
Naranasan mo na bang bigyan ng special name iyong mga crushes mo sa campus niyo na ikaw lang ang nakakaalam. Tulad sa pag-ibig natin sa kanila, just one-sided.

Halimbawa sa akin:

√ Mister Red Shoes
-Iyong maputi, singkit at matangkad na lalaki sa ibang departamento ng aming paaralan na nakakahulog damdamin. Paboritong isuot ang kulay pula nitong sapatos. Pati suot sa paa, napapansin ko kasi nga, wala akong maaaring itawag dito <3

Fafa Irreg
-Tall, dark and handsome. Isa siyang irregular student kasi transferee. Nakakakilig kasi basta minor subject, magkaklase kami. Nakatira kami sa iisang bubong kahit isang oras lang. Napaka-HOT daddy niya kahit hindi pa kami mag-asawa. Kaso, unrequited ang pagmamahal ko rito. Para ngang iyong seatmate niya ang may pag-asa. Sweet nila eh </3

√ Cotton Candy
-Aba, ito ang matindi. Ito iyong mga taong astig manamit, cool maglakad at buo ang boses. Kaso, sad life kasi kapwa lalaki rin pala ang gusto </3

√At marami pang iba.

Iyong feeling na binibigyan ko sila ng special name, feeling ko special na rin ako sa puso nila. Pakiramdam ko kasi, super close na kami. Corny but chessy, yay.

Real Talk: So close yet so far.
Kasi nga, pati pangalan nila hindi ko alam. Ano bang magagawa ko? Kapag nariyan na si crushie, nanlalambot na ang aking mga tuhod, namumula na aking mga pisngi, nanginginig na aking mga kamay, pinagpapawisan na aking mga kilikili, tumitibok nang napakabilis aking munting puso and worst,

Iyong mga nakakainis na bwisit na mga kaibigan ko, sila pa ang unang kinikilig. May pakiliti-kiliti pa sa beywang ko, may pahampas-hampas pang nalalaman, at may patulak-tulak pa sa likod ko and worst,

Kalalakas ng boses sa pangungutya sa akin, na parang may nalunok na sampung mikropono. Tuloy, napansin ni crushie ang kawawang ako, and worst,

Negative ang reaksyon :( Aw!

Hopeless me.

Sabi na nga ba eh! Dapat kasi ilihim ko na lang sa sarili ko kapag may napupusuan ako. Pero minsan kasi, hindi ko maitago ang kilig sa katawan ko kaya minsan, napapaamin ako ng wala sa oras.

Hindi ko rin naman masisisi ang mga kaibigan. Matalas ata ang mga mata na parang agila at malakas ang mga pang-amoy na parang aso. Pati straight na lalaki sa may kanto, naaamoy raw nila na bakla ito o kaya ay bisexual. Walang hiya, oh. Nagkakaubusan na ang mga matitinong lalaki. Sila na rin lang naman na ang nagkakagustuhan. Sa dinami-rami na man ng mga babae, oo, querida ay kung saan-saan na nahahagilap.

Isa pang rason kung bakit walang kasintahan ay sadyang mapili lang. Napakataas ng standard, kumbaga. Aminin ko, hindi naman kagandahan, hindi naman kaseksihan, hindi naman kagalingan, hindi naman kabaitan kaso ang arte tulad ko. HAHAHA!

Iyong type ko, hindi ako gusto.

Iyong may gusto sa akin, hindi ko naman type.

Sadyang napakagulo lang ng estado ng aking buhay, parang isang munting kuting na meow ng meow.

Forever, where are you now?

Huh? What do you mean?

Is it too late now to say sorry?

Narrator: LOVE YOURSELF!

Me as the narrator: I LOVE MYSELF! *insert evil laugh here*

Wattpad AD: Justin Bieber, I love you so much. You give me purpose everyday. You give me purpose in every way.

Isa pa yang napakagaling na rason kung bakit, kung bakit, kung bakit, kung bakit, kung bakit wala akong matipuhan sa kalsada, paaralan o kaya diyan lang sa kapitbahay!

Mahal na mahal ko ang babies ko. Ayaw ko silang ipagpalit sa kahit sino man. Oo, ala-artistahin ang gusto kong masungkit. Kahit maging personal alalay lang nila ako. Tagabitbit ng mga bagahe nila, tagapunas ng pawis nila, tagahugas ng pinagkainan nila, tagaplantsa ng damit, at taga-kiwi ng sapatos nila. Okay na. Okay na iyan. Malaki na nga sahod, nakikita ko pa sila minu-minuto.

Papasa kaya ako sa kanila?

Makapag-apply nga.

(Pero ate, wala ka ngang pabili ng ticket sa concert nila kapag narito sila sa Pilipinas, airplane ticket pa kaya para pumunta sa lugar nila? Gising, oh.)

Pero, may online naman sigurong paraan para magpasa ng résumé at interview kapag nagkataon, diba?

Malay ko ba.

Baka nga pasundo pa ako sa helicopter ni Mr. Christian Grey.

~~~~~~

See you #TeamBahay :)

Share your thoughts*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#TeamBahay HUGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon