Ako si Nikki Gabuya. 21 years old. Taken naman na ako eh. Taken na ako sa boyfriend kong si Zeus Collins na ngayon ay naka labas na siya sa Bahay ni kuya. ^_^ Hindi biro lang. Ang boyfriend ko na mahal na mahal ko ay si Gavin Santos. 3 years na kami.
By the way, broken family nga pala ako. Nung 14 years old ako, naghiwalay sina mama at papa. Iniwan nila kaming apat na mag kakapatid. 2 babae at 2 lalaki. Pangatlo ako at ang bunso ay babae rin.
Kaya nag asawa si mama ng bago. Ang step father kong si Papa Jonas na may 2 naman ding anak. Babae at Lalaki. Ang panganay niya ay lalaki na ams matanda saakin at ang bunso niyang babae ay mas bata naman saakin.
Ang alam ko, mag kaklase daw sila sa college ni mama. Matagal na daw naghintay si Papa J (tawag ko kay papa Jonas) kay mama. Kaya ayun nagselos yung dati kong papa at naghiwalay na sila ng mama ko. Nang naghiwalay na silang dalawa ay nag sama ni si Papa J at yung mama ko.
Kumbaga, nagtaksil si mama. Haha, ewan ko kung bakit di ko pinapagalitan si mama ko. Pero ayoko siya syempreng gayahin.
Nung 18 years old ako ay namatay si bunso. 15 years old palang siya noon. Nakita nalang siya ni kuya na naka bigti. Y'un na siguro ang pinakamasakit na nangyari saakin dahil siya nalang ang kaagapay at kakampi ko mula pagkabata.
Ang hinala ng mga pulis ay nagpakamatay si bunso, pero hindi ako naniniwala sa sinasabi ng mga 'yan. Baka pinatay siya.
Nag trabaho na ang panganay na kuya ko sa Singapore bilang Engineer, si dikong naman ay nasa Marikina. May asawa na kasi. Ang natira nalang dito ay yung step-brother at step-sister ko. Pati na rin si Mama at si Papa J
Nag aya si Gavin na boyfriend ko na pumunta dito sa bahay. Mag o-over night daw dito. Wala daw kasing tao sa bahay nila at natatakot sa multo. -___- Kalalaking tao.
Nag stay siya sa bahay namin for one week. Sabi niya overnight pero aabt pa yata ng buwan dito. WOW OVERNIGHT LANG, UMABOT NG ISANG BUWAN. ANO 'YUN PASIMPLENG NAKITIRA NA FOR HABANG BUHAY?
Joke lang. Boyfriend ko naman eh.
Isang araw ay nag inuman sila Papa J, Gavin at si Step brother. Wala naman akong nagawa kundi gumala kasama si step-sister ko. Nang maka uwi na kami, malakas na yung tama nila. Lasing na talaga.
Natulog nalang ako at bahala na silang umakyat sa sarili nila. Matatanda na sila.
*MORNING*
Pagkalabas ko ng kwarto ko ay wala pang mga pakalat kalat na tao, kaya naman alam kong, ako palang ang gising. Feel free.
At dahil mabait at maganda akong dyosa ay nagluto na ako ng agahan at nag timpla na ng kape para sa tatlo. Tinawag ko na sila pero tila malakas ang hang over.
Una akong pumunta sa kuwarto ng step-sister ko para tulungan naman ako sa pag hahanda ng pagkain.
*knock*knock*
Wala namang nag bubukas. Wala naman sana siyang hang-over kasi hindi naman siya lasing kagabi.
Hindi naman siguro masama kung bubuksan ko na yung pintuan diba. Parehas naman kaming babae.
Pagkabukas ko ng pinto...
Nanghina at parang na durog ang puso ko ng makita ko ang nandito... Paano nila nagawa saakin ito? Sa nakikita ko ngayon ay gusto ko ng patayin ang step-sister ko..
Pati na rin si..!!
*****
A/N:
Kung may katanungan sasagutin natin.
Bakit napaka bilis ng pangyayari?
ANSWER: Kasi po akala ng magaling na author ay one shot lang ang gagawin niya. Paki batukan po pag nakita niyo.
YOU ARE READING
USELESS LOVE
Teen FictionMahirap mag mahal kung alam mong hindi naman maganda ang mga nangyayari. Puri mga kamalian ang mga dumadating sa buhay mo. May mga broken. Wala namang perfect diba, pero tama bang mangyari itong mga ito?