LMG 1 ~ I love you, friend

812 16 2
                                    

A/N: Sa tinagal-tagal ng aking pagpapahinga ay mag-a-update na ako. Haha. Pasensya sa katagalan. Sana'y inyong magustuhan :)




***

 "Ano bang nagustuhan mo kay Vice?"

Nagulat si Karylle sa narinig niyang tanong ni Vhong sa kanya nang mauna ng umalis ang iba nilang kasama.

Tinapik nya ito sa balikat. "Huy. Ano ka ba Vhong. Marinig ka ni Vice e." Sabi nya sabay silip sa kanan kung nasan ang CR na pinasukan ni Vice kanina.

"Hindi tayo naririnig nun."

Hindi mapagilan ni Karylle ang mag-isip. Oo nga. Bakit nya nagustuhan ang bestfriend nya e sa tutuusin mas maarte pa ito sa kanya, mas pa-girl, mas malandi at kung anong mas pa. 

Nakakunot-noong napatingin sya kay Vhong. "Hindi ko alam e. Ginayuma nya ata ako. Baka may gusto talaga sya sa akin at ---------"

Binatukan sya ni Vhong ng mahina. "Wag ka ng umasa. Mas maniniwala pa ako kung ako kung ako ang ginayuma nya."

"Vhong naman e. Hindi man lang ako pagbigyan nito. Sa pag-i-imagine na nga lang ako nakakapuntos pati ba naman yun pagbabawalan mo pa ako. KJ naman nito." Nakangusong sabi nya.

Doon naman naisipan ni Vice na lumabas mula sa CR.

"O, bakit nakabusangot ka? Ano bang pinag-uusapan nyo?" Nakakunot-noong tanong ni Vice sa kanya.

"Ikaw---" Vhong

Biglang napatingin si Karylle kay Vhong.

"Ako?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Vice.

"Oo. Sabi kasi ni Karylle--------- Aray!"

Kinurot nya ito ng hindi pinapahalata kay Vice. Napatingin si Vhong sa kanya. Pinalaki nya ang mga mata rito. Ngumiti naman ito na parang nagso-sorry. "Oo nga pala." Mahinang sabi nito.

"Anong ako?" Tanong ulit ni Vice.

"A.. E. Pinag-uusapan ka naman kasi ang tagal tagal mo sa CR e nagmamadali na si K."

"Yun lang pala. Akala ko na kung ano. Ito namang si K o. Parang hindi naman ako lalabas ng CR. San ka ba pupunta at nagmamadali ka? At saka gabi na a." Vice

"Sa bahay."

"Sa bahay?!" Eksaheradang sabi ni Vice.

"Oo. Sa bahay."

"Sa bahay mo lang pala ang punta mo minamadali mo pa ako!"

"Hindi sa bahay namin. Sa bahay MO."

"Sa bahay ko? At maka'SA BAHAY' ka dyan a. Gabi na. Hwag mong sasabihin na dun ka sa bahay matutulog?"

LOVING my GAYFRIEND! (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon