( Chapter 4 ) His BestFriend and My Ex Boyfriend

23 5 0
                                    

After an hour of thinking what happen lately.. i fix my self for the party..

5:00 pm

" Lexie ! Jian is here ! "

" Opo! Pababa na po ako ! "

Habang bumababa ako sa hagdan , nakita ko si Jian na kinakausap ni mommy !

" Oh ayan na pala si Lexie ! "

Lumapit sakin si Jian at hinawakan ang kamay ko.

" Ang Ganda Mo ! " Bulong nya ...

" Thank you !" Sagot ko

" Tita Salamat po ! Uuwi po kami bago mag 11:00 ! "

" Sige Jian ! Mag- iingat kayo ! Wag mong papabayaan si Lexie "

" Opo Tita ! "

" Bye Mom ! " Lumapit ako kay mommy at humalik sa pisngi .

" Mag-iingat ka huh Lexie "

" Opo mommy ! "

Paglabas namin ! .. Sumakay na kami sa kotse nya !

Habang nag dri-drive sya sinubukan kong makipag usap sa kanya para naman hindi maging boring ang byahe namin..

" ahmm , Jian. Sino nga pala yung kaibigan mong may birthday ?? "

" Si Mark ! "

"Si Mark ?? ... Mark Bautista ??"

" Oo , Bakit parang gulat na gulat ka ?? Kakilala mo si Mark??"

" Oo ! Kababata ko yun ! Dun Sila Nakatira malapit samin dati"

" Sya ba yung ex mo ? "

" huh ? Pano mo nalaman ??"

" Nakwento na sakin yun ni Melanie . Pero hindi ko naman inaasahang si Mark pala na ex mo at si Mark na bestfriend ko ay iisa?? .. Bakit nga pala kayo nag break ?? "

Natahimik ako bigla ! Para bang bumalik lahat ng sakit na idinulot sakin ni Mark .

" Lexie Sorry , Dapat hindi ko na tinanong yun eeh "

" Hindi Ok lang ! .. alam mo Niloko ako nyang bestfriend mo . Pinaglaruan nya ko . Pinaniwala nya ko na mahal din nya ako ...! Akala ko mutual yung nararamdaman namin, pero hindi pala .. ako lang pala ang nagmahal , ako lang yung nag celebrate ng first Anniversary namin .. hindi na nya yun naalala , siguro sa sobrang dami ng girlfriend nya nalilito narin sya ! "

" Hindi mo parin sya nalilimutan noh?? "

Umiling na lang ako .. Hindi ko napigilang mapaluha!

" ok ka lang ! Gusto mo wag na lang tayong tumuloy "

" Hindi , Okay lang ako ! " Sumandal na lang ako sa may bintana at nanahimik habang pinupunasan ang mga luha ko !

" Mag-ayos ka na ng sarili mo ! Nandito na tayo ! Tandaan mo pag nakita mo si Mark wag na wag kang magpapahalata na hindi ka pa nakaka move on !"

" oo ! Salamat Jian .. wag kang lalayo sakin huh ! Wag na wag mo akong iiwan pag nasa party na tayo !"

" Oo naman , ikaw pa mahal kita eh ! "

" Tssh. Baliw ! "

" I love the way you smile ! Ang ganda mo pag naka ngiti ka! Kaya wag ka ng sisimangot pumapangit ka ! "

Natawa na lang ako sa sinabi nya..

" Ready ka na ?? Bababa na tayo ! "

" Ready na ko ! "

Hawak kamay kaming bumaba ng kotse .. Sinalubong kami sa Gate ni Veejay at ni Melanie..

Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon