( Chapter 6 ) Denial..

21 3 0
                                    

" Lexie Mahal parin kita ! "

" Tigilan mo na nga ako , May Boyfriend na ko "

" Sabihin mo lang na hindi mo na ko mahal ! Titigilan na kita " Sinabi nya ito habang tumutulo ang mga luha nya..

Ngayon ko lang syang nakitang umiyak..  Well nakita ko na syang umiyak dati pero hindi tulad nung pag-iyak nya ngayon..

Hindi ko na nasagot yung tanong nya .. Tumulo na agad ang luha ko , hindi ko na napigilan .. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit , Gusto kong paniwalaan lahat ng sinabi nya sakin pero pag naiisip ko na niloko nya ko dati .. Ang hirap , hindi ko na sya kayang pagkatiwalaan ...

" Mahal mo pa ba ko Lexie ? "

" Tigilan mo na nga ko "

" Sagutin mo na kasi yung tanong ko "

" Gusto mo talagang malaman ?? " tanong ko.

" Oo! " Sagot nya

" Hindi na kita mahal ! Si Jian na ang mahal ko , Simula nung niloko mo ko pinilit ko ng kalimutan ka .. At Natutunan ko naring mahalin si Jian . "

" Hindi kita niloko Lexie ! Yung nakita mong kahalikan ko sa bar .. Si Janine yun ! ex ko , hindi parin nya matanggap na hindi ko na sya mahal , kaya pinipilit nyang mahalin ko uli sya .. Nagulat na lang ako nung bigla nya kong hinalikan .. Hindi ko naman yun ginusto eh ! "

" Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko Mark, Gusto kong maniwala sayo pero sa sobrang sakit nung mga ginawa mo sakin hindi ko na kaya eh ! Ang sakit sakit nung makita kitang may kahalikan kang iba sa araw pa mismo ng anniversary natin! "

" Hindi ko ginusto yun ! Tsaka kung iniisip mo na nakalimutan ko yung anniversary natin .. nagkakamali ka .. Ibibigay ko nga sana sayo to eh kaya pinapunta kita sa bar na yun dahil alam kong special sayo yung lugar na yun, dahil dun tayo unang nagkakilala , Dun ko sana ibibigay sayo to eh pero nasira lang ang lahat dahil sa maling akala " May ipinapakita sya saking singsing habang ipinapaliwanag nya ang mga nangyari ..

" Kahit ano pang sabihin mo.. huli na ang lahat may boyfriend na ko... at hindi narin kita mahal "

Bigla nya kong hinalikan kaya nasampal ko sya ! Tumakbo na lang ako papunta sa inuupuan namin kanina .. hindi ko narin nagawang punasan ang mga luha ko ..

" Bhest ! anong nangyari sayo ?? Bakit ka umiiyak?" Tanong Ni Melanie.

" Tsaka ko na lang ikwekwento , Nasaan ba si Jian ?? " Sagot ko.

" Nandun sya sa labas eh may kausap yata! " Sagot ni Mel.

" Tsaka na lang ako magkwekwento Mel. Bye ! " Pagpapaalam ko sa kanya.

Paglabas ko ..

Nakita ko si Jian na may kayakap na babae ..

" Jian ! " Pagtawag ko sa kanya..

Lalo kong naramdaman ang sakit .. Para bang lalong nadurog yung puso ko nung nakita ko si Jian na may kayakap na iba .. Umagos na talaga ang luha ko !

" Lexie bakit ka umiiyak ?? " Tanong ni Jian.

" Sino sya?? "

" Please sa kotse na lang natin toh pag usapan "

" Sino sya ?? " Sigaw ko.

" Sa kotse na nga lang natin toh pag-usapan "  hinila nya yung kamay ko papuntang kotse !

" Ano ba Jian , Bitawan mo ko ! "

Pagpasok namin sa kotse ..

" ano bang nangyayari sayo Lexie ..bakit ka ba umiiyak ?? "

" Si Mark . Nakausap ko si Mark " Sagot ko habang humihikbi hikbi pa ako..

" San mo gustong pumunta ?? Pag-usapan na lang natin yan habang nasa byahe tayo . "

" Kahit saan , wag lang sa bahay namin.."

Habang nagdri-drive si Jian papunta sa kung saan.. Nagtanong sya sakin tungkol sa napag-usapan namin ni Mark .

" Anong bang sinabi sayo ni Mark ?? "

" Pinaliwanag nya sakin lahat ng mga nangyari nung nag break kami ! Sinabi nya na mahal pa nyo ako , tapos may pinakita pa syang singsing .. Regalo nya daw sakin yun nung anniversary namin.. Naguguluhan ako Jian , Ramdam na ramdam ko na mahal parin nya ko " Sagot ko habang naluluha.

" Umamin ka ba na mahal mo parin sya ??"

" Syempre hindi ! Sinabi kong ikaw ang mahal ko " ..

" Hmm.. Pakiss nga ! " Sabi nya habamg ngumunguso nguso pa..

" Jian naman eeh ! Seryoso ako "
" Pinapatawa lang naman kita eh ! Sorna! Wag mo na kasing isipin yung Mark na yun .. "

" Hmm.. Hindi ko kasi kayang kalimutan sya lalo na't narinig ko mismo sa bibig nya na mahal nya parin ako "

" Tama na yan ! Wag mo na nga syang iyakan.. nagseselos na ko eh " pinunasan nya yung luha ko .. kaya napangiti ako.

Sumandal na lang ako sa bintana at nanahimik ng ilang minuto .. Bigla kong naalala yung babaeng kayakap ni Jian kanina..

" Hoy Jian ! Sino yung kayakap mo kanina?? "

" ahh yung pinagselosan mo ! Si Jen yun .. Kababata ko "

" At sino naman may sabi sayong nagseselos ako ??"

" Halata naman eh ! Kaya ka nga sumisigaw kanina eh "

" Nabuwisit lang ako ! Syempre Boyfriend kita tapos makikita kita na may kayakap na babae "

" Nagselos ka ! kaya ka nabwisit diba ?? "

" Hindi nga eeh "

" Suuss kunwari ka pa babe ! Alam ko namang mahal mo ko eh ! Kaya nagselos ka kanina "

" Adik ka ! Sapilitan nga lang yung pagsagot ko sayo eh "

" Ganun ?? So hindi mo ko mahal ?" Bigla syang nalungkot ... Nahurt yata sya sinabi ko..

" Nung una , gusto lang kita ! Pero nung nakilala na kita parang gusto ko naring mahalin ka ! "  Sagot ko..

Nakita kong ngumiti sya uli ..

" Mahal mo na ko ?? " Tanong nya..

" Gusto ko lang na mahalin ka ! Pero hindi pa kita mahal" sagot ko.

"  Konti na lang makukuha ko na yung " Yes " Mo ng hindi ka pinipilit ! "

" Try and Try ... Walang Imposible "

" Pero yung totoo .. Tayo na ba talaga ?? "

" Haha ! Ewan ko ! Basta ang alam ko lang Boyfriend kita kahit hindi pa kita sinasagot.."

" Ganun ! Sagutin mo na nga kasi ako para akin ka na talaga.."

" Tsaka na lang hindi pa ko ready "

Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon