Chapter 6

6.1K 74 1
                                    

SARAH’S POV

Andito ako sa sofa nakaupo,  kanina pa ako nag-iisip.

Kilala ko ang kotseng yun! Di ako maaaring magkamali! Muntik nya na akong mabangga! Ano naman kaya ang ginagawa nya dito... ?

At itong flowers? Gumamela? Sigurado ako sa flowershop ko to galing. Kanino naman to galing? Sabi naman ni Kate nung tinawagan ko , hindi nya alam at di sya ang nagbigay.

Tawagan ko kay si Layla. Pero 10:00PM na, baka natutulog na sya. Pero baka ako naman ang di makatulog sa kakaisip! Hmp!

Dinial ko na number ni Layla...

Hmm nagriring na.

“Hello mam napatawag kayo?” sabi ng nasa kabilang line

“Ahm pasenya ka na sa istorbo may itatanong lang sana ako.”

“Ok lang mam, wala naman akong ginagawa ngayon, ano po yun mam?”

“Ahm salamat, hindi ko kasi na-check ung sales natin ngayong araw,  ....anong flowers ba mabenta ngayong araw? Para mailista ko na sa mga orders natin.”

“Mam roses at tulips po mam.....”

Hmm..pano ko ba itatanong, pero sigurado ako sa shop ko galing tong bouqet  na ‘to eh!

“Hmmm anong kulay ng roses yung pinakamabenta?”

“White at red po mam...”

Haaaay.. Pano ba to! Nagkulong kasi ako sa office ko maghapon kanina eh, ang totoo di ako nakapagwork ng maayos. Naiisip ko pa rin yung kahapon.. Haaaay...

“Hmmm ung pink di ba mabenta... ?”

“Mam parang isa lang bumili kanina ng pink roses eh.....”

Talaga? Sino?? At bakit parang na-i-excite ako?

Hmp, ewan.. Sino kaya...............

“Hmmmm.....ung magandang babae kanina....pinalagyan nya pa nga ng gumamela eh...  ang cute nga mam ng kinalabasan ng arrangement! First time na may bumili mam satin ng gumamela para gawing buoquet!”  dagdag nya na parang nabasa nya tanong sa utak ko.

 “Talaga..... ?”

First time ko rin makatanggap ng gumamela...

“Oo mam...ang ganda...!”

“Ahm sige sige, salamat sa info, pasensya na uli sa istorbo. Good night Layla.”

                                                                    

“Ok lang mam. Good night din po...” ibinaba ko na yung Phone ko, napapaisip ako.

My Beautiful Soulmate (GirlxGirl Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon