Chapter 21: Sorry Na.. I love you..

4.7K 95 12
                                    

ZHYRE’s POV

Matapos tawagan ni Janz si Renz, sumunod na lang ako sa kanya papunta sa kung saang lupalop ng bar andon daw sila Renz.

Haay si Cindy kanina pa call ng call sakin nakakainis na. Sabi ko nasa appointment ako. Di na nga tumawag, text naman ng text nakakainis!

“Hoy Zhyre, tandaan mo yung deal natin ha? One sign lang talo ka na.” Nakangisi nitong sabi.

“Hay naku.. Oo nah…” Walang gana kong sagot. Alam ko namang panalo na ako eh.

“Sino ba yang pinagkakaabalahan mo dyan sa cellphone mo at saka konti na lang parang gusto mo ng kainin yang phone mo! Hahaha!” Pang-aasar nya sakin. Tinitigan ko sya ng masama.

“Tigilan mo nga ako Janz.” Sabi ko.

“Hakhak asar-talo!! Hayaan mo, pag nakita mo yung bestfriend ni Kate naku mawawala yang  bad mood mo! At syempre di ka manghihinayang na ibigay sakin ng buong puso yung property mo sa Tagaytay hahaha!”  Sabi nito.

“Ha si Kate na-invite mo? Di ba allergy yun sa mga lesbians?” Sabi ko.

“Haha oo pero syempre matatanggihan nya ba ako?” Sabi nya.

“Ganun, sigeh sabi mo eh.” Sabi ko na lang.

Naglalakad kami, nakasunod lang ako sa kanya habang ako naman di mapigilang magreply kay Cindy, ang kulit kasi eh. Di ko lang ma-i-off ang cp ko kasi inaantay ko magtext ang love of my life ko. Hay makapagpalit na nga ng number.

Medyo narinig kong may sinasabi si Janz kaso sa sobrang lakas ng sound di ko maintindihan saka nasa phone ko ang atensyon ko, di ko na napigilan kaya ini-off ko na lang.

Siniko ako ni Janz, andito na pala kami.

“Meet my another bestfriend…Zhyre.” Pagpapakilala ni Janz sakin.

Oh my God… She is here, what are she doing here??

“And Zhyre this is Sarah, best friend sya ni insan Kate. Anyway kilala na sya ni Kate so ikaw na lang Sarah ang di nakakakilala sa kanya. ” Pagpapatuloy ni Janz.

Ano? Sya ang bestfriend ni Kate?? But she looks beautiful tonight… She’s pretty hot in her dress. Kung pwede ko lang syang titigan magdamag di ako magsasawa. I want to kiss her.. Na-miss ko sya.. Sobra…

“Hmm wala ba kayong balak magsalita…?” Sabi ulit ni Janz.

“Hi Sarah.. Wow you look so b-beautiful tonight. You’re sexy…”  Yan lang ang tanging lumabas sa mga labi ko.

“Hi Zhyre…. You look so beautiful too…… N-nice meeting you..” sabi nya.

Nice meeting you…? Tumagal ng ilang segundo bago ko na-calculate yung huling sentence na sinabi nya. Parang pinunit ang puso ko. Nakaramdam ako ng lungkot. Bakit ganun? Kung di nya ako kayang ipakilala bilang girlfriend nya, sana di na lang nya ako itinanggi na kakilala nya ako.

Di ko alam ang sasabihin. Nasasaktan ako. Ang sakit pala pag nagkunwari ang taong mahal mo na hindi ka nya kakilala sa harap pa mismo ng mga kaibigan namin. Pano ko sasabihin kay Janz at Renz na sya na yung babaeng nakapagpatibok uli ng puso ko?

Nakatingin lang ako sa kanya. Hayy.. Bakit ganun?

“Uy! Nice meeting you daw…” Bulong sakin ni Janz. Bwisit din to minsan eh, inulit pa yung words na nakasakit ng damdamin ko. Asar.

“Nice meeting you too..” Sabi ko ng may pangungutya. Di ko alam kung napansin nya yun. Total yan ang gusto nya di ba? Ok sige, kunwari di ko rin sya kilala.

My Beautiful Soulmate (GirlxGirl Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon