Chapter 14: The Rainbow After the Rain

5.9K 108 7
                                    

Sorry po for the long wait! Enjoy reading. Vote and comment! =)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SARAH’s POV

Harap dito. Harap doon. Dadapa tapos titihaya. Grrh! Di ako makatulog! Haaay..Hanggang sa mapatingin na lang ako sa kisame.

Parang projector ang kisame, malinaw na image ni Zhyre ang nakikita ko.. Ang mga mata nya nung gabing yun di pa rin maalis sa isipan ko. Palaisipan pa rin sakin ang emosyon sa mga mata nya na yun.. Bakit? Bakit ganun sya? Hanggang ngayon di pa sya nagpaparamdam. Kala ko magkaibigan na kami pero bakit ganun? Bigla na lang syang di magpaparamdam, wala man lang paliwanag! Napaka-unfair nya! Nakakainis sya!

Halos na-torture ko na si Arvan sa kakatanong ko kung may nakaraan ba sila ni Zhyre at bakit ganun na lang yung reaksyon ni Zhyre nung makita kami, pero wala naman akong nakuhang info sa cousin ko na yun and I think he is honest naman sa mga pinagsasabi nya na hindi nya kilala si Zhyre at first time nya lang makita si Zhyre dito sa condo ko that night. Ang nakakainis lang, baka kami daw yung may something kaya nagkakaganun si Zhyre nung makita kaming sweet hay! Ewan ko ba sa pinsan ko! Parang gusto ko tuloy dukutin ang utak nya at lukutin at itapon sa trash can! Kung anu-ano na lang kasi ang pumapasok sa imagination nya.

But what if she is jealous? What if she is hurt? Ako ba ang dahilan? Imposible..

“Arrhg! Grrrrh! Zhyyyre! Bakit mo ba ako pinag-iisip ng ganito! I hate you! Dahil sayo di ako makatulog ng maayos! Humanda ka sakin pag nakita kita! Nakaiinis ka!” Sigaw ko habang nakatakim yung unan sa mukha ko. Nakakanis talaga.

……….

“Hi Kate, kumusta? Ok ka na ba?” Tanong ko habang nag-aayos ako ng sarili, kausap ko sya sa phone.

“Oo naman, ako pa.. Eh ikaw, ok ka lang? Almost one hour ka nang late!” Hindi na mababakas sa tinig nya ang lungkot. Unbelievable. Ok na sya agad-agad? Napapailing ako.

“Ahm Kate, di ako papasok medyo masama pakiramdam ko eh..” Pero ang totoo, I have something to do, I have to find Zhyre. Masyado nya nang ginugulo ang utak ko. Ayokong habambuhay ma-stress sa kakaisip ng mga bagay na dapat di ko naman iniisip!

“Are you ok..? Alright ako na bahala dito don’t worry ok.. Pahinga ka ng mabuti and get well soon ok..?” May pag-aalala sa boses nya, parang nagi-guilty tuloy ako.  Sa milyun-milyong tao sa mundo nakikila ko si Kate, ang bestfiend ko. Ang swerte ko na nagkaroon ako ng napa-caring na kaibigan na katulad nya.

“Ok, thank you.. I’m sorry.” Nagi-guilty talaga ako, di ko masabi na may nakilala akong girl at ngayon kailangan ko syang hanapin! Bakit nga ba di ko mai-share sa bestfriend ko na may nakilala akong girl na sya yung dahilan kung bakit naging masaya ako nitong mga huling araw at ngayon sya din ang reason kung bakit lagi na lang akong puyat at nahuhulog sa malalim kong pag-iisip.

Why 50% of my brain are busy thinking of her while the other half, thinking of the reason why I thinking of her. Stupid mind!

“Hey Sarah natahimik ka na naman, sabi ko it’s ok.. Don’t be sorry, ok lang yun yakang-yaka ko naman yung mga iniwan mong paper works na madadaig na ang Eiffel tower sa taas.” Joke nya. Natawa ako.

“Oh..I’m really sorry Kate.. Sorry..”  Ang dami kong paper works na hindi ko nagawa, halos tinitigan ko lang hindi ko naman talaga chineck. Hay.

“Loka, ano ka ba.. Joke lang yun, yaan mo kayang-kaya ko yun no, saka I think you need rest talaga, kaya wag mo na isipin ok? Saka may bayad naman yun eh hehe, a-absent ako ng one month.” Tatawa-tawa nyang sabi.

My Beautiful Soulmate (GirlxGirl Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon