*2*

4 0 0
                                    

--.

a/n:

itong story na to. hindi siguro lalagpas sa chapter 15. pero mahaba nmn sa bawat chaper. ^^

yun lang. hehe..

_________

Nang pumatak ang alas-sais ay bumangon na si Issabell. Groggy.sya dahil hindi sya nakatulog sa sobrang excitment.

Dumiretso sya sa komedor at nagtimpla ng kape.Iyong very brave,wika nga ni Rio.Imported mula pa sa Brazil ang granules, hinarbat nya mula sa boss.

Sa amoy pa lang nyon ay gising na sya.Dinala nya ang tasa sa magenta-colored bathroom,doon hinigop habang nakaupo sa trono. Ka-cheapan mang matataWag iyon pero wala namang makakaalam. Kailangan kasi nyang magmadali. She must do two things at the same time.

Her business on the toilet and the coffee finished,she stepped under the shower.Shinampoo nya nanghusto ang kanyang buhok, pagkatapos ay naglagay ng sangkaterbang hair conditioner.Nagkuskos din sya ng katawan. Wala syang itinirang dead skin cells. Kailangan, kumukutitap ang kutis nya pagharap sa mga ex-classmates nya.

Habang basa pa ang katawan ay nag-apply sya ng EVOO extra virgin olive oil. Iminasahe nya iyon sa buong katawan hanggang sa pakiramdam nya ay na absord na iyon ng kanyang balat. She waxed her armpits then rinsed her hair. Paglabas nya ng banyo ay nagtimpla uli sya ng kape. Ininom nya iyon habang pinapatuyo sa electric fan ang buhok. Umiiwas muna sya sa hairdryer dahil nalalagas ang buhok nya.

Alas-syete media na ng gabi. Mayamaya at tumunog ang telepono. Hinayaan na nya ang answering machine.Si Rose ang caller.Papunta na raw ito at si Joan sa kanya. Mabilis syangh nagsepilyo, nag-dental floss at nag-gargle ng mouthwash. Then she did her make up. Fifteen minutes ang inubos nya roon. Dapat thirty minutes na gagawin nya iyon pero nagmamadali sya. Magreretouch na lang sya sa sasakyan.

Lumapit sya sa cabinet-----na sa tingin nya ay parang kulungan mg manok--na gawa sa maliit na hibla ng kawayan at dinekorasyunan ng itim na bakal. Hand-me-down iyon mula kay Rio. Nag redecorate ito ng bahay at nag discard ng mga gamit na hindi bagay sa bagong motif nito. Nakasama roon ang aparador.Beinte mil umano ang halaga nyon kaya sinunggaban na nya kahit mukhang kulungan ng manok.

Now she was near panic. Simula nang ma-inform sya tungkol sa reunion, inisip na nya kung ano ang isusuot pero hanggang nang nagdaang gabi ay hindi pa sya nakakapagpasya.

Kinuha nya ang binilinh miniskirt, kinagat ang tag nyon na hindi pa pala nya natatanggal at saka isinukat.Puwit lang nya ang natakpan nyon pero bagay naman sa kanya. It made her legs look longer than they really were. Five-three lang naman ang taas nya at may tendency na bumilog kung magpapabaya sya.

She decided on the denim miniskirt.Bakit hindi nya ternuhan iyon ng tennis skirt?Kinuha rin nya ang shirt at isinukat.Matched na matched iyon sa palda.Kaya lang,hindi kaya mahalatang itinahi lang nya ang maliit na buwaya sa dibdib nyon? Ang laking kahihiyan kung mabubuking nina Marigold na ginawa nyang patch ang logo ng Lacoste!

Sinipat nya iyon nang maigi sa salamin.Hindi naman siguro mahahalata ang patch.Maayos naman ang pagkakatahi nya, mukhang authentic shirt.

She knew she was being cheap again.But what could she do?She was regularly hobnobbing with the rich and famous,pero kulang naman ang sweldo nya. Kailangan maging creative sya.At mayaman sya sa creativity ^^. Magaling syang magrecyle ng mga laruan noong bata pa sya. Karamihan kasi sa mga iyon ay hand-me-downs dahil hindi mayaman ang pamilya nila.Mas nag invest sa edukasyon nilang tatlong magkakapatid ang parents nila.Ang pambili ng mga laruan at mga damit at ginamit para makapag-aral sila sa matinong eskwelahan.A private school with a saint's name meant high tuiton fees and classmates like Marigold and her gang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stupid Love I wantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon