Naalala ko yung mga salitang sinabi niya.
Mga salitang Hindi ko kayang kalimutan.
Tandang-tanda ko pa ang araw kung kailan nangyare ang lahat
Ang araw kung saan natapos ang Ikaw at ako.
Ikaw at ako na akala ko'y hanggang sa huli.
Ngunit dahil sa kasalanan ko.
Kasalanang, mahalin ang isang tulad mo na kahit kailan Hindi magagawang suklian ang pagmamahal ko.
Dahil sa ako'y 'di hamak na kaibigan lang.
Sabi niya :
"Tama na maawa ka sa sarili mo wag mong ipag siksikan ang sarili mo sakin! Hindi kita mahal at hinding-Hindi kita mamahalin. Anong klase lang babae Ikaw pa ang magtatapat sa isang lalaki? Ganyan ka'ba kadesperada? Bigyan mo naman ng kahihiyan ang sarili mo. At pakiusap lumayo ka na sakin at huwag ka nang magpapakita pa. Kalimutan mo na ako kasi kinakalimutan na kita."
Sa bawat salitang binibitawan niya. Nanunuot sa sistema ko ang sakit. Ang sakit na dulot ng pagkakahulog ko sakanya.
Nahulog ako sakanya. Sa kadahilanang akala ko ay magkapareho kami ng nararamdaman.
Kaya't heto nanaman ang mga taksil kong luha nag aala racer sa pag uunahang pagpatak sa aking pisngi. Napaka-init ng mga luhang ito.Tanging isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking labi.
BINABASA MO ANG
Sabi Niya (ONE SHOT)
Teen FictionUnang one shot story ko pa ito sana po suportahan niyo po ito sa mga makakabasa po nito kayo po ang inspirasyon ko maraming salamat po:-)