A/n: hi! First time kong gumawa ng horror at medyo brutal.. sana magustuhan niyo
***
"Oh my God Selena! Its our field trip na!" sabi ng bff kong conyo.
"Alam ko Sophie! Kagabi ka pa eh noh!" yeah, kagabi pa sya ganyan. Sa bahay na nga sya nakitulog eh.
"Waaah Selena, why so meaan?"
"Tara na maiiwan na tayo ng bus oh!" sabi ko sakanya saka niya ako hinila. Oo siya ang nanghila excited kasi masyado. Tss -_-
Nga pala ako si Selena Nidashi. At sya naman si Sophie Choi parang bachoy lang eh noh.. tawa naman kayo..Kay waley. Sa Batangas kami mag fi-fieldtrip at puro activity lang ang gagawin. Well maganda na rin yun. May zipline at wall climbing din don.
@sa bus@
"Matutulog muna ako Sophie.. bantayan mo yung mga bag natin ah."
"Wait Selena!"
"Ano nanaman?"
"Selfie muna tayo.." sabi nya.. Tsk!
"Ge -_-"
"1,2,3 smile"
*click*
"Sige na pwede ka nang matulog hehe."
**
"Selena.. andito na tayo."
Nagising ako nang tapikin ako ni Sophie.
Umayos ako saka inayos yung mukha ko at yung mga gamit ko.
Bumaba na kami at napatingin ako banda sa may mapuno dahil parang may nakita akong nakaitim na tao. Pero wala naman.
Pumunta kami sa may tutuluyan namin. At wow lang ang ganda. Labas pa lang. 2 days kami dito at bukas aalis na rin pala kami. Parang kinakabahan ako.. p-parang may mangyayaring masama.
"Tara na Selena. Kain daw muna tayo sa loob sabi ni Sir Aquino." pag aaya sakin sa loob ni Sophie. Haist baka guni guni ko lang yun. Pagkatapos lahat lahat ng ginawa namin sa bahay ay gagawin na namin ang activity
Ang activity namin ay maghahanap daw sa gubat ng mga flag at ibibigay kay sir Aquino. by pair daw dapat so.. sino pa ba pipiliin ko edi si Sophie. Nga pala may mga CCTV's na nakabantay so safe kami. Padilim na pala dahil 4:30 na
Pumunta na kami sa may gubat at meron kaming Nakitang lalake na may nakasabit sa balikat nya na dahon o palay..
"Tsk, tsk, kung ako sa inyo umalis na kayo dito dahil mapapahamak lang kayo.. nandyan lang SILA sa paligid" sabi nito saamin. Tinarayan lang sya ni Sophie.
"Duh!? As if were going to trust you. Cause in the first place we don't even know you.." pinigilan ko naman siya.
"Stop being so rude Sophie, ahmm.. manong pasensya na ho kayo sa kaibigan ko.. sige po aalis na po kami." Sabi ko. Sinamaan ko si Sophie ng tingin.. Tsk! -_-
"Basta binalaan ko na kayo ineng. Wag nyo akong sisihin pag may nagyareng masama sainyo." tumango na lang ako at hinila si Sophie paalis. Naghanap kami ng flag at 4 palang nakukuha namin sabi kasi kanina lima daw dapat.
Bigla kong naramdaman na parang may nagmamasid saamin.
Bigla namang may lalake na lumitaw papalapit saamin. may hawak sya na Chainsaw. OMO!"Selena!! who is he?" Tanong ni Sophie. Bigla namang lumitaw yung president papunta samin..
"Selena ilan na yung.." nagulat kami nung bigla na lang siyang bumagsak na may saksak sa tyan.. lumapit yung lalake dun sa president namin saka niya chinainsaw at nagtalsikan saamin yung dugo.
"T-Tulong... t-tu...l-long..." at bigla na lang pinutol yung ulo saka hinagis saamin.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!"
Dali dali kaming tumakbo. lumingon ako para tingnan yung lalake.. pero nawala siya.. hayy .. pagkalingon ko sa harap..
"AAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!" bigla niyang sinaksak si sophie. Hinawakan niya si Sophie at saka niya sinaksak sa braso
"BITAWAN MO SIYA!!!" sigaw ko. Lumingon naman siya sakin na may demonyong ngisi.
"SOPHIE!!! TUMAKBO KA NA!!!" Lumapit saakin yung lalake na may dala pa lang itak.
"AAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!" Nagulat ako nang bigla na lang bumagsak yung lalaking may hawak na itak. Kinuha ko yung itak niya saka tumakbo.
"Sophie!!! Asan ka na!?" may nakita naman akong babae na nakatalikod.. baka siya na ito. Biglang humarap yung babae at...
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!" Yung mukha niya.. labas yung mata niya na nakalaylay.. Tumakbo ako.. pumunta ako kung saan kami tumutuloy..
Pagkapasok ko sa loob.. puro duguang katawan ang nakita ko. Masyadong brutal.. hinanap ko sa mga kwarto si Sophie pero wala.. pumunta ako sa may kusina nakita ko si Sir Aquino na nakatalikod.
"S-sir? A-ano p-pong nangyayare? b-bakit ganto? Bakit m-may pumapatay?" tanong ko sakanya. Lumingon sya na may malademonyong ngisi.
"Mas mabuti siguro kung umalis ka na dito Ms. Nidashi. nakita ko si Ms. Choi sa CR kanina." Nakangisi niyang sabi. Agad akong tumakbo at pumasok sa Cr. Bigla namang sumarado yung pinto at nung tinry kong buksan.. ayaw..
"Sir! buksan nyo po ang pinto! sir!" Bigla namang may usok na kumalat sa loob ng banyo.. hindi ako makahinga. Since maluwag itong cr nilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Sophie...
"AAAAAAAAAAAAAHHHHHH!" nakahiga sya sa bathtub na puro kutsilyo. Medyo dumilat sya kaya napatili nanaman ako.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH"
"S-se.....l-lena...s-si.. s-sir.... A-a...q-qui...n-no... U-u..m-ma..l-lis... k-ka...n-na" nilapitan ko siya.
"Sophie! sino?!" bigla na lang siyang tumingin sa bintana.. at pumikit.
"Sophie! Sophie! Mahal na mahal kita bestfriend..." naiiyak kong sabi. Hindi na ako makahinga.. makapal na ang usok tumingin ako sa bintana sa taas..buti na lang hindi iyon naka lock. Umakyat ako sa may toilet at umakyat palabas nang cr.
Pagkababa ko. puro duguang katawan... Nagulat naman ako nung may nakita akong nakabigti sa puno, Nakatusok pa sa mata niya yung flag.. bigla naman itong nagmulat.
"MMMMMM!" Pinipigilan kong tumili baka marinig ako.... Yung mata nung nakabigti namumula at dumudugo...
Naglakad ako nang dahan dahan... halos patay na lahat ng nadadaan ko..
"MMMMMM!!" may nakita akong lalake na punong puno ng pinagpatakan ng kandila. Nagkanda suka suka ako sa nakita ko.
"W-WAG! MAAWA KA! WAAAAAAAAAAAG!" Napalingon ako sa sumisigaw.. May motor na may madaming kutsilyo sa harap nya.. Huli na, bigla na lang binunggo yung lalake.. Naghiwa hiwalay yung mga parte ng katawan nya.. labas yung bituka niya.. bigla akong napasuka.
Napakadami nila.. lima sila.. pinagtatawanan nila ang mga nangyayare... umatras ako.. kaso may natapakan akong kaldero. Napalingon sila sa direksyon ko.. sabay sabay silang ngumiti ng demonyo.. saka ako hinabol.. isa isa pa naman silang may hawak na armas.. may chain saw, itak, baseball bat at samurai..
"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!" Nahuli ako patay. Hahampasin na ako ng baseball bat.. naramdaman kung may dudumudukot sa mata ko.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!"
****
"SELENA! GISING!" Bigla akong napamulat at inilibot ko ang mata ko.. nandito silang lahat.. nandito na pala kami
Lumabas kaming lahat at may napansin akong nakaitim.. ngumisi ito ng mala demonyo saakin...
Siya na ba ang nasa panigip ko??
******
A/N: Kyaaaah! Salamat kasi binasa mo ito.. hehe.